ASIA's POV
"Hey sleepyhead, wake up. We're gonna be late." Napatakip ako ng kumot nung marinig ko ang boses ni Ayame. Masyado ko kasing naenjoy kanina kasama si Garfield. Ugh! 3 hours lang ang tulog ko?
"Hoy Asya kapag hindi ka gumising, bubuhusan kita ng malamig na tubig." Now that's Heather's voice. I groaned. Ayoko pa kasi. Nakakatamad bumangon. Nagulat ako nung hilain ni Ayame ung kumot na tumatakip sakin.
"Saan ka ba kasi nanggaling? Pagpasok namin ni Heather, wala ka." Tinakpan ko ung mukha ko gamit kamay ko.
"Kasama ko si Garfield." Sabi ko. Tumahimik saglit kaya sinilip ko sila at nakita ko ung reaksyon nila na gulat na gulat.
"ANOOOOO?!!!! SI GARFIELD CUEVA?!!!!! THE 2ND HOTTEST GUY OF CRYPTIC REIGN AGONY?!!!" Napatakip ako ng tenga nung sumigaw silang dalawa. Geez, RIP my ears. But wait, anoooo?!! 2nd hottest guy ng CRA?! Bakit parang wala sya nung una kong nakita ung gang na yun?!
"Wait, oo. Si Garfield Cueva nga. What's the big deal? Eh ano naman kung 'hot' sya? Pero bakit second lang sya?" Shemay! Kailangan parusahan itong bibig ko sa pagtatanong ng ganitong tanong!
"Of course, walang tatalo sa number one na si Sage Castelo. He's a hottie. But he's evil. Pero syempre walang tatalo sa pagkamasama ni Spade Wilbourne, nangunguna na sya doon." Napairap si Ayame nung binanggit nya si Spade. Natawa ako.
"Oh sige na, maligo ka na at magayos." Tinulak tulak ako ni Heather sa banyo. Sinamaan ko sya ng tingin, natawa lang sya at nagpeace sign.
Nung matapos ako sa lahat, agad akong lumabas. Ang suot suot ko ay isang black ripped jeans, long sleeves na checkered black and red with a black printed shirt inside, then converse. Nagmessy bun ako at sinuot ko na ung string bag ko.
"Ready?" Tanong ni Ayame, nilapitan ko ung dalawang malaking camping bags ko, "Yeah." Sabay na sagot namin ni Heather.
"Lets go!" Lumabas na kami at pumunta sa Gymnasium ng Main Building dahil dito daw magkikita kita lahat. Nakita kagad namin si Jace kaya lumapit kami sa linya nya. Kumpleto na pala ang boys eh.
"Why are girls always late?" Komento ni Nico. Hindi ko sya pinansin. Hinanap ko si Garfield, at ayun. Kasama sya sa pila ng Cryptic Reign. Nakita nya ako kaya nginitian ko sya. Ngumiti sya at kinawayan ako.
"Its because we're taking a bath PROPERLY, you idiot." Sagot ni Ayame na ikinatawa naming lahat. Ang kulit talaga kapag nagasaran na si Ayame at Nico.
"Asia, are you sure you're not going with us?" Malungkot na tanong ni Thaddeo. I smiled.
"Magkikita naman tayo sa Lawson Airport eh." Yes, the school has an Airport. Cool right?
"Kanino ka makikisabay?" Tanong ni Nico, "Dun sa Cryptic Reign and some other groups." Sagot ni Heather hawak hawak ang isang maliit na papel.
"Listen, students of Lawson! May dalawa tayong eroplano plus ung private plane. Sa private plane, doon ang Lawson Councils. Sa isang eroplano ang nangunguna ay Cryptic Reign at ang mga senior high with a special student, Ms. Earhart. Sa pangalawang eroplano, ang nangunguna ay Black Heaven at ang mga junior high." Pageexplain ng isang teacher na may hawak na microphone. "Go to your plane, Cryptic Reign and Ms. Earhart." Sumunod ako at nakita kong nagpahuli si Garfield para sabayan ako. Lumingon ako kaila Ayame then I waved them goodbye. Nakita ko si Spade na sobrang talim ng tingin nya samin.
Sumakay na kami sa eroplano. Doon kami sa pinakadulo. Syempre kasama ng Cryptic Reign. Tinignan ako ng masama ni Sage Castelo, of course sino ba naman ang makakalimot ng una naming pagkikita.
"Dude, you better stop scaring her." Saway ni Garfield kay Sage dahil hanggang ngayon ay hindi pa napuputol ang lazer sa mata namin. At hindi ako natatakot dyan sa unggoy na nagpapanggap na tao na yan.
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantastikIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...