[9] Questions

29 6 0
                                    

ASIA's POV

"S-spade.." Gulat na gulat ako. Ayaw magprocess sa utak ko na isa syang Werewolf. Tama ba ang hinala ko? Kasi kung hindi, bakit sya nandyan? Anong ginagawa nya dyan? At dapat inatake na sya ng Wer— wait.. oo nga noh! P-pero i-ibig bang sabihin nun.. i-isa syang Werewolf? Kasi kung hindi sya Werewolf, dapat inatake na sya nung Guerulfus!

Tinignan ko sya ng napakaraming tanong sa isip ko. Hindi ako makasalita kasi parang may nakabara sa lalamunan ko. Gusto ko syang tutukan ng baril pero hindi ko magawa. Para bang nastuck na ako dito sa kinatatayuan ko.

"Answer me Asia, what are you doing here?" Seryoso nyang tanong. Napailing ako at napaatras. Sinubukan nyang lumapit pero tinutukan ko sya ng baril. Para bang ineexpect nya na gagawin ko to dahil hindi man lang sya nagulat. Wala ngang makikita na emosyon sa mga mata nya eh.

"I-i.. s-should be the one.. t-to ask that.." Nanginginig pa din ako. He sighed. Umiling sya at nilagpasan ako kaya sinundan ko sya pero nanatiling nakatutok ung baril ko sakanya.

"Its none of your business." Kumunot ang noo ko.

"Well, its none of your business too!" Naiinis kong wika. Gusto ko ng iputok sakanya tong baril na to sakanya pero hindi ko magawa! At naiinis ako, naiinis ako dahil hindi ko magawa.

"Babae ka. You should be sleeping by now. Pero nandito ka, why are you here Asia Earhart?" Kinilabutan ako ng banggitin nya ung buong pangalan ko. "And why are you holding a gun?" Nakatalikod pa din sya sakin habang nakatutok ung baril ko sa ulo nya.

"You dont care, Spade Wilbourne." Binaba ko ung hawak kong baril at tumalikod na para umalis. Wala man lang ba akong mapapatay ngayong gabi? Sayang ang first day ko sa misyon ko. Kailangan makapatay ako kahit isa man lang.

Hinila nya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya. Dahil sa moonlight, nakikita ko ang walang kaemosyon emosyon nyang mata. What is his problem now? He's gonna attack me? Oh c'mon!

"Wag na wag ka ng babalik dito sa gubat na to." Kumunot ulit ang noo ko. Eh kailangan ko ngang bumalik dito dahil kailangan kong makapatay!

"Ano bang problema mo? Wala ka ng pake dun!" Naiinis kong sabi. He smirked.

"Hard-headed warfreak. Kung gusto mo pang mabuhay, dont you ever come back here. Pero kung gusto mo nang mamatay ng maaga, give me your gun so I can kill you right now, right here." Tinulak ko sya at umalis na. Nakakainis. Bukas na nga lang ako. May 99 days pa ako. Pero napatigil ako nang marealize ko at maalala ko.

"So ilan po ang kailangan kong mapatay?"

"Hmm.. basta lalagpas ng 1000.."

Potek naman! Wala pa nga akong napapatay maski isa! Kaya ko ba yun ng 99 days?! Eh sobrang hirap nga dahil wala namang nagpapakita ng identity eh. Atsaka malaki kaya ang posibilidad na marami ang Guerulfus at Dhampyr dito?

Pabalik ako ng Girls Dorm ng may makabangga ako..

"Asia, I've been looking for you." Si Cassio pala. Nagulat naman ako dun. Kala ko white lady na.

"Hey." Tinanguan ko lang sya at nilagpasan. Sinabayan nya naman ako sa paglalakad.

"Any problem?"

"Nakakita ako ng Guerulfus. Pero hindi ko napatay dahil dere deretso sya sa bush. Nang silipin ko, nakita ko si Spade. Posible kayang Guerulfus sya? Kasi kung hindi sya Guerulfus, eh malamang naman sa malamang ay inatake na sya nun." Mahina kong sabi. Hinarap nya ako at hinawakan sa balikat.

"Unless..." Pabitin nyang sabi, "Unless na isa syang Dhampyr at sinend sya dito ng Mahal na Hari upang maghunt. Malay mo isa pala sya sa Guerulfus Hunters." Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko. Wait, bakit hindi ko naisip yun?!

Halfworld's DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon