Asia's POV
Nagstay muna kami sa isang kubo dito sa may Bataan. Ang layo ng narating namin. Halos magdidilim na nga eh. Napabuntong hininga nalang ako habang kumakain ng chocolate at chichirya. Si Garfield busy sakanyang laptop. Paano sya magiging busy kung wala namang signal dito sa pinagsestayan namin? Si Spade naman ay busy sa cellphone nya.
"Paano natin hahanapin ang Dark Society kung wala naman tayong idea kung ano ung 'Dark Society'?" Tanong ko sakanila. Hindi naman nila ako pinansin. Psh. Batuhin ko sila ng bote ng tubig eh.
"Sabi naman kasi, magtanong nalang. Matagal pa naman siguro bago tayo parusahan diba? Tss. Kaysa naman sa nagmumukha na tayong mga engot dito." Tumingin si Spade sakin.
"Bakit ba ang dami mong reklamo? Eto na nga, sinesearch na ni Cueva kaya kumalma ka. Tss." Inirapan ko lang sya. Paano sya magsesearch kung wala namang wifi dito? Paano nya na din magagamit ung pocket wifi kung walang signal dito? Tch.
"Base sa niresearch ko, ang Dark Society daw ay isang napakalaking lugar ngunit ang matatagpuan mo lang dito ay mga halaman at mga malalaking puno at mga damo. Kaso napakadilim daw ang lugar na ito." Malamang. Kaya nga DARK Society eh.
"Sinearch mo na din ba kung saan ito mahahanap at paano ito pupuntahan?" Tanong ko. Si Spade tahimik lang na nakikinig habang umiinom ng kape.
"Oo. Pero walang specific na sagot na kung saan ito mahahanap. Basta pupunta ka sa Beach nitong Bataan at kailangan sumakay sa isang submarine." ANO?! Dali dali kong inagaw kay Garfield ung laptop nya at binasa ito.
1. Go to Bataan Beach
2. Ride a submarine
3. Set the GPS, to 'El questa Dark Society'What?! Paano kami sasakay ng submarine? I mean, wala naman kaming submarine at wala kaming sapat na pera para magrent nun. Tinry ko pang magsearch ng iba kaso ganun pa din ang lumalabas, halos parehas. Napairap ako sa inis. Tinype ko ung 'DarkSociety.com' malay mo naman meron. Tch.
Then boom, meron nga! Dali dali akong nagbasa at nagscroll. Psh. Puro pictures lang kasi kung ano ang itsura nito. Kailangan pang maglog-in? Naknang! Pinress ko ung log-in, baka sakaling pwede ko itong iconnect sa Facebook. Kaso hindi pwede, walang nakalagay. Create an account talaga? Napasimangot ako. Hinarap ko kay Garfield ung laptop nya.
"Oh eto, tinype ko 'DarkSociety.com'. Kaso wala naman akong account, at hindi pwedeng iconnect sa Facebook o sa kahit na anong Social Apps or whatever." Kumunot ang noo nya. Kinuha nya ung laptop.
"Gagawa ka lang naman ng account mo eh. Ikaw na ang gumawa, may hahanapin lang akong files dito sa laptop ni Mrs. Permitivo." Dahil sa sinabi nyang yon ay nakuha nya ung atensyon namin ni Spade.
"Ano?! Paano mo nakuha yan?" Ngumisi sya at kinindatan ako, "I have my ways Asia." Wow. Feeling BDO, ano po? Nakakainis ha! Baka isa rin sya sa mga nagplano na hindi ituloy ang Camp Trip!
"Tch. Ayusin mo buhay mo Garfield Cueva, ha." Inis kong sabi na ikinatawa nya lang. Pinagtuonan ko nalang ulit ng pansin ung laptop ni Garfield at gumawa ng account. Syempre fake name and such ung mga nilagay ko. Except for the cellphone number. Required kasi maglagay, walang mga follow up questions tulad ng Yandex or anything.
Nung makalog-in na ako, may mga videos and pics ng Dark Society, kapag umaga lang sila kumukuha ng vids at pics dahil may onting liwanag lang, oo onti lang dahil dito sa anggulo ng camera ay makikita mo pa rin na may mga parteng madidilim at hindi nasisikatan ng araw.
WEIRD.
Kapag gabi na, kailangan ng gumamit ng flashlights o cellphones para lang makakita. Ayon dito, masyado daw delikado kapag gabi. May mga unknown creatures daw na nakapaligid at umaatake. Unknown Creatures?? Bakit meron nito? Hindi ba pwedeng, baboy ramo or mga wild animals lang? OA nila ha. Pero napatigil din ako sa pagiisip nang marealize ko, paano pala kung Guerulfus pala? Eh! Wolf pa din naman yon ah? Baka naman kasi hindi sila madalas makakita ng ganun? Dahil ba sa rare ito? Rare nga ba ang mga Wolves? May dogwolf nga eh. Baka naman kasi ang nakikita nila, ung Second Evolution ng mga Guerulfus o di kaya Dhampyrs na din.
BINABASA MO ANG
Halfworld's Downfall
FantastikIn a far far away planet, there's a Princess named Asia. She thought that she's a normal person but when she stepped down on Earth she knew that something was wrong.. "I'm just a normal person!" No you're not. You're special. "And what makes you s...