[10] Guilt and Happiness

33 7 0
                                    

AYAME's POV

Anong nangyare kay Asia at bigla syang nacurious ng ganun? At isa pa, ganito ba ako kahina para masaktan sa mahigpit na hawak ni Asia? Hindi ako pwedeng masaktan dahil isa akong—

"Ayame! There you are!" Napalingon ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Heather. Umirap ako sa isip ko.

"Oh Heather." Lumapit sya sakin at bumeso. Kumunot ang noo ko. Seriously? Good mood ngayon ang isang Heather Eucliff.

"Where's Asia? Alam mo naman. Gusto kong magsorry sakanya eh." She pouted her lips. Naiirita ko syang tinignan. Ngayon lang ako nairita sakanya ng ganito.

"You know what Heather? Kung napipilitan ka lang sa pagsorry sakanya. Wag nalang. Alam ko namang kinausap ka ni Jace eh. Kaya pwede, stop being a plastic bitch here." Nakita kong natigilan sya at biglang sumeryoso ang tingin nya pero bigla ding natawa.

"Why being nice to the new girl? I know you Ayame, I know you. Its either may kailangan ka sakanya or may nalaman ka tungkol sakanya or you're curious about her personality." She smirked. Napayukom ako ng kamao.

"Wala akong kailangan sakanya. Wala din akong nalaman tungkol sakanya, and why the hell would I care about her personality? I want to be her bestfriend. Wag kang mang himasok sa buhay ko." Naiinis kong sabi. Tumalikod na ako para pumasok sa klase.

"There's something about her. I can feel it. Dont worry, wala namang nagtatagal satin eh. Even here in Lawson, hindi nagtatagal ang weaklings dito. She dont belong in here." Nilagpasan nya na ako. Napayukom ako ng kamao and glared at her back.

Hindi weakling si Asia. Akala mo lang yun Heather, I'll prove you wrong.

ASIA's POV

Lumingon ako sa nagsalita. Si Spade. Again? Pero bakit wala sya sa Gym kanina? Was he busy? Busy flirting? Busy with the papers? Pero akala ko inayos na ni Nico at Thad yun?— wait.. what the.. I really dont care.

"My curiousity can lead me to death?" Takang inulit ko ang tanong. Umiling sya at naglakad palayo but before that, I heard him..

"Stupid warfreak.." Sinamaan ko sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Stupid daw? Mas stupid sya! Asar. At ako? Warfreak?! Hindi ah!

*BANG!*

Natigilan ako ng may narinig akong gun shot. Sh*t! Anong nangyayare?! Nakita kong nagpapanic ang mga ibang studyante. Napatakip ako ng tenga at nakitakbo sa mga tumatakbo na mga studyante. I need to find where the gun shot is.

Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa garden. Pero laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaking naliligo sa kanyang sariling dugo. Napatakip ako ng bibig. Mabilis ko iyon nilapitan. Pero bakit walang ibang tao roon?!

Namukhaan ko ung lalaking nakahandusay sa sahig. Isa sa mga tauhan o miyembro ng Cryptic Reign. But they're just gangsters not mafias! Sa pagkakaalam ko, ang gangsters ay binubugbog at nambubugbog lang. Ang mga mafia, pinapatay at nampapatay. Baka naman may tinatago pa o meron pang ibang sekreto ang Cryptic Reign?

Nagulat ako nang may humawak ng braso ko. Seriously, bakit ba ang hilig nila akong gulatin o biglain? Trip ba nila ako? Then I saw Thaddeo.

"Thad? What are you doing here?" Kumunot ang noo nya.

"I should be the one who's asking you that! Arent you suppose to be in your classroom? Importante ang pumasok ngayon dahil sa camping trip." Napasapo ako sa noo. He smiled at hinila na nya ako. Napatingin ako sa lifeless body.

"P-pero—"

"Dont worry. Someone's going to clean up the mess." Nakangisi nyang sagot.

"Who?" Nagkibit balikat sya at mabilis kaming tumatakbo papuntang classroom. I forgot, magkakaklase kaming squad. Sana kami ang magkakagrupo.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon