[18] Guns and Footsteps

30 6 0
                                    

ASIA's POV

"Teka, ayusin mo naman ung pose mo Nico! Dapat makita ng mga mambabasa na exciting at masaya talaga sa Iceland." Inis na sabi ni Ayame. Ako naman, busy kumakain ng Doritos sa table namin at pinapanood sila. Busy naman magtype sa laptop si Heather.

"Oo! Easy ka lang, pwede? Akala mo madaling magmodelling eh." Natatawa talaga ako sa dalawang to. Parang mga adik.

"Wow! Feeling mo talaga eh noh? Eh ngingiti ka lang naman habang nakaspread ung kamay mo. Feeler ka eh." Napailing nalang ako at kinuha ung camera ko. Tumayo ako at nagpicture picture ng paligid. Naglakad lakad din ako habang nagpipicture. Ang ganda talaga dito sa Iceland. Buti pala at dito kami naassign.

Nakita ko ung parang bundok sa malayo. Zinoom in ko at nakita ko napapaligiran sya ng mga ibon na palipad lipad sa paligid nito. Napangiti ako sa view. Ang cute naman! Kaya naisipan ko itong picturan kaso sa kasamaang palad may isang bwisit na humarang.

"Hoy Spade!" Binato ko sya ng empty bottle na dala ko kaso parang hindi sya natinag. Humarap sya sakin at as usual, malamig ung mga tingin nya. Pumeywang ako.

"What the hell is your problem?" Inis nyang sagot. Tinaasan ko sya ng kilay. Sya pa ang may ganang mainis ha? Nahiya naman ako.

"Nagpipicture ako, bakit ka ba humaharang?" Mataray kong tanong.

"Hindi ako humaharang, talagang nandito ako." Tumalikod na ako na syang ikinainis ko. Kanina pa tong bwisit na to eh. Sarap ihulog sa bangin!

"Nangiinis ka ba?!" Lumapit ako sakanya.

"Nah." Hinarap ko sya at sinamaan sya ng tingin, "Eh ano?! Nangaasar?!" Inis na bulyaw ko sakanya. Ngumisi sya at umupo doon sa may railings. Kumunot ang noo ko sa ginagawa nya.

"Picturan mo nalang ako." Sabay nagpose sya na kunwari nakatingin sa malayo. Wow, so ginawa nya pa kong photographer? Kotang kota na talaga sakin tong lalaking to! Mapapatay ko na talaga sya! Konti nalang!

"Ugh! Asar!" Inis kong sabi at tumalikod na. Magsasayang lang ako ng oras at energy kapag pinansin ko pa ung nilalang na yun.

"Tss. Ba't ba ayaw mo kong picturan? KJ mo." Nilingon ko sya at nakasimangot lang sya. Hindi ko mapigilang matawa dahil para syang bata. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Bakit ka tumatawa?" Inis nya paring sabi. Tumatawa lang ako pabalik sa pwesto ko kanina. Nilingon ko si Spade na nakabusangot lang ung mukha. Natatawa talaga ako. Ang cute cute nya, nakakainis. Hahaha! Wait.. ano sabi ko?! Cute sya?! No way! Joke lang yun! Happy april fools.

"Oh Asya, bakit ka namumula dyan? May sakit ka ba?" Tanong ni Nico nung makalapit sya sakin. Seryoso ba sya? Namumula ako?

"Kinikilig yan Nico, pabayaan mo sya." Napanganga ako sa sinabi ni Jace. Wew, muntikan ko ng makalimutan na nageexist pa pala sya. Pero hindi ko palalagpasin ung sinabi nya.

"Hoy Jace! Para sa kaalaman mo, HINDI. PO. AKO. KINIKILIG. Kaya manahimik ka nalang dyan pwede ba?" Paano naman nya nalaman este nasabi? Hindi naman namin sya kasama kanina? Bigla kong naalala na.. kung isa talaga syang Dhampyr, maririnig at maririnig nya yan. Syempre ganun ang mga Vampires diba? Malalakas ang pandinig nila.

"Anyare sayo Asya? Ba't ka nasigaw dyan?" Lumapit ang busy na Heather samin. Umiling lang ako. Ngumiti sya at humarap kay Jace pero bago yun, hinila ko sya kaya napaharap sya sakin.

"Oh bakit?"

"Anong meron kay Alexa at Spade?" Nagulat sya sa tanong ko. Ilang munto din syang natahimik. Bakit? May mali ba sa tanong ko?

"U-uhm.. ewan ko Asia eh. Si Spade tanungin mo. Hehe." Kumunot ang noo ko. Bakit naman si Spade ang tatanungin ko? Wala nga akong makuha na matinong sagot sakanya eh. Mas lalo nya ngang pinapagulo ung isip ko eh. Napabuntong hininga nalang ako.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon