[24] Principal

27 3 0
                                    

Ayame's POV

"Spade?" Gulat na bulalas ko. Si Spade halatang tahimik lang at kalmado. Nakapoker face pa din sya. Mabilis akong lumapit sakanya para suntukin sya kaso napigilan nya ito, kinulong nya ung kamao ko sa mahigpit nyang kamay. Napangiwi ako. He's really strong!

"Spade! Bitawan mo si Ayame!" Narinig kong sabi ni Heather. I gritted my teeth to hide the pain. Isa akong Dhampyr, hindi nya dapat ako matalo. Inangat ko pa ang isang kamay ko para suntukin sya kaso napigilan nya ulit ito. Hell! That was fast! Mabilis ko na ngang ginawa iyon pero mas mabilis nyang napigilan ito? IMPOSSIBLE! Mas mabilis dapat akong kumilos!

"Spade! Ano ba?! What do you think you're doing?!" Nagfefreak out na sabi ni Heather. I glared at him. Ngumisi si Spade at binitawan nya ako at tumalikod na para lumakad paalis pero narinig ko syang bumulong.

"I knew it.." Kumunot ang noo ko. Hahabulin ko sana sya kaso para syang bula na naglaho nalang bigla. He knew it? Ano yun?

"W-water..." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. It's Asia! Gising na ulit sya. Dali dali syang binigyan ni Alas ng tubig at agad nya itong ininom. Lumapit kami ni Cassiopeia sakanya.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sayo?" Sunod sunod kong tanong. Natawa naman sya.

"Okay lang ako. OA nito. Malayo naman to sa bituka." Natatawa parin sya. Napairap nalang ako. Sobrang nagaalala kami sakanya tapos tatawanan nya lang kami? Tuluyan ko nalang kaya to?

"Oo pero kapag napikon ako sayo, magiging malapit na yan sa bituka." Pagtataray ko. Ngumuso naman sya. Magsama nga sila ni Nico! Mukha silang mga pato. Pero sumeryoso din ako, "Si Spade ang bumaril sayo?" Nagtatakang tanong ko. Kumunot ang noo nya at tumingin sakin na parang hindi makapaniwala.

"No! Anong sinasabi mo dyan Ayame?" Gulat na gulat na tanong nya. Ung mga lalaki naman ay lumabas. May gagawin daw. Kaya ang nandito sa loob— ako, Heather, Asia at Cassiopeia.

"Eh bakit nung mawalan ka ng malay, binanggit mo ang pangalan na 'Spade'?" Tanong ko. Si Heather inaasikaso ung pagkain namin pero halatang nakikinig. Si Cassiopeia naman ay nakikinig lang pero nakatingin sa may bintana.

"Si Spade ang kausap ko nung time na may bumaril sa akin. Kakausapin ko kasi sya tungkol doon sa pigurang nakita namin ni Spade doon sa may garden." Lahat kami ay napatingin sakanya.

"Pigura? Huh?" Natigilan din si Heather sa pagaasikaso ng pagkain. Huminga si Asia ng malalim at ikinwento ung nangyare. Halos hindi ako makapaniwala. Sino naman kaya ung nanonood sakanila? Ngumiti lang si Asia at tumingin kay Cassiopeia.

"Cassio, sabihin mo nga sa akin lahat ng nalalaman mo.. bakit pinauwi tayo kagad?" Tumungo si Cassio kaya hindi ko na din napigilan ang pagsabat, "Imposible namang wala kang alam, isa ka sa mga board members." Tumingin sya sakin at ngumisi.

"Hindi ba dapat kayo din ni Eucliff ay may alam dito? Kung tutuusin kabilang kayo sa Lawson Councils." Nagkatinginan kami ni Heather. Tinignan ko ng masama si Cassiopeia, kahit na kalahi ko pa ito hindi ako magdadalawang isip na patayin sya kapag nalaman kong traydor sya.

"Alam namin, may bagyo nga daw diba?" Sarkastikong sabi ko. Tumawa sya ng bahagya habang si Asia ay tahimik lang at halatang may iniisip na malalim.

"Nagtanong ka pa kung alam mo naman pala." Napayukom ako ng kamao.

"At nageexpect kang maniwala kami sa mga kasinungalingan na ginagawa nyo?" Naiiritang sabat ni Heather. Tumigil si Cassiopeia sa kakatawa at napalitan ng seryoso ang mukha nya.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon