Peace na si Ace at si Evan balik na rin sila sa normal, kinausap na ng lalaki si Mica ng masinsinan with her of course at sinundo na ito ni Julius kaya ayos na. Nagliwaliw siya at nakita ang mga kaibigan niya na hindi man lang siya sinabihan na may manlilibre pala. Ang sama ano?
Chika sila ng chika dahil sa problema ni Juno sa asawa nito na sabi'y hindi man lang raw naakit sa kanya, biruin niyo yo'n may immunity pala si Joshua kay Juno? Nasa kasag sagan pa nga siya ng kanyang baluktot na rason nang dumating si Evan at pinatahimik siya kaya naman nainis siya rito. Hindi naman sila nagtagal at umalis na dahil aasikasuhin pa raw ang party ng resto nito."Beh. Lika na." Pinaningkitan niya ito ng mata at kinurot sa tagiliran. "Aww what was that for?!"
"Distorbo ka sa libre ni Juno eh! Minsan na nga lang kaming magkita tatlo."
"Eh makikita mo rin naman sila mayamaya.. beh naman.. " niyakap pa siya nito at hinalikhalikan sa buong mukha kaya napangiti nalang siya.
"Hoooy! Wag nga kayong mang inggit na dalawa! Mga pashnea!" Ang ngiti niyang yun ay napalitan ng nakakalokong tawa pagkarinig niya sa tono ni Rea.
"Aish! Kailangan ko na talagang maakit ang asawa ko! Mga langya!" Padabog naman na sabi ni Juno habang inuubos ang juice na order nito.
"Magpaganda kayo mamaya ha? Mag gown na rin kayo okay?" Nakangiting sabi ni Evan sa mga kaibigan niya at kung makalingkis sa kanya para bang kaya niyang takbuhan ito.
"Wag mo sabihing magsusuot din ako ng bestida Evan? Mag aaway talaga tayo!" He just chuckled and kissed her fully on the lips which made her bestfriends groan in frustration.
"Get a room you two!"
"SPG!" Magkasabay pa na hiyaw ng dalawa."Tara na beh, nag aantay na sina Mama mo at Thaddeus para magpa spa." Ay langya rin itong lalaking ito, nakipagnose to nose pa talaga! Sa tanang buhay niya hindi niya inakala talaga na sasang ayon siya sa mga PDA na yan, pero heto siya ngayon nakikipaglandian sa boyfriend niya.
"Wag ka nga pa sweet Evan, hindi ako makahinga dahil jan eh!"
"Hmm? Really? Mahigpit ba ang pagkakayakap ko sa'yo?" Ay shet! Sweet masyado! Kinagat niya ang daliri nito na humahaplos sa labi niya kaya napa aray ito. "Aw! Beh naman! Wag kang ganyan, you are turning me on!" Hala!
"Heh! Tara na nga! Lumalandi ka lang eh!" Kumawala na siya rito at hinila dahil sasabog na yata ang ulo niya sa pinaggagagawa nito. No'ng isang gabi practice position daw, akalain nyong may gano'n pala? Tapos ang siste bigla nalang nangisay sa taas niya, siya namang si inosente ang akala niya nilalamig kaya niyakap niya nalang. At
ngayon eto, may pa turn on turn on pang nalalaman ang damuho, nakakahiya tuloy dahil masamang tingin na ang pinupukol ng matanda sa kanila kanina.Hinatid naman na siya ni Evan sa salon, naroon ang mama niya at si Thad, pati narin ang ate Eve at mama ni Evan.
"Nak, lika na at nang maayusan ka, saan ba kayo galing at ang tagal niyo ha?" Usisa ng inay niya.
"Nakipagchikahan po muna ako kina Juno at Rea, nakita ko po kasi sila, naimbitahan narin po namin sila para mamaya." Ngiti niya habang sumasagot. Napahiyaw siya nang suklayin ng bakla ang buhok niya, buhol buhol kasi yun, dahil hindi siya nakapagsuklay.
"Pasensya kana dito sa anak ko balae, hindi yan palaayos ng buhok! Masyadong tamad." Akalain mong balae na pala ang tawagan ng inay niya at mama ni Evan?
"Ayos lang, masipag naman si Evan mag ayos." Supportive! Nice!
"O siya, betty, pagandahin mo yang sister in law ko ha?" Si Ate Eve naman na nagpapa hot oil at pedicure.
"Oh yes Madam! Gaganda siya lalo at magniningning siya mamaya!" Napangiwi siya sa sabi nitong magniningning. Di yata ay magiging isa siyang parol na may maraming glitters. Wag naman sana.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...