ASIA's POV
Buti nakaya kong magstay dito for 13 hours. Dahil nandito na kami sa Reykjavik, Iceland. Bumaba kami ng eroplano, syempre may mga ibang taga-Lawson dito. Sila ung mamamahala sa eroplano namin.
Pumunta kami sa Hotel Ódinsvé. Doon kami magsestay habang hindi pa kami pumupunta sa Vatnajokull Glacier Cave. Doon daw ung pupuntahan namin eh. Sabi ang activity daw, ay mangisda, maghanap ng hidden treasures. Seriously? Anong trip ng school? Magnanakaw ba sila or ipapasok ba nila sa Museum para ipagawa kami ng ganito?
Sinearch ko nga ung Vatnajokull eh. Napanganga ako dahil sobrang ganda! As in! Parang naexcite tuloy ako puntahan. Kaso bukas pa kami pupunta dahil magtotour muna kami sa buong Iceland at kailangan magpicture picture for the news articles daw. Inexplain sakin kanina ni Ayame ung naging meeting nila. Ang half daw ng Camp Trip ay project namin sa English, kailangan gumawa ng news articles tungkol sa mga napuntahan namin. Kaya pala pinapadala kami ni Spade ng camera.
"Tara Asia, libot muna tayo sa Iceland." Hinila na ako ni Ayame palabas at nakita ko sila Nico na nasa labas at hinihintay kami. Napatingin samin si Thaddeo at kumaway kaya lumapit na kami.
"So, saan tayo magsisimula Spade?" Tanong ni Nico na animo'y inaayos ung camera nya. Si Heather inaayos ung mga notebooks at pad papers na dala nya.
"Gullfoss muna tayo." Nagkwentuhan muna sila habang tumitingin ako sa paligid. Ang ganda dito sa Iceland! Dito nalang kaya ako tumira?
Geunikka nae mareun neoreul da algo sipeo
neoreul noraehae U Hoo neoreul noraehae U Hoo
ipsuri mallado halmareun haeyagesseo Baby
akkyeo neol akkyeo neol hyeongijeung nal jeongdoro(akkinda) yojeummarya naegamarya (yojeummarya)
(akkinda) yojeummarya naegamarya (yojeum, yojeummarya)Napatingin sakin lahat ng kumanta ung Seventeen sa cellphone ko. Narealize ko lang na may tumatawag sakin kaya sinagot ko kagad ito nang walang tingin tingin sa screen.
"Hello?"
("Asya! Nasaan ka?") Si Cassio pala. Akala ko ba wala syang phone?
"Wait, akala ko ba wala kang phone?" Nakatitig pa din sakin sila Heather na halatang nagtatanong kung sino ung kausap ko.
("Nakihiram ako kay Garfield ng phone, sakto nakasave ung phone number mo dito. So nasaan ka nga?") Sinenyasan ko sila na mauna na. Nagpaiwan si Spade.
"Iceland na kami. Wait, kagrupo mo sila Garfield?" Kumunot ang noo ni Spade nung banggitin ko ung pangalang 'Garfield". Natawa si Cassio sa kabilang linya.
("Of course not, silly! Hindi naman ako studyante sa Lawson eh. Isa ako sa mga board members.") Napanganga ako. Ano?! Paano sya naging board member?! Parang kailan lang nung pumunta sya dito ah?
"W-wait.. anong sabi mo?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa gulat. Hindi ko naman ineexpect na madali syang makakapasok ng basta basta sa pagiging board member.
("Yep. Oo nga pala, kaya kita tinawagan dahil may nakalap akong impormasyon.") Napatingin ako kay Spade na nakatitig lang sakin pero halata mong naiinip na. Medyo lumayo ako ng konti para hindi marinig ni Spade ung paguusapan namin.
"Ano yun?" Hininaan ko na din ung boses ko para hindi talaga ako marinig.
("Ung mga napatay mong Guerulfus nung mga nakaraang gabi ay kabilang sa grupo ng Black Heaven Dawn at iba sa Cryptic Reign Agony.") Kumunot ang noo ko.
"And so?" Eh ano naman ngayon kung kabilang sila doon sa dalawang grupo?
("My point is, diba hawak ni Spade ung CRA? So malaki ang possibility na isang Guerulfus o Dhampyr sya.") Tama ang hinala ko? Isa syang Dhampyr?
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantasíaIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...