ASIA's POV
"A-ayame..?" Gulat na gulat akong nakatitig sakanya pati sa baril na hawak nya. Si Jace walang karea-reaksyon. Tumayo sya kaya tumayo na din ako. Nanatiling nakatitig sakin si Ayame. Mabilis kong inagaw kay Jace ung baril nya at itinutok kay Ayame. Nakita kong nagulat sya.
"Y-you're gonna kill me?" Gulat nyang tanong. Napaatras ako. No, I cant.. how can I kill you?
"Bakit, papatayin mo din ako kanina diba?" Nanginginig ako. Nagulat sya. Binaba nya ung baril nya.
"Hindi ako yun Asia. Believe me.." Unti unti kong binaba ung baril ko dahil binitawan na naman ni Ayame ung baril nya. But still, hindi ko ito bibitawan.
"Then bakit nasa gubat ka?" Napabuntong hininga sya.
AYAME's Short POV
Start of flashback..
Nagising ako dahil naalimpungatan ako. Umupo ako at napatingin ako sa bintana. Ano ba yan, bakit nawala ung antok ko? Bumaba ako para uminom ng tubig. Nakarinig ako ng kasa ng baril. Napatingin ako sa paligid at binuksan ko ang ilaw. Wala namang tao pero ano ung kasa ng baril ang narinig ko? Biglang bumilis ung tibok ng puso. Nasan sila Heather? Nagsiakyatan na sila? Parang kanina lang nanonood sila dito.
"Sino yan?" Tinapangan ko ung sarili ko. Naglakad ako papalapit sa may pinto since dito ko narinig ung kasa ng baril. Nakarinig ako ng ilang yabag ng paa papalayo. Pinatay ko ung ilaw.
Mabilis akong umakyat sa taas at kinuha ung baril ko. Sumilip ako sa may bintana at nakakita ng anino na may baril at nakatutok sa bintana ni.. Asia?! Sh*t! Mabilis akong bumaba at halos mahulog ako sa hagdan ng nakarinig ako ng putok. Hindi ba ito naririnig nila Heather?! Mabilis kong pinuntahan ung gubat at nasa malayo palang ay pinaulanan ko na sila ng bala. Para kung sakali, atleast ay natamaan ko sila.
"sino ka?!" Sigaw ko ng makalapit ako. Nakita ko ung isang lalaking may planong patayin si Asia. Natamaan ko sya sa may balikat at paa. Nakahiga sya sa sahig habang dumadaing. Nakamaskara sya ng clown. Tinanggal ko ito at nagpakawala ako ng suntok.
"Sagot! Sino ka?" Tinutok ko sakanya ung baril. Umubo sya.
"Hindi na importa...nte y-yun.." Nanghihina nyang sagot. Tinutukan ko sya ng baril.
"Isa..." Masamang tingin ang ipinukol ko sakanya. Umiling sya. Mas lalong humigpit ung hawak ko sa baril. Paano kung natamaan si Asia? Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko.
"S-shihara... t-tenaka.." Kumunot ang noo ko. Shenaka? Tenaka? Japanese yun ah? Ano bang pinagsasasabi nya?! Mukha bang nakakaintindi ako ng Japanese? Oo, alam kong pangJapanese pangalan ko pero siomai lang! Hindi naman porket ganun, ay nakakaintindi na ako.
"Ano?!" Inis kong tanong. Sa sobrang inis ko ay tinapos ko na ung buhay nyang walang kwenta. Baka kung ano pa ang magawa nya kung makalaya pa sya.
May nakita ulit akong aninong nasa malayo. Tinutukan ko ito at sinara ang kaliwang mata para matansya ito. Nung feeling ko tatama na, binaril ko sya bago pa sya makalayo ng tuluyan. Narinig ko si Jace. Kaya dali dali akong lumabas ng gubat at nakita ko sila Asia na gulat na gulat.
End of flashback..
ASIA's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa kwento ni Ayame. Tenaka? Shihara? Parang pamilyar yun sakin ah. Feeling ko naman, hindi pangalan nung lalaki ung Shihara o Tenaka eh. Pero ano yun? Tinignan ko si Ayame na nakatingin lang sakin at hinihintay ung reaksyon ko. Tinignan ko si Jace na nakapoker face lang. Binalik ko ung baril sakanya.
"Ayame pwede ba tayong magusap?" Tinignan namin si Jace na nakasimangot at umalis na. Lumapit sakin si Ayame.
"Ano yun Asia?" Tinignan ko sya ng diretso sa mata.
"Isa kang Dhampyr, hindi ba? Ano ka, Guerulfus Hunter?" Napanganga sya sa pagiging diretso ko. Wala ng atrasan to. Walang mangyayare kung magpapabebe pa ako. Kailangan ko ng katulong sa plano ko.
"A-asia..." Hindi makapaniwala nyang sagot. Napairap ako at inalog sya, "Wag ka ng magdeny pwede? Alam na ni Cassiopeia ang pagkatao mo." Umiwas sya ng tingin at lumunok ng ilang beses.
"P-paano.." Lumingon muna ako sa paligid at hinila sya sa may lliblib na lugar kung saan walang makakarinig sa amin.
"Anak ako ng Mahal na Hari na si Flavio Yciasium ang apelyido ko kaso ginamit ko ung sa nanay ko. Pinadala nya ako dahil gusto nya akong maging Guerulfus Hunter at hanapin ang Life of Hidratus." Nakanganga lang si Ayame the whole time.
"Huy Ayame!" I tried to shake her. Nakatingin lang sya sakin. Tumingala ako at huminga ng malalim. Nakatitig lang sya sakin. Maya maya ay nagsalita na din sya. Thank God! Akala ko statwa na lang sya pang habang buhay.
"I-ikaw ang Mahal na Prinsesa?" Gulat nyang tanong. Tumango ako. Maya maya pa ay tuluyan ng nagregister sa utak nya ung mga sinabi ko kanina. Yumuko sya ng bahagya na ikinagulat ko. Tinayo ko sya.
"Okay lang. Wag ka ng magbigay galang, nasa mundo tayo ng mga tao." Ngumiti lang sya sakin.
"So anong plano nyo?" Huminga ako ng malalim. Halatang nakikinig sya at hinihintay ang sasabihin ko.
"Gusto ko ng itigil ang kaguluhan sa pagitan ng Dhampyr at Guerulfus. Gusto ko na ng kapayapaan. Pero isa lang ang gumugulo sa aking isipan." Kumunot ano noo nya.
"Ano yun Asia?"
"Alam mo ba kung ano ung Life of Hidratus? At alam mo ba din ba kung anong uri nag nilalang ang mga kabilang sa squad natin?" Nakita ko syang nagiisip ng malalim.
"Ang alam ko po, ang Life of Hidratus ay kailangan iapply sa ating mga Dhampyrs. Para mas lalo tayong lumakas laban sa mga Guerulfus. At once na makuha ito ng mga Guerulfus ay mamamatay sila. Ito ang sandata natin laban sakanila. At sa pangalawang tanong nyo, wala po akong ideya kung anong uri sila ng mga nilalang. Lalo na po si Spade, dahil mahirap po talagang basahin ang mga kilos nya. Ang alam ko lang po ay si Jace dahil magkasabay kaming nagpunta at ipinadala ni Master Flavio." Tumango tango ako.
"Ayame, you're wrong. Hindi ako Dhampyr. Isa lang akong tao. Wala akong mahanap na senyales sa katawan ko na isa akong Dhampyr." Nagulat sya sa sinabi ko.
"Ganun po ba? Paano kayo napunta sa Chordewa kung hindi ka naman po Dhampyr?" Napaisip ako. Oo nga noh?
"H-hindi ko alam.. Ayame, tulungan mo ko. Tulungan mo ko sa mga plano na gagawin ko at tulungan mo kong hanapin ang mga sagot sa lahat ng katanungan ko. Sa ngayon, ikaw ang pinagkakatiwalaan ko bukod kay Cassiopeia." Ngumiti si Ayame sakin at hinawakan ako sa kamay.
"Masusunod Mahal na Prinsesa. Pero paano si Jace? Hindi ba natin syang pwedeng pagsabihan? I mean, isa rin naman syang Dhampyr." Umiling ako na ikinatigil nya, "Pansamantala, tayo munang tatlo ang magtutulungan." Tumango lang sya.
"Pero Ayame, paano kung ung squad natin ay may Guerulfus?" Napabuntong hininga sya.
"Wag na natin silang patayin."
"After 100 days, kapag hindi tayo nakabalik tapos hindi natin nasunod ang 1000+ mamamatay tayo." Tumingin sya sakin.
"Hahanap tayo ng paraan, wag kang magalala." Tumango ako. Wala na naman akong iba pang sasabihin. Sana lang ay umayon ang lahat sa plano ko. Gusto ko ng itigil ang labanan.
"Pero Asia, tandaan mo. Sa bawat kabanata ng buhay, may mawawala at dapat na mawala, kaya hindi dapat mangamba. Ganito ang buhay. Sometimes you need to sacrifice." Ngumiti sya sakin pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon, "Tara na. Balik na tayo at matulog. Marami pa tayong gagawin para bukas." Tumango lang ako at bumalik na kami sa bahay.
Magaan din pala sa loob ung pagcoconfess ko kay Ayame. Sana tama ung naging desisyon ko na sabihan sya at pagkatiwalaan sya. Kailangan kong tawagan si Cassio bukas at ipaalam ang lahat.
---
A/N: One down ;)
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantasiIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...