Asia's POV
"Salamat ho at pinatuloy nyo kami rito."
"Okay lang hijo."
"Bakit nga pala kayo nakarating dito?"
"May hinahanap lang ho."
Nakakarinig ako ng mga boses. Ung isa pamilyar pero ung iba pang boses ang hindi. Argh, feeling ko ayoko ng dumilat dahil ang sakit ng ulo ko. Mas lalo naman itong mga sugat ko. Kahit masakit ay pinilit kong dumilat para tignan kung kanino ung mga boses na iyon.
"Oh, our Sleeping Beauty is awake." Ngumiti ung sakin ung babae. Sino sya? At nasan ako? Kami? Si Garfield? Sino ung lalaki? Bakit kami nandito?
"Hey." Tumabi sakin si Spade at hinipo ung noo ko na parang chinecheck nya kung may lagnat ako, "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nya habang nakatingin sakin.
"Okay lang. Nasaan tayo? Si Garfield? Bakit tayo andito? Sino sila?" Sunod-sunod kong tanong. Masakit parin ung ulo ko kaya napapikit ako. Nakakahilo. Dumagdag pa tong mga sugat ko at ung may parteng tumama sakin na bala.
"Nandito na tayo sa Temple. Si Garfield, may pinuntahan. Niligtas nila tayo. Sila si.. Sierra Earhart at Poncio Tenaka." Napatingin ako doon sa babae na nakangiti sakin. At feeling ko na nawala lahat ng sakit ko sa katawan dahil sumikip bigla ung dibdib ko at feeling ko iiyak ako.
"S-sierra... Earhart?" Biglang tumulo ung luha ko. Tumango si Spade. Tumayo ako para lapitan ang Mommy ko. Nakangiti sya pero tumutulo ang luha nya, "M-mommy?" Niyakap nya ko kaya niyakap ko na din sya at umiyak. Pinakiramdaman ko sya kasi hindi ko man lang sya nayakap simula nang magkaisip ako.
Pero parang may mali... bakit hindi ko nararamdaman ung ibang saya at pagmamahal katulad nung unang niyakap ako ni Mrs. Permitivo? Napailing ako. Hindi na importante yun. Ang mahalaga ay nakasama ko na ang nanay kong matagal ko nang inaasam-asam.
"Let's go eat?" Tanong nya. Tumango lang ako. Napatingin ako kay Poncio Tenaka. May katandaan na din sya at kulubot-kulubot na ung kamay nya. Nang makaupo ako ay hindi ko na natiis na magtanong.
"Ano po ba ang Tenaka at Shihara? Bakit po kabilang sya sa Dark Society at.. at ang Halfworld?" Ang buong akala ko, Guerulfus lang at Dhampyr.
"Ang ibig sabihin ng Tenaka at Shihara ay Fairy. Parang guardian. Kumbaga si Tinkerbell kay Peter Pan." Napatango ako, "Pero bakit dalawa pa ung term? Pwede namang Tenaka or Shihara. Mamili nalang sa dalawa." Natawa si Poncio at Mommy. Si Spade, as usual tahimik lang.
"Ang guardian ng mga Guerulfus ay ang Tenaka. Ang sa mga Dhampyrs naman ay Shihara." Tumango nalang ako. Ang taray ha. Pero napatingin ako kay Mommy.
"Mommy, ano po kayo?" Napatungo sya. Pero maya-maya lang ay hinawakan nya kamay ko at tinignan ako sa mata, "Isa akong Guerulfus, anak." Napalunok ako. So Guerulfus ako? Kaya ba kapag pumapatay ako ng mga Guerulfus ay nag-giguilty ako dahil mga kalahi ko sila?
Narinig kong may nagbagsak ng kubyertos kaya napatingin kami kay Spade na natigilan sa pagkain nya, "Spade magdahan-dahan ka nga!" Napasigaw ako sa gulat. Tumingin sa sya sakin at sa hindi sa inaasahan ay nakakita ako ng galit, lungkot, at sakit sa mata nya.
"U-uhm... excuse lang po." Hinila ko si Spade sa labas ng Temple. Hinarap ko sya kaso nakayuko lang sya. Kumunot ang noo ko. Ngayon ko lang sya nakita na ganito.
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantasyIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...