[22] The silent watcher

21 3 0
                                    

Asia's POV

"Hey Asia, get up." Narinig ko ung boses ni Ayame sa likod ko. Actually, kaninang kanina pa ako gising. Parang hindi na nga ako natulog eh. Dahil sa nangyare kagabi, hindi na ako nakapagisip at nakatulog ng maayos. Pakana ito ni Spade!

"I'm awake." Tipid kong sagot. Narinig kong may parang pumasok sa may tent namin. Hindi ko iyon pinansin. Wala ako sa mood ngayon. Ni hindi ako makapagisip ng matino.

"Hey guys let's go! Kailangan na nating bumalik sa school!" Kumunot ang noo ko at napabalikwas ako nang marinig ko ang sinabi ni Heather, "Hey Nicuckoo! Wake up!" Gustuhin ko mang matawa sa tawag ni Heather kay Nico ay hindi ko magawa.

"Bakit babalik sa school?" Tinignan ko si Heather at hinihintay ang sagot nya.

"Ang sabi ng Principal, may nabalitaan daw sila na magbabagyo hindi sinabi ung place, kaya pinapauwi na tayo habang maaga pa. Gusto nila safe ang mga studyante." Nagkatinginan kami ni Ayame. Yun lang? Sigurado ba syang yun ang totoong dahilan? Tss. Uto uto naman tong ibang mga studyante.

"Naniwala ka naman?" Mapangasar na tanong ni Ayame.

"Of course not! Why would I? Hindi naman ako tanga para maniwala sa mga kasinungalingan ni Mrs. Permitivo." That woman.. meron talagang mali eh.. bakit malakas ang presensya nya? Bakit hanggang dito ay nararamdaman kong nirurule o talagang tinututukan nya ang bawat studyante. Bakit feeling ko kahit wala na kami sa school ay may mata paring nakapalibot sa amin.

"Edi wag na tayong umalis. Let's just stay here." Napatingin kami sa sumabat na si Nico pero halata mong kagigising lang. Kinukusot kusot nya pa ung mata nya.

"Hindi pwede. If you dont wanna lose your position, then we have to obey the Principal." Lumabas na si Heather pagkasabi nya nun. Sayang naman ang Camping Trip. Wala pa nga kaming one week dito sa Camp Trip tapos uuwi na kagad kami. Nanghihinayang din ako sa Egypt eh. Chance ko na sana makapasok sa mga Pyramids, hindi pa ako pinagbigyan.

"Tss. Damn that f*cking position." Tumayo na ako at niligpit na ang dapat ligpitin. Ganun din ang ginawa nung dalawa. Lumabas kami sa tent at niligpit na ni Nico ung tent dahil inutos na naman ito ni Ayame. Nagbabangayan pa nga sila. Hayys. Ang aga aga, nagbabangayan ang dalawa.

"You should stay away from the Principal." Narinig kong sabi ni Spade. Kunot noo ko syang tinignan. Hindi naman kami close ah? Hindi din naman ako FC o hindi din naman FC si Mrs. Permitivo.

"Why? Hindi naman talaga kami close pero bakit kailangan kong lumayo?" Tumingin sya sa akin. Nagtama ang mata namin at sa unang pagkakataon ay ni walang nagiwas sa amin ng tingin.

"You dont know how dangerous the Principal is." Hindi ko sya maintindihan. Mahirap talagang intindihin si Spade. Minsan, susulpot nalang sya bigla bigla at magsasabi ng mga salita na hindi ko naman maiintindihan sabay iiwan nya ung taong yun sa ere. Iiwan nya ung tao na clueless o nanghuhula sa susunod na mangyayare.

"I dont care." Nanatili kaming nagtititigan pero hindi maiiwasang makita ang galit sa mga mata nya. Bakit? Anong dapat kong malaman Spade?

"So f*cking stubborn." Umalis sya at naiwan akong nakatanga dito. Hinila na ako ni Thaddeo at sumunod na sakanila pabalik ng Hotel. Buti hindi nya ako iniiwasan dahil sa ginawa kong pagtatanong sakanya.

"What's wrong with Wilbourne?" Mahina kong tanong. Nakita kong nagkibit balikat si Thaddeo. Narinig nya pa pala yun samantalang binulong ko lang yon.

"Don't mind him."

***Airplane (3:17PM)***

Isang araw kaming nandito sa eroplanong ito. Nasa taas na kami at hindi ko maiwasang mapatingin kay Spade na kasalukuyang nagtetext ata. Bawat kilos nya ay binantayan ko. Baka may kakaiba sakanya. Nakita ko syang tumayo at pumunta sa may likod na bahagi ng eroplano.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon