[8] What?

38 7 0
                                    

ASIA's POV

So eto ako, nakatambay lang sa Detention room. First day na first day nandito ako? At ang malala pa, ako lang mag isa. Ang boring! Big time! Pero nasan kaya ung Alexa na yun? Saan sya pumunta? Diba dapat nandito din sya? Ang unfair naman ni Spade! Asar.

Kinuha ko ung phone ko at.. lowbatt?! GRABE HA! Napakasaya naman pala talaga ng araw ko. Ngayon pa ako nalowbatt?

Tumayo ako at sinubukan buksan ung pinto kaso ayaw mabukas. Naramdaman kong umikot ung door knob sa labas kaya napaatras ako. Bumukas ito at handa na sanang atakihin ung papasok kaso natigilan ako ng makita ko si Spade.

"Anong ginagawa mo dito?!" Asar kong tanong. Umupo sya sa isang upuan dito. Nagkibit balikat sya at nagcellphone.

"Hoy Spade." Waaaah! Bored kasi talaga ako. Teka.. kasquad ko na naman sya kaya wala ng problema. Wahaha! Tama tama. Umupo ako sa tabi nya at sinilip ang ginagawa nya sa cellphone. Aba, naglalaro ng COC? Akalain mo yun? Ang Spade Wilbourne, the Boss kuno, ang UNO, the President naglalaro nyan? HAHAHA!

Hindi nya ako pinansin. Napahilamos ako ng mukha. Naiinis na ako. I hate being ignored!

"Hoy may charger ka?" Hindi nya ako tinitignan pero nakita kong kumunot ang noo nya at napatigil.

"Aanhin mo ang charger?"

"Baka kainin ko? Malamang, ichacharge ko phone ko." Inis ko paring sabi. Naiinis ako ni hindi man lang nya ako tapunan ng tingin. Wala kasi akong makausap! Mamamatay na ako sa sobrang bored!

"Hoy ano na? Wala ka bang charger?" Inis nya din akong tinignan.

"May nakikita ka? Wala diba? Obvious naman." Inirapan ko sya at sumandal sa sofa dito. Oo may sofa dito. Malay ko bang wala syang charger.

Inis kong nilabas ung red notebook ko. Pero agad ko din namang pinasok. Tinatamad akong magsulat.

Makatulog na nga lang. Kaysa bwisitin ko pa sarili ko dito.

***

Nagising ako dahil nararamdaman kong may nakatitig sakin. Napadilat ako at nakita ko si Spade. Napaupo tuloy ako.

"Anong oras na?" Natataranta kong tanong samantalang si Spade ay chill lang na nakaupo. Tinignan nya ung phone nya.

"12:45. C'mon its lunch time." Hinila nya ako palabas. The Drag King. Ugh! Kaya ko naman maglakad pero bat kailangan pa akong hilain?

Pero wait, lunch time na?! Ang haba ng tulog ko! Hindi man lang ako nakapagrecess.

Napatigil kami nang may humarang samin. Si Cassiopeia.

"Hey blue-haired guy, can I have my friend back?" Nakatingin lang sakin si Cassio. Obviously, may importante syang sasabihin sakin.

"What is mine, is mine." Cold na sabi ni Spade sabay hila ulit sakin. Napanganga ako. Ano ako? Gamit?!

"Wilbourne, let go of me!" Naiinis na sigaw ko. Pumasok kami ng cafeteria at napatingin ang lahat ng tao samin. Gulat na gulat sila. Nakita kong may kumaway sa gitna. Sila Ayame!

"Hey Spade, Asia! Over here!" Mabilis namin silang pinuntahan. Binagsak ako ni Spade sa tabi ni Ayame.

"Awww!" Daing ko. My butt hurts! I glared at Spade. Ngumisi lang sya at umalis.

"Hey Spade, you're not going to eat?" Tuloy tuloy lang sya palabas. Nagkibit balikat nalang si Heather. Tinignan nya ako.

"Bakit kayo magkasama ni Spade?" Taas kilay nyang tanong. Kinuha ko ung sandwich sa gitna at kinagatan ito. Meaning, wala akong plano na sagutin sya.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon