"Anastacia Villasis!" Sigaw ng baklang hindi nya kilala kung sino.
Lesheflan? Kumpleto ba namang iespluk ang pangalan ko?
"Uh....? Wag kang ma o-offend ha? Pero hu u?" Tanong nya sa baklitang pink ang buhok.
"Ay inaasahan ko na yan na reaction mo gurl!! Ako to si Scarlet! Pero mas kilala mo ako sa pangalang Honorio!" Seryoso? Si Honorio na itey?
"Honorio!? Anong nangyare sayow?! Ba’t naging isa kang plamingo!?" Yes besh flamingo telege ang baklitang ire!
"Che! Impakta ka talaga kahit kailan Anastasya! Minsan na nga lang tayong magkita pinagtripan mo pa itey!" Napatawa sya dahil sumimangot ito.
"Wag kang sumimangot Honorio hindi bagay sayo. Sige na sorry na madam Scarlet ano ba kasi yan?" Kakauwi nya lang kasi sa barangay nya kaya wala syang alam sa mga nangyayari.
"Ay. Eto gurl invitation yan para sa reunion. Pag ikaw ininjan mo kami this time susunugin ko talaga yang pilik mata at kilay mo." Banta ng plamingo na vaklish.
"Malamang may trabaho ako nang panahon na yun. Uunahin ko talaga ang pera!"
"Basta ha? Pumunta ka dahil kung hindi nakuuu!!! Humanda ka! At wag na wag kang magpapalusot mujer ka dahil tinanong ko na ang mudrakels mo kung kailan ka uuwi! Vavooosh na! Idedeliver ko pa to." Naiwan syang nakakunot ang noo.
"Inilaglag na rin pala ako ng nanay ko." Napakamot sya sa ulo nya. Pupunta sya sa mall ngayon para bumili ng tshirt.
Alam nyang papalag ang kakilala nya rin dahil sa susuutin nya pero pake ba nya? Sa hindi sya sanay na mag dress dress eh."Ace! Nak! Wala ka pa bang susuotin?" Tanong ng Mama nya nung araw ng reunion. Malayo pa kasi ang oras kaya sya nagpa chill chill lang muna nagbababad na manood ng movies at series.
"Meron naman nay. Bumili ako ng tshirt." Narinig nyang pumalatak ang nanay nya.
"Diaskeng bata ito. Tshirt ang isusuot mo? Aba’y hindi ka talaga makakahanap ng lovelife dahil wala kang ka appeal appeal." She cringed at the words. Lovelife? As if naman naniniwala pa sya sa mga ganyan. Heller? Malapit na syang lumagpas sa kalendaryo.
"Ma aanhin ko naman na mag dress ni ultimo nga maglakad ng naka wedge natatapilok ako. Pano if nag dress ako tapos natapilok ako edi boom!kagubatan ng encantadia!" Nakurot tuloy sya sa singit ng kanyang nanay.
"Aray ko naman ma! Oo na! Hindi na ko mag susuot ng tshirt! Basta ayoko magsuot ng dress o di naman ay palda.ikamamatay ko yun." Meh ged. Magsuot nga ng shorts sa labas ng bahay ay di ko kaya. Kakahiya ipakita ang coins ko sa legs beh maholdap pako dahil napagkamalan akong milyonaryo.
"Kuu ikawng bata ka. Hindi ka na nagbago! Tapatin mo nga ako. Tomboy ka ba?" Nasamid tuloy sya sa kinakain nyang gulaman.
"Waw nay. Ayos din yang konklusyon nyo a! Kung tomboy po ako aba hindi ako gagamit ng mga salitang si Scarlet ang pasimuno." Ilang beses na ba syang sinabihang tibo? Hindi na nya mabilang.
"Scarlet? Si Honorio ba ang tinutukoy mo?"
"Opo mukha na nga ho yung flamingo dahil sa pink lahat ang suot."
"Basta. At maligo ka ha? Aalis na muna ako."
Tinawagan na nya si Rea kung saang banda na ito. Dahil bago sya aayusan nya muna ito.
"Oy Ace. Sigurado kang papasukin nila tayo rito?" Tanong ni Rea sa kanya.
Actually ang suot nito ay sleeveless white collared blouse at naka skinny jeans rin ito at naka hi cut na sapatos. Itinirintas naman nya ang buhok nito. Hindi perpektong pagkatirintas nga lang dahil sa kasamaang palad hindi sya biniyayaan ng skilled na kamay pagdating sa pag aayos ng buhok.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...