[7] The Boss

33 7 0
                                    

ASIA's POV

***Start of 100 days (First day)***

Nagising ako dahil sa isang yugyog. Napatalukbong tuloy ako. Ano ba to si Cassio! Ang aga aga eh. Nambubulabog na naman!

"Hey Asia wake up." Tumalikod ako. Patuloy pa din ang pagyugyog ni Cassio.

"Ano ba Cassio?! Nakakainis ha! Ang aga aga eh!" Inis kong bulyaw.

"Anong Cassio? Sinong Cassio? Hoy kung sino man yun, excuse me po wala ka sa bahay at ako po si Ayame Hamilton, for your information!" Napabalikwas tuloy ako at napatingin ako kay Ayame na inis na inis ang mukha.

"Hehe sorry. I just thought you were my guar— uh I-I mean.. friend." Wew. Muntikan na yun.

"Malelate na tayo sa klase. 5 minutes nalang, paano ka pa makakapagprepare nyan?" Ngumuso ako.

"Well, sana ginising mo na ako kanina pa." I hissed. Tumayo ako at dumiretso na sa banyo. Heather gave me bored look.

"Sumunod ka nalang. I'm sure you're not stupid enough, not to ask the students outside there where your classroom is." I rolled my eyes at her. Hindi ko sya pinansin, instead pumasok ako sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin.

Nasa gitna ako ng pagliligo—

"Just to remind you, your killing sessions thingy will start now."

"AHHHHHHHH!" Napatili ako. Dali dali kong kinuha ung towel at pinulupot ito sa katawan ko. Wala na akong pake kung may sabon pa ko.

There, I saw Cassiopeia Richter.

"What the hell are you doing in here?! H-how did.. how did you get in here?!" Gulat at sinigawan ko sya.

"Woah. Chill. You forgot to lock the door. At kagabi pa ako nandito, I kept knocking on your window but it seems you're in a deep sleep, just so you know." Naiinis nyang sabi.

"So kasalanan ko pa? You should have called me!" Inalis ko na ung towel at tinuloy ung pagliligo. Ilang beses nya na din naman nakita tong katawan ko dahil sya ang nagpapaligo sakin sa Chordewa. Required yun sa mga guardians. Kaya nga hindi pwede ang opposite sex. I mean, kung babae ka dapat ang guardian mo is babae, kung lalaki ka dapat guardian mo is lalaki. Pero you can always say no if you dont want them to accompany you in the bathroom. Kung talagang ayaw mo at hindi ka kumportable.

"I dont have a cellphone!" Naiinis parin nyang sabi. Napasapo ako sa noo ko.

"Edi sana sinira mo or di kaya pumasok ka nalang dito sa LU at kumatok sa pinto!" Nagbanlaw na ako. I really dont care kung malate ako. I hate first day of school.

"Yun ung naisip ko but I'm too lazy to do that. That's why I kept on knocking hoping that you will hear it. But I forgot that you're a sleepyhead girl."

"Wait so you mean, you're knocking at my window the whole night? You slept there?" Gulat kong tanong. Pano naman sya makakatulog doon?! Edi nakaupo lang sya?

"As if I have a choice!" Naiinis nyang sabi. Nagpatuyo na ako atsaka nagbihis ng uniform. Seriously? Uniforms? Ugh.

"Okay sorry. Lets eat, my treat."

"Okay. By the way, that uniform looks cute on you." Ugh! What the hell? I glared at her. Tumawa lang naman sya. Ang uniform kase nila is black ung pantaas tapos ung pangbaba is black and red. Ung pantaas nila sa loob ng black coat, may white long sleeves with matching red necktie. Papatungan ng coat na black, syempre. Ung skirt is above the knee pero with matching high socks. Itim ung high socks tapos ung skirt ay checkered.

Kala mo nasa isang Japanese school eh. Lumabas na kami ng banyo at kinuha ung bag kong jansport. Nakalagay ang earphones, cellphone, wallet, and one red notebook with ballpen of course.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon