Prologue

80 9 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang madilim na gubat. Malamig at malakas ang simoy ng hangin. Bilog na bilog ang buwan. Walang ibang maririnig kundi ang huni ng mga ibon. Tila bang nagsasayawan ang mga dahon ng puno sa sobrang lakas ng hangin.

Sa gitna ng gubat ay makikita ang isang babaeng tumatakbo bitbit ang kanyang sanggol.

"Anak, Asia, pasensya ka na. Malalagpasan din natin ito." Hihingal hingal na sabi nya na tila pagod na pagod kakatakbo.

"Hindi nila dapat tayo maabutan. Hindi ka nila pwedeng makuha—" Napatigil sya sa kanyang pagtakbo nang makita nya ang isang lalaki na nakatayo sa kanyang harapan.

Nanginginig at kinakabahan na tinitignan ito. Iniisip nya ang kapakanan ng anak nya. Maari itong kunin sakanya. Niyakap nya ang sanggol.

"Ibigay mo sakin ang batang iyan Agatha." Malalim at nakakatakot na tinig ng misteryosong lalaki.

"Bakit? Hindi sya sainyo! Akin ang batang ito! Ako ang nagluwal sakanya!" Naiiyak nyang tinig ngunit pinipilit tinatapangan ang sarili.

"Nararapat syang mapunta samin. Hindi ba pagtapos ng nangyari sainyo ni Hades ay iniwan ka nya? Dahil iyon sa kailangan nyang gawin ang katungkulan nya sa kaharian namin."

"Katungkulan? Anong katungkulan iyon?" Tila naguguluhang sambit nya sa sarili.

"Iyon ay ang kukunin nya ang bata kapag naipanganak sya. Bago pa sya makuha ng Lycans o Guerulfus."

"Hindi.. hindi maari. Akin itong batang to!" Sumugod ang misteryosong lalaki pero bago iyon ay naganyong Lycan ang babae. Natigilan ang lalaki.

"L-lycan..."

Biglang lumakas ang ihip ng hangin at dumating ang hari ng mga Dhampyr. Dumilim ang buong paligid at hindi nakakita ang babaeng Lycan. Nakuha ng hari ng mga Dhampyr ang sanggol sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

Pinatay nya ang ina ng sanggol at umalis na sila nung misteryosong lalaki. Bumalik sila sa Chordewa Bruxa kung saan matatagpuan ang lahat lahat ng Dhampyr. Isa itong ibang planeta na hindi pa nadidiskubre ng mga Scientist at Astronomers.

"Pag dumating ang kanyang nalalapit na daang taong gulang, ipapatay ang batang ito sapagkat isa din syang Guerulfus." Wika ng misteryosong lalaki habang kausap ang Hari.

"Hindi. Kailangan pa natin sya."

---

A/N: No softcopies

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon