ASIA's POV
Umaga na pala. Hindi ko namalayan. Halos hindi ako nakatulog. Hindi ako nakatulog ng maayos. Tinignan ko ung plane ticket at passport at visa. Natawa ako nung marealize ko, bakit pa kailangan nito eh dito naman sa school ang sakayan ng eroplano? Pero sabagay ung paglanding, sa Airport. I wonder kung may sarili ding Airport ang Lawson.
Chineck ko ung oras sa side table ko at nakita kong, 10:30AM. Wala daw klase, puro preparation at groupings ang gagawin. Bukas na nga pala ang alis namin. Gusto ko rin mahiwalay sa Lawson Councils dahil paano kung may malaman pa akong ibang informations diba? Paano kung ung katabi ko pala sa eroplano ay Dhampyr or Guerulfus, edi bakbakan na?
Tinignan ko si Ayame sa kabilang kama. Mahimbing na mahimbing ang tulog nya. Kung isa nga syang Dhampyr, dapat naghuhunt din sya ng Guerulfus diba? Baka naman nalagpasan nya na ung 1000 na yun tapos hinihintay nya nalang magfreeze ung time para makabalik na sya sa Chordewa. Eh diba kailangan may madala kang isa pagbalik mo doon? Kailangan ko ding mahanap ang Life of Hidratus kaso hindi ko naman alam ang itsura nun.
Ung mga Guerulfus Hunters, kailangan ko pa sila hanapin. Sana isa si Ayame. Kailangan ko syang makausap pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Posible din kaya si Jace? Naalala ko kasi noon, na muntikan nang madulas si Ayame sa sasabihin nya kung hindi lang binanggit ni Jace ung buong pangalan ni Ayame. (See chapter 3)
Ang sabi ni Ayame noon ay "Va—". Kapag dinugtungan mo yun, Vampire. Tama ako diba? Atsaka ang sabi ni Ayame na malakas ang pandinig ni Jace. Diba ganun ang mga Dhampyr? Napahawak ako sa ulo ko. Kailangan ko ng mapapagtanungan. Si Spade kaya alam ang lahat ng to? Syempre, sya ung leader so dapat lang talaga alam nya ung nangyayari sa buhay ng bawat isa. At isa pa, syempre Spade Wilbourne yun eh.
I sighed in frustration. Tinignan ko naman ngayon si Heather na mahimbing din na natutulog. Isa pa to, hindi ko alam kung pinaplastik nya lang ba ako o gusto nya talaga akong maging kaibigan eh. Pero naalala ko din ang sabi ni Ayame na si Heather ay medyo masungit at snob sa mga hindi nya kaclose. So baka nga ganun lang talaga sya sakin. Dhampyr din kaya sya? Guerulfus? Kung Guerulfus sya, hindi ko alam kung kaya ko syang patayin. Kahit hindi maganda ang naging simula namin, syempre hindi ko maipagkakaila na kaibigan ko pa din sya.
Napasigaw ako sa unan ko sa inis. Ang dami dami kong iniisip. Pero atleast hindi sa exams. Ay basta! Nakakainis. Tumayo ako at pumunta na ng banyo. Ginawa ko na ang dapat kong gawin.
Bakit nandoon si Spade sa gubat kagabi? Bakit nya ako niligtas? Ay shunga. Malamang kaibigan ka nya. Natural lang naman yun. Bakit kaya nya hindi pinatay ung dalawang Guerulfus? Bakit sakin nya pinapatay? Anong meron? Sinaksak nya, hindi nya pa tinuluyan. Gusto sakin pa ipapatay.
Lumabas ako ng banyo at laking gulat ko ng makita ko si Ayame na umiinom ng kape. Ngumiti sya sakin at itinaas ang kapeng hawak nya, "Goodmorning. Want some?" Umiling ako bilang pag sagot. "Ang aga mo namang magising."
"Actually, hindi ako nakatulog." Binaba nya ung tasa ng kape.
"Bakit naman?" Ngumiti lang ako, "Ay! Sya nga pala, alam mo bang nagpakulay ng buhok ulit si Spade?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Parang kagabi lang.. wait, oo nga noh? Hindi ko napansin yun! Kasi kung hindi sya nagpakulay ng buhok dapat kitang kita ko ung buhok nya kagabi dahil kulay blue ito.
"Ah oo, alam ko yun." Inubos nya na ung kape nya at pumunta ng lababo, "Gisingin mo na si Heather para makakain tayo sa Cafeteria. Kailangan natin pumasok sa classroom ng 1:45PM dahil may meeting ang buong grupo." Tumango ako sa sinabi ni Ayame. Pumasok na sya ng banyo. Pinuntahan ko si Heather at ginising sya. Umungol lang sya.
"Heather.. wake up." Tinapik tapik ko ung mukha nya. Umungol lang sya pero nagulat ako, kakaiba ung ungol nya. Parang ung sa mga Guerulfus kagabi. Ung nanghihingalo.
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantasyIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...