Kung may aligaga pa sa lahat ng aligaga si Ace na yun. Hindi kasi nya alam na ganoon pala topakin ang lalaking yun. Mas malala pa sa isang babaeng may mens! Kanina pa sya hindi pinapansin sya pa naman ang klase ng tao na madaling kainin ng konsensya! At sa ngayon nasa Sweet shack sya para bumili ng matamis para magkaroon naman ng dopamine ang lalaking yun dahil sa totoo lang baka bumisita na sya sa mental kapag tuluyan nang nagalit yun.
"Hello Maam! Ano pong order nyo?" Tanong nong isang crew.
"Ah... Sancho right? Ano bang masarap rito na ipanregalo bilang apology cake?" Sancho kasi ang nakalagay sa nameplate nito.
"Ano po ba ang favorite nya maam?" Pusang galisin! Hindi nya alam!
"Eh... patay tayo jan.. may mai rerecommend ka ba? Hindi ko kasi alam eh."
Anong klaseng jowa ka Ace?!
"Ah... ito nalang pong peach mango shortcake. Best seller po yan dito." Tumango sya bilang pag sang ayon. Bahala na.
Bumili rin sya ng lulutuin nya mamaya para sa kanilang dalawa. At bumili na rin sya ng panregalo rito peace offering kung baga. At ghed para syang nag sauna sa get up nya! Turtle neck sweater tapos jeans wala na gusto na nyang maghubad kaya dali dali syang umuwi total nasa opisina pa naman si Evan. Sana nga ay magustuhan nya gagawin ni Ace dahil baka tumalon nalang sya sa kanal!
Pagkarating nya sa bahay ni Evan ay agad nyang inayos ang pinamili at nagbihis ng maluwang na tshirt at shorts. Palagay nya ay lunaya ang kanyang kaluluwa sa ginhawa, napingiwi sya nang nakitang may nga pasa parin sya.
"Di bale ipagluluto ko nalang yun. Bhala kang pasa ka."
Nasa kasagsagan sya ng paghihiwa ng sangkap nang tumawag si Rea sa kanya.
"Hello Rea? Ano at napatawag ka?"
"Ace..... nag away kami ni Oreo ko.." ew. Kung maka claim itong kaibigan nya.
"Talaga? Ano namang pinag awayan nyo?"
"Andami nyang chicks!!!! Huhu Ace!" Andrama talaga nitong si Rea minsan.
"Chicks lang yan. Ikaw ang inahing manok kaya wala sayo yang mga sisiw na yan okay?" Naiimagine na nya ang kunot sa noo ni Rea, ngayon mya lang na diskubre ang selosa side ng kanyang kaibigan.
"Wala ka namang kwentang kausap eh!"
"Itanong mo nalang kasi sa vaklush mo! Nukaba at ako pa talaga ang pinagtanungan mo ano? May sarili rin akong problema isang araw pa nga lang lami nag aaway na." Himutok nya.
"Ay as in? Kawawa naman si Evan sayo." Kung kaharap nya lang ito ngayon ibinitin na nya ito patiwarik.
"Shatap. O sya magluluto na ako. Kelangan ko pa yung suyuim. At ikaw babaeng selosa! Ayusin mo yang problema mo kay Honorio at wag mo muna akong istorbohin!" At binabaan na nya ng tawag si Rea. Napailing nalang sya mukhang uso ang LQ ngayon ah.
~♥~
"Napano ka?" Tanong sa kanya ni Vergel.
"Tss."
"Ay menopausal!" He glared at him. Iritable kasi sya dahil hindi pa awat ang bibig ni Ace sa renta. At ano bang masama kung libre lang syang magstay sa bahay na yun eh magiging future Mrs. Salamanca naman ang babaitang yun? She hit his ego. Alam nyang medyo O.A. sya sa reaction nya pero nakakarindi kasi yung renta.
"Vergie anong nangyari jan sa pinsan ko?" Si Cleo.
"Bah, mukhang nagmemenopause na Cleo. Nagbubuga na sya ng apoy!" Pag umpugin kaya nya ang dalawang ito?
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...