Nagising si Ace dahil may tumatawag sa kanyang cellphone. Ayaw nyang sagutin pero masyadong makulit.
Ace:heloo
?: bangon na mahal ko
Ace: excuse me manong. Mali ka yata ng numerong tinawagan.
?: hindi ako nagkamali. Tinawagan talaga kita para gisingin Anastacia dahil kanina pako rito sa labas ng bahay nyo nakatayo.
Ace: naku manong wala po kasi kaming available na bote at bakal ngayon. Puro plastic kasi ang ginagamit namin.
?: pinagkamalan mo talaga akong tagabili ng bote at bakal Tasha? Nakakasakit ka na talaga ng ego ha?Wait.. ano raw ? Tinawag sya ng manong ng Tasha.
Ace: pake ko ba. Patulugin mo muna ako pwede? Madilim pa sa labas. Kasalanan mo yan ang aga mong mambulahaw.
?: dapat lang naman agahan ang panliligaw baka kasi magtago ka na naman.Napabalikwas ng bangon si Ace.
Ace:evan?
Evan:ah... ang sarap pakinggan kung sayo galing ang pagtawag sa pangalan ko.
Ace: anetch ba ang hindi mo maintindihan na borlogs pa dapat ako!?
Evan:I perfectly understand mi amore pero papasukin mo muna ako.Pinatayan nya ng tawag si Evan at binuksan ang pintuan at totoo nga na nasa labas ito ng gate nila at nakikipagmabutihan kay Goryo at Jacinta. Ang bilis naman mapaamo ng kumag ang mga alaga nya.
Tsk.
"Ang aga mong mang istorbo Salamanca." At dahil naawa sya rito ay pinagbuksan nya at pinapasok ang lalaki malamig pa naman ang panahon.
"Thanks mi amore akala ko maninigas na ang panga ko kakahintay sayo."
Inismiran nya ang lalaki pero ang totoo kinikilig sya na kinakabahan na hindi nya alam.
"Buwang ka. Babalik lang ako sa kwarto. Dahil masyado pang maaga."
"Iiwan mo ko dito? Baka naman pwedeng tabi tayo?" Tinaasan nya ito ng kilay. Aba naghahanap pa talaga ng butas para makalusot ang damuho na ito!
"No way! Jan ka sa papag. Bawal tayong magtabi dahil manyakis ka pa naman." Kumuha sya ng extra unan at kumot at binigay rito.
"Magkakasya ba ako rito sa sofa nyo? Ang haba ng biyas ko o."
"Yan ang napapala ng masyadong maaga bumisita "
"Ace bebeh, mag usap naman tayo o... alam kong pinunit mo tong binigay kong sulat.." napalingon tuloy ng wala sa oras si Ace sa nagsasalitang kapre.
"Pano mo nalaman?." Ipinakita nito ang piraso ng sulat. Bumuntong hininga naman ang lalaki at hinila sya paupo.
"Alam kong inunahan ako ni Cleopatra na masabi sayo. She gave you the wrong information mi amore."
"Tumigil ka sa pag mi amore mo jan. Naririndi ako." Tumawa ang lalaki na naging dahilan kung bakit mas lalong tumamblung ang kanyang puso dala ang arteries at kanyang lungs.
"Oo na titigil na ko. Ace.. hindi ko na mahal yung babae na yun. Matagal na kaming wala matagal na kaming tapos. Ikaw na ang gusto ko..."
Taksil na puso ka. Sinabihan ka lang ng sweet nothings tumambling ka naman agad.
"Tapos? Baka nama n kasi feel mo na behind ka na sa mga kasama mo kaya heto ka ngayon ginagawa mo kong panakip butas sa na unsyami mong lovelife " napakunot naman ng noo si Evan sa sinabi ni Ace.
"Panakip butas? Sino naman ang nag imbento nyan? Oo ininjan nya ako nong araw dapat ng kasal pero ang tagal na nun.." at dahil gusto nyang lokohin ang lalaking nambulahaw sa kanya ng kay aga pagtitripan mjba nya ito ng very light.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...