[11] Non sense

33 6 0
                                    

ASIA's POV

Nandito kaming tatlo sa dorm namin. Ako, Heather, Ayame. Wala daw kasing klase. Pinapagprepare ang mga students para sa Lawson Camping Trip. Pinapaghanda sila ng jingle, cheer, etc. Pero since kasama ko ang Lawson Council, wala kaming gagawin. Kagroup ko sila remember?

"Oo nga pala Asia, where's Cassio something? Ang hirap kasi banggitin ng pangalan nya." Humiga si Heather pagtapos nya iyong sabihin.

"Ah si Cassiopeia. May inaayos lang yun. Atsaka may sarili daw syang kwarto eh." Sabi ko. Bukas nalang kaya ako magimpake? Teka, ilang days ba kami doon?

"Guys, ilang days tayo sa labas?" Tanong ko. Umupo si Ayame sa kama ko.

"2 weeks. 1 week to complete our mission, 1 week to enjoy in our activities." Sabi nya habang inaayos ang glasses nya. Reading glasses ata yan eh.

Napatingin kami sa pinto nung may kumatok. Tumayo ako at binuksan yun. Nagulat ako nang makita ko ang boys ng squad namin. Buti naman at nandito si Spade.

"Wait, why are you here? Girls dorm to. Bawal ang boys—"

"As if we care to that damn rules." Sabi ni Spade at nilagpasan nila ako. Kaya wala akong choice, umirap ako at sinara ang pinto. Lumakad na ulit ako sa kama ko.

"Dont worry, masasanay ka din Asia. They're always like this." Natatawang sabi ni Heather. Napangiti ako. Nakita kong kinukulit ni Nico si Ayame. Nakita kong naglalaro magisa si Thad ng card games. Si Heather ay nakahiga lang. Si Jace nakaupo sa isang tabi kaya naisip kong umupo sa tabi nya.

"Why are you here?" Sungit pa din.

"Wala lang. Trip ko umupo dito bakit ba? Kwarto naman namin to eh." Nakapoker face pa din sya as usual. Paano ko ba mapapangiti ang isang to?

"Hoy try mo ngang ngumiti. Hindi mo naman yan ikamamatay eh." Kumunot ung noo nya pero agad ding nanumbalik ung natural nyang expression.

"Dont want to." Natawa ako. Hindi ko alam kung bakit. Para syang bata.

"Bakit naman?" Nagkibit balikat lang sya. Wala talagang sense kausap to. Ngumiti ako nung magtama ung mata namin. Napahalf smile sya kaya halos sumabog ung puso ko sa excitement.

"Waaa! Ngumiti ka! Omg!" Pero agad din syang nagpoker face. Ang gwapo nya kapag ngumiti. Hinding hindi ko makakalimutan ung mukha nyang yun. Nakapicture na sakin yun. Kinikilig ako hahaha.

"Okay lang ba kayo dyan?" Napatingin kami kay Thad. Narealize ko lahat pala sila nakatingin samin. Ngumiti ako at nagthumbs up. Nakita ko si Spade ang talim ng tingin nya. Inirapan ko lang sya at hinarap na ulit si Jace.

"Alam mo, abnormal talaga yang si Spade. Nakakainis." Naiinis na kwento ko kay Jace. Tumango lang sya. Isa pa to eh. Kala mo bato kausap ko eh. Nagulat ako nang may humila sakin patayo.

"Ano ba?!" Mas lalo akong nainis nung nalaman ko kung sino ung humila sakin. Nakatingin na ang lahat sa amin.

"Hey Spade, what are you doing?" Naghihysterical na tanong ni Ayame. Tatayo dapat sya kaso pinigilan sya ni Nico.

"Too close." Naiinis nyang sabi. Kumunot ang noo ko. Anong 'too close' ang pinagsasasabi nito? Hinila nya ako palabas. Narinig kong tinawag nila Heather ung pangalan namin.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon