CASSIOPEIA's POV
Tumatakbo ako papunta sa dorm nila Asia. May kailangan syang malaman. May nakalap akong impormasyon. Kailangan nya itong malaman nang sa gayon ay mapaghandaan nya ito. Of all people, hindi ko akalain na ganito sya.
Nakita kong nakatulala si Asia na naglalakad. Kumunot ang noo ko at agad ko syang nilapitan. Niyugyog ko sya para magising sya kaya agad syang napatingin sakin nang salubong ang kanyang kilay. Mukhang mainit na naman ang ulo nito.
"Anong kailangan mo Cassio?" Nakakunot pa rin ang noo nya. Tumingin tingin ako sa paligid. Hinila ko sya sa may tagong lugar.
"May sasabihin ako, wag kang magpifreak out ha?" Tumango sya pero nagtataka pa din sya. Pumikit ako at huminga ng malalim. "May nalaman ako tungkol sa squad mo." Tinaasan nya ako ng kilay.
"Oh? Ano yun? Straight to the point na." Ngumisi ako. Kahit kailan napakaikli ng pasensya ng Mahal na Prinsesa.
"Si Ayame Hamilton ay isang Dhampyr." Nakita kong napatulala sya. Niyugyog ko sya pero nanlalaki pa rin ung mata nyang tinignan ako.
"T-t-teka... m-mali ka a–ta?" Nakatulala pa din sya. Ngumiti ako.
"Pwede sya ang maging susi natin. Pwede din na through her ay mahanap natin ang Life of Hidratus." Tinignan nya ko with her glaring eyes. Napaatras ako. Hindi lang sya basta glaring eyes.. silver red glaring eyes. Holy—
"Hindi natin gagamitin si Ayame! She's my friend! Paano mo nasasabi ang mga bagay na to?!" Sh*t! Eto na ba yun?! Lalabas na ba ang totoong sya? Bakit naging silver red ung mata nya?!
"H-hindi ko... s-sinasadya.." Napaupo ako sa takot. Naging dark ung aura nya. Sobrang nakakatakot. Parang nagdilim ung paligid. Napaatras ako sakanya.
"Anong nangyayare dito?!" Napatingin kaming parehas kay— Ayame? Napatingin kagad ako kay Asia na bumalik sa normal ang mata nya. Alam nya kaya? Alam nya kaya na nagbago ang mata nya?
"A-ayame.." Tumakbo si Asia kay Ayame at niyakap nya. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Nanginginig pa din ako habang nakatingin sakanila. Punong puno ng pagtataka ang mukha ni Ayame. "Lets go." Sabi ni Asia. Habang naglalakad sila palayo ay hindi pa rin natatanggal ang sama ng tingin sakin ni Asia.
Bumuntong hininga ako. Masama ito.
ASIA's POV
Tinignan ko si Ayame. Seryoso ba si Cassiopeia kanina sa mga sinasabi nya?! Baka nagkamali lang sya ng pagkakaintindi or pagkakarinig? Pero posible din naman. Pilit na nagrereplay sa utak ko ung usapan namin ni Spade.
"Hey, you okay?" Tinignan ko si Ayame. Pumikit ako. Kung Dhampyr man sya, masaya ako na hindi sya Guerulfus. Dahil hindi ko sya kailangan patayin.
"Yes." Tipid kong sagot. Pumunta kami ng Lawson's Board. Doon nakadikit ang mga magkakagrupo, activities, at kung saan pupunta ang grupo. Agad kong hinanap ang Akuno Section - Group 3. Ang weird nga eh, ang sa lahat ng section ito lang ang naiiban pangalan. Pang Japanese.
Group 3
Spade
Jace
Thaddeo
Nico
Asia
Ayame
HeatherLocation: Iceland and Egypt
Napanganga ako. Nagkatinginan kami ni Ayame. Wait, wait, wait. Iceland?! Seryoso?! Anong gagawin namin doon?! Ang lamig lamig pa doon! Tapos Egypt?! Bakit dalawa?!
Hinila ako ni Ayame sa classroom nang mag bell. Senyales na kailangan namin magsibalikan sa classroom. Pagpasok namin doon, agad na hinanap ng mata ko ang squad at di nga ako nagkamali nandoon sila. As usual, wala na naman si Spade.
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantasyIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...