Eve x interview x Gapang

450 8 0
                                    

Nag aalangan si ace kung matutulog ba sya sa bahay ng mga Salamanca. Hindi naman sya ka anu-ano ng mga ito. Hindi rin matatawag na close silang magkaibigan ni Evan at hindi rin sila mag jowa! Feeling nya tuloy unti unti nang kumukulot ang kanyang tuwid na buhok. Kung bakit pa kasi sya pumayag na sumama sa lalaking talapindas na ito.

"Ace bebeh okay ka lang?" Kung pwede nya lang ito sakalin ay ginawa na nya.

"Ano ka ba naman Evan. Kita mong ayaw ni ace na lambingin mo oh." Pinangilabutan si Ace dahil sa pagsulpot ng ate nito.

"Inggit ka lang! Palibhasa bitter ka ngayon!"

"Hmmmp!! Naku Ace wag na wag kang tatabi sa kulangot na ito dahil baka kako gapangin ka nyan!" Kung alam lang talaga ni Eve na nagawa na yun ni Evan baka magwala.

"Alam mo ate. Nagapang ko na yan kaya okay lang kung sa kwarto ko sya matutulog." Nanlaki ang mata ni Ace aa sinabi ni evan at paglingon nya sa ate nito ay pinaningkitan nito ng mata ang kapatid.

"Panagutan mo yang si Ace! Mamanhikan na tayo sa kanila!! Tara!"
Bjgla tuloy syang nataranta ano bang trip ng magkapatid na ito?

"Ha...hala... a eh... miss Eve... wala pong gapangan na nangyari!" Deny nya.

"Nakakasakit ka na ng heart Ace! Nag lepchukan na nga tayo at nabosohan mo na ako saan doon ang hindi pa nagapang?!"

Fishtea ka Evan!!

"Anong lepchukan oi!!!! At kung makaboso ka ha?! Excuse me ikaw kaya ang pumasok sa bahay ko at ninakaw mo ang antigo kong undie!!" Huli na nang na realize nya ang sinabi nya. Dahil narinig lahat ng mga magulang ni Evan ang sinabi nya. At kung pwede lang ay malamon na sya ng lupa ngayon din. As in now na!

Kasama ni Ace ang ate at mama ni Evan sa may Sala habang ang mag ama naman ay nag uusap sa itaas. Para na syang kiti kiti dahil hindi sya mapakali, gusto na nyang umuwi sa kanila.

"So... Ace, what do you do for a living? I just heard kay Mica na wanderer ka raw."

"Hindi naman sya talaga as in yung wanderer na nagwawander lang ng walang objective miss Eve... ano... nagmamapa kasi ako. You know kalahi ni Dora.." hindi man lang natawa ang babae sa joke nya kung joke ba yung maituturing

"Oh... really? Ano naman ang mina mapa mo?" Usisa pa nito

"Depende po sa required data na ibibigay sa amin, we map out geologic structures and even minerals na nandoon also we determine the hazards present in the area." Paliwanag nya.

"What are you again? Mukhang hindi ka basta bastang lagalag lang." Ang mama ni Evan ang nagsalita.

"I'm a geologist po.." magalang na sagot nya. Alanganin pa naman sya palagi pag may nagtataning kasi namamali ang dinig minsan at nagiging theologist.

"Feeling ko nakakadugo yan ng utak. Tama ba?" Pambawi ni eve.

"A eh... medyo..." may kailangan nga pala syang tapusin na reports ayaw kasi nya ang cramming style nakakastress. "Ahm... pwede ko po bang gawin ang report ko rito? May dala naman po akong laptop.."

"Oh we don't really mind, sige go ahead.. ihahanda ko lang ang mesa ha?" Tumango lang sya at sinimulan ang pagtipa sa laptop nya at kinuha ang rock sample na kailangan nyang suriin. Ang hindi nya alam ay may mga nanonood sa kanya.

"She is very serious when working." Nanonood si Evan at ang kanyang ama mula sa taas.

"Yeah and my sister is ogling her work." Hindi man nya masyado klaro ang mga pinaglalalagay nito sa laptop nito sigurado naman syang magiging interesado sya dun. They were rivals afterall kaya magka range lang sila ng utak.

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon