[34]

33 3 0
                                    

A/N: Kaway-kaway sa achi kong kakauwi lang galing sa vacation. Idedicate ko sayo to. Ayaw mo namang pamention. Arte mo HAHAHA. Labyu achi. Sana magustuhan mo. Ung pasalubong ko? HAHAHA.

<3

---
Asia's POV

Nagising ako at hinintay mag-adjust ung mata ko dahil madilim ang paligid at tanging galing sa bintana lang ang may ilaw. Parang pamilyar ito. Umupo ako at tumingin sa paligid. Ang creepy naman. Mas lalo akong humiga at kinumutan ko ung sarili ko. Narinig ko na bumukas ung pinto kaya pumikit ako.

"Hindi pa ba sya gising?" Nakarinig ako ng pamilyar na boses, "Obviously. Ano bang tingin mo sa mga taong natutulog, nakadilat?" Pamilyar din ung boses nung nambabara eh.

"Tch. Malay ko ba kung nagtutulog-tulugan lang sya." Nakaramdam ako ng kaba. Sino ba itong mga to? Kung papatayin nila ako, gawin na nila. Dami pang arte eh.

"Malay. Kaso dalawang oras nalang ay mamamatay na si Ayame." Napadilat ako sa narinig ko at napabalikwas. Mukhang nagulat din sila dahil napamura sila. Napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit.

"Gising ka na!" Gulat nilang sabi. Tinignan ko sila ng masama. Hindi ko sila masyadong makita pero ung anino nito ay nakikita ko.

"Hindi. Tulog pa ko. Ganito kasi ang itsura ng tulog, ano?" Pambabara ko sakanila. Natahimik naman sila. Nakita ko ung isang anino lumapit. Napaatras ako dahil baka may gawin sya sakin. Bibigwasan ko talaga tong lalaking to.

"Asia—"

"Si Ayame? Nasaan?! Bakit sya mamamatay?!" Nabigla naman sya sa biglaan kong pagsigaw. Napatingin ako sa paligid at kaya pala pamilyar dahil nasa dorm ako. Pero teka.. paano ako napunta dito? Nagpakahirap akong pumunta sa Dark Society tapos mauuwi lang pala ako dito?

"Kumalma ka. Dalawang oras bago ang full moon. Matapos nito at mamamatay sya dahil tinurukan sya ng Life of Hidratus ng isang mataas na Guerulfus." Kumunot ang noo ko.

"Sa pagkakaalam ko, ang Guerulfus ay mamamatay kapag nahandle nila ito. At paano nagkaroon ng Guerulfus dito?" Bulong ko sa sarili ko.

"Nageksperimento ang mga Guerulfus at pinasok ang Lawson ng mga intruders." Nakilala ko ang boses. Ang kasama ko ngayon ang isang miyembro ng Cryptic Reign Agony. Si Garfield at si Ares.

"ANO?!" Agad agad akong lumabas at gabi na. Hindi pwedeng mamatay si Ayame. Dali-dali akong tumakbo sa Ospital at tinanong sa nurse kung saan ung room number ni Ayame.

"Room 3417." Tumakbo ako papunta sa kwarto at pumasok ako. Nakita ko si Sage, Nico, Spade, at Alexa. Alexa? What the hell is she doing here?

"Ayame!" Ngumiti lang sya sakin. Sobrang pale na nya at nangangayayat na din sya. Wala ng kulay ang labi nya, "Asia.." Tumulo ang luha ko at niyakap si Ayame.

"Gagawa ako ng paraan, okay?" Tumango lang sya. Napatingin ako kay Alexa na bored na nakatingin samin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me but what the hell are you doing in here? Are you Ayame's friend?" Mataray kong tanong. Tinaasan nya din ako ng kilay at nagcross arms.

"No. Sinama ako ni Sage dito, why? Got a problem with me?" Mataray din nyang tanong. Inirapan ko sya.

"Yes. Your face." Bored kong sagot. Sasagot din sana sya kaso naunahan ko sya, "At sinama ka dito ni Sage? B*tch please. Alam mong nandito si Spade kaya ka sumama pero kung wala, obviously hindi ka sasama." Sinamaan nya ako ng tingin pero nginitian ko lang sya.

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon