[31]

30 3 0
                                    

Asia's POV

Naalimpungatan ako dahil parang may dumidila sa pisngi ko. Sino ba to? Ano ba yan, kadiri naman to. Pwede naman nyang yugyogin nalang ako. Dumilat ako dahan-dahan at handa na sana sapakin ung dumidila sa pisngi ko kaso nakita ko si..

"MUSHU?!" Waaa! Niyakap ko kagad sya. I giggled. Naaalala nyo pa ba sya? Ang alaga kong pegasus? Anong ginagawa nya dito? Tumayo ako at tinignan ang paligid. Nandito na ulit ako sa dulo ng hallway kung nasaan ako kanina. Napatingin ako sa harap ko at nakita kong namatay ang ilaw ng yellow button.

Nagkatinginan kami ni Mushu. Next kong pinindot ung green button. Sumakay na ako kay Mushu bago pa kami malaglag, "WOAH!" Napasigaw ako nung mahulog kami ni Mushu pero ginamit nya ung pakpak nya at nagland kami ng maayos at safe. Buti nalang talaga nandito si Mushu eh.

"Good boy." Naglakad-lakad kami ng konti. Ewan ko kung nasaan kami pero ang settings ay nandito kami sa may garden. Nakita ko ang isang batang babae na nakaupo sa may bato at yakap yakap nya ung tuhod nya. Agad ko itong nilapitan at tumabi.

"Okay ka lang ba?" Hindi sya sumagot. Oo nga pala, hindi nila ako nakikita o naririnig. Umiiyak lang sya kaya niyakap ko nalang sya kahit tumagos lang ako.

"Bakit kasi ang hina-hina ko?" Bulong nya sa sarili nya habang umiiyak.

"Okay lang naman maging mahina eh. Hindi naman sa lahat ng oras ay magpapanggap kang malakas. At bata ka pa, lalakas ka pa." Umiling sya kaya napabitaw ako at tumingin sakanya.

"Kahit na lumakas ako, tatawagin pa rin nila akong 'mahina', doon kasi ako nakilala." Malungkot na sabi nya. Naririnig nya ako?

"Edi patunayan mo sakanila na hindi ka mahina, na mali sila. Atsaka lahat tayo may kahinaan." Nagulat ako sa sunod nyang ginawa, tinignan nya ako! Nakikita at naririnig nya ako?

"Salamat po ha? Sino ka nga po pala? Ngayon lang kita nakita eh." Pinunasan nya ung luha nya. Woah? Nakikita nya ako? Is it real, is it real? Nesfruta? Where's Kendra?

"Asia ang pangalan ko. Ikaw?" Ngumiti sya. Real na real nga! Nakaramdam ako ng saya. Hindi na ko kaluluwa na nagwawander dito.

"Tahnee po.. Tahnee Shihara." Napaubo ako. Shihara? Teka, ayun ung pangalan na ibinigay sa akin ni Mrs. Permitivo ah! Bakit bata sya? Tapos si Poncio Tenaka ay matanda na? Wow.

"Ang ganda naman ng pangalan mo." Nag-ngitian kami sa isa't isa. Magsasalita pa sana sya nang hilain kami parehas ng liwanag at nagiba na ang settings. Nasa kaharian.. teka, CHORDEWA ITO AH! Nasa Chordewa kami?!

Namiss ko ito! Tumakbo ako sa kwarto ni Ama at nakita ko sya na may kausap.. si Tahnee. Ang laki na nya. Dalaga na sya. Napangiti ako sa nakita ko. Kanina lang, magkausap kami tungkol sa 'mahina' thingy. Ngayon? Tignan mo nga naman, ang fierce nyang tignan! Bongga!

"Pinapatawag nyo daw ho ako Master Flavio?" Tumakbo ako sa tabi ni Ama at nakita kong seryoso si Tahnee. Kinawayan ko pa sya pero mukhang hindi nya ako nakikita. Kaluluwa na naman ba ulit ako?

"Gusto kong bantayan mo ang anak kong si Hades Ycasium." Hades? Ano kaya ang itsura nya? Nakita kong tumungo si Tahnee.

"Masusunod po Master Flavio."

Biglang nag-iba ulit ang settings. Nasa may field na kami ng kaharian at nakita kong nakikipag-fencing ung batang Hades kay Tahnee. Ang galing nila!

"Ano ba yan Tahnee, nakakapagod." Wika nung batang Hades saka umupo. Tumabi naman sakanya si Tahnee at ngumiti, "Ang hina ko talaga." Nagdadabog nyang sabi.

"Lahat naman tayo may kahinaan Prinsipe Hades." Ayun ung sinabi ko sakanya ah? Napangiti ako sa narinig ko. Naaalala nya pa ung sinabi ko. Pero bakit ngayon hindi na nya ako makita?

"Gusto ko maging malakas eh. Gusto ko protektahan ang Chordewa." Umiiyak ang batang Hades kaya pinakalma sya ni Tahnee.

"Prinsipe Hades, hindi naman lahat ng bagay ay dinadaan sa lakas. May mga bagay na pwedeng daanin sa tapang, at ung pagpapakatotoo." Napangiti ako lalo sa sinabi ni Tahnee at pinat ang ulo ni Mushu.

"Talaga?" Tumango si Tahnee. Nagsimula na ulit silang mag-training. Buong araw ay hindi ko mapigilan ang paghanga sa batang Hades hanggang sa lumalaki na ang imahe ni Hades. Naging binata na sya at medyo tumanda na ng konti si Tahnee pero nakikipagtraining pa din ito.

"Salamat Tahnee. Kaso kailangan ko ng bumalik sa Kaharian ni Ama, pinapatawag na nya ako eh." Nagmamadaling nagayos si Hades sa sarili.

"Sige po Prinsipe Hades."

Nag-iba ang settings at napunta ulit sa kwarto ni Ama. Nakita kong nakaluhod ang isang binti ng binatang Hades. Seryosong nakatingin lang si Ama sakanya.

"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo Ama?" Masyado naman pormal at malalim magsalita itong si binatang Hades! Gusto kong matawa tuloy.

"Gusto kong magpunta ka sa mundo ng mga tao." Mukhang nagulat si binatang Hades.

"Po? Pero ayoko po. Doon po namatay si Ina. Ayokong—"

"Akala ko ba matapang ka, malakas ka?" Natigilan ang binatang Hades.

"P-pero po.."

"Sinusuway mo ba ako?" Napayuko ang binatang Hades.

"Master Flavio, hayaan nyo na pong magdesisyon si Prinsipe Hades. Malaki na po sya." Nakita kong kakarating lang ni Tahnee.

"You're out of this, Shihara. Dinidisiplina ko ang anak ko. Kung hindi naman sya mahina at lalambot-lambot, hindi sya magagaya sakanyang ina." Napayukom ng kamao ang binatang Hades at tumingin ng matalim kay Ama.

"Ayoko pong sundin ang utos ninyo." Tumayo si ang binatang Hades at nagbow.

"Ipapatay si Tahnee Shihara." Nagulat kaming lahat nang biglang hatakin ng mga kawal si Tahnee. Ngumiti ng malungkot si Tahnee kay binatang Hades.

"WAG!" Sinubukan nyang sumugod pero hinampas sya sa may batok kaya nawalan sya ng malay.

Biglang nagbago ung settings. Nandito kami Jail ng Chordewa, kung saan pinapahirapan ang mga hindi sumusunod sa Hari. Napalunok ako at parang ayoko nang pumasok. Sino kaya ang nasa loob? Si Tahnee o ang binatang Hades?

Pumasok ako at nakarinig ako ng nakakakilabot na hiyaw kaya agad kaming tumakbo ni Mushu sa pinanggalingan nito. Nakita ko si Tahnee na pinapahirapan. Duguan sya pero walang tigil ang paglatay sakanya gamit ang latigo. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko at biglang bumuhos nalang ang mga luha ko.

Nagbago ulit ng settings at nakita ko si Hades na nagbigay ng bulaklak sa lapida ni.. Tahnee? Namatay sya? Nakita kong umiiyak si Hades.

"I'm sorry Tahnee, nang dahil sakin kaya ka namatay." Yumuko sya, "Pupunta ako sa mundo ng mga tao. Kakalimutan ko ang lahat ng ito." Tumayo sya at naglakad palayo.

Unti-unting dumidilim ang paningin ko na ikinabagsak ko. Nakaramdam ulit ako ng matinding hilo kaya napapikit na ako.

---

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon