[36]

28 0 0
                                    

Third person's POV

Makikita na masaya si Rage Castelo sakanyang ginagawa. Ikinulong din nya si Sage Castelo sa isang glass cage. Hindi nya alam na may nagmamasid lang sakanya sa itaas.

"Napakatanga mo talaga kahit kailan." Napapailing na bulong nya. Nakatingin lang sya kay Rage na kasalukuyang hinahanda ung Life of Hidratus at pinapatak ang dugo ni Asia Earhart dito. Nag-goglow ito. Kulay gold ito.

"Hindi ko akalain na isa kang traydor." Nang makita nung binata na lumabas si Rage Castelo ay binasag nya ung salamin na tinatapakan nya at bumagsak sya sa sahig. Hinanap nya ung susi ng glass cage. Nang hindi nya ito hinanap, napagdesisyunan nya na basagin ito kaso hindi pala ito nababasag. Hindi pala sya basta glass cage.

"Sh*t." Lahat na ng makita nya ay pinambasag na nya ngunit wala syang magawa hanggang sa magising si Asia. Umiiyak sya. Nakakaramdam pa din ng panghihina ang dalaga ngunit nakakaalala na sya.

"J-jace.." Umiiyak sya at pilit na lumalapit kay Jace Evanovitch kaso hindi sya makalapit dahil hinihila at pinipigilan ito ng kadena.

"Dont worry, I'll get you out of this f*ckin' glass cage." Nakita nya ang Life of Hidratus. Kinuha nya ito at tinignan. Umisip sya ng plano kaso sa hindi inaasahan ay bumukas ang pinto.

"ANONG GINAGAWA MO?!" Sigaw ni Rage. Binitawan ni Jace ang test tube na naglalaman ng Life of Hidratus at nabasag ito at natapon. Tinapon nya lahat ng nasa lamesa bago pa makalapit si Rage.

"Argh!!" Inis na sigaw ni Rage at sinugod si Jace. Ngunit mabilis itong iniwasan ni Jace. Umiiyak lamang si Asia. Binaril ni Jace si Rage sa may tuhod. Napasalampak sya sa sahig at nilapitan ito ni Jace. Nagising naman si Sage dahil sa ingay.

"So masaya bang maging traydor?" Nakangising tanong ni Jace. Hindi maaaninag ni Asia ung mukha ni Rage dahil nasa may parte syang madilim. Pinipilit nyang tignan kung sino ang tinutukoy nito.

"Mamamatay pa din kayo!" Tinutok ni Rage ang baril sa mukha ni Jace at kakalabitin na sana ang gatilyo kaso hinampas ito ni Jace at tumalsik ito. Sinuntok ng sinuntok ni Jace ang mukha nya hanggang sa duguan na ito.

"Biglang nanumbalik ang pagkaadik ko sa dugo ah?" Ngumisi si Jace, "Kaso ayoko ng sayo. Madumi ka na." Kinuha ni Jace ang susi at pinakawalan nya ang dalawa. Agad na sumugod si Asia at hindi ininda ang sakit ng katawan nya. Pero nang makita nya kung sino ang traydor ay agad syang nanghina ulit.

"T-thaddeo Lockheed..." ngumiti ang binata kahit na duguan na sya. Natawa sya ng malakas na para bang takas sya sa mental.

"B-bakit? P-pano..." Napaatras si Asia at tumulo lang ung luha ni Asia at binaling ang tingin kay Sage na halatang gulat din sa nangyayari.

"Alam mo to! Alam mo to diba?!" Sigaw ni Asia. Pinaghahampas nya ang glass cage nito. Umatras sya ng konti at nararamdaman nyang parang may gustong kumawala sa katawan nya.

Napaatras pa sya lalo at hinawakan ang dibdib nya at hinahabol ang paghinga. Lumakas ang ihip ng hangin. Napatingin si Asia sa butas na pinanggalingan ni Jace at nakita ang buwan.

Full moon.

Napalingon ulit sya sa glass cage at unti-unting naganyong Guerulfus! Sumugod sya sa glass cage na kinaroroonan ni Sage Castelo. Wala namang ibang nagawa si Sage kundi ang magpumiglas lang.

Heather's POV

"Oh my freaking gosh! Get away from me you loser!" naiirita kong sabi. Bigla ba naman akong atakihin ng Dhampyr at punong puno sya ng dugo. Like ew? Ang sarap nya lang paliguan ng alcohol.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon