"Para sa bagong kasaaaal!!" Halos mabingi si Ace sa cheer ng mga kaibigan at pamilya niya. Hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwala na ikinasal na siya. Biruin niyong nasuklian pa talaga ang pagsinta niya kay Evan? Halos ibaon na nga niya sa baul dahil akala niya ay di na mangyayari ang araw na mamahalin na rin siya nito. Imagine a simple crush turned out to be your true love, destiny and your everything? Aba matinde! Bumawi yata ang tadhana sa pagiging almost single forever niya! Pero seryoso everything will fall in its proper places in the right time, at ika nga ng lola niya na sinunod niya. 'hindi pwedeng madaliin ang pag-ibig, hindi ka naman mauubusan ng lalaki.' o diba? Na prove niya na tama ang lola niya.
"Beh, why so serious?" Untag sa kanya ng asawa, weee.. asawa... tila kay sarap naman yata no'n sa pandinig?
"Wala, naiisip ko lang si Lola at yung mga words of wisdom and everything na ipinayo niya sa akin noon." She kissed the tip of his nose making her husband smile."Evan, kinikilig ka."
"Ssh, don't." Sino ba ang hindi mababaliw sa lalaking ito? Ito lang yata ang lalaking hindi nahihiya na ipangalandakan na kinikilig siya sa harap ng madlang pipol?
"Yo! Newly weds! Mamaya na kayo maglabing labing pwede? You have all week para diyan! Buksan niyo muna ang regalo namin sa inyo!!" Magrereklamo pa sana si Evan sa ate niya pero pinigilan niya ito dahil baka mag debate na naman ang magkapatid na lagi naman nangyayari.
"Ace! Masisiyahan ka sa regalo namin for sure!" Singit ni Juno. Pero duda siyang magugustuhan iya. Ano pa ba ang laman ng isang maliit na paperbag na mukhang mamahalin and she have an idea kung anong laman no'n.
"Yeah right." Pinaningkitan niya ng mata ang mga kaibigan niya pati na si Chrome dahil nakisali pa talaga sa kabaliwan ni Juno at Rea. Hinila naman siya sandali ng tatlong babae at nangingislap ang mga mata sa kapilyahan.
"So... ikaw ang unang mapupunitan ng hymen sa atin." Hindi yan tanong, its a complete sentence.
"Tse! Atleast mapupunit na! Eh yang sa inyo baka maging bakal na yan talaga. Kailangan nang i-smelt kapag natagalan pa." Napangiwi si Chrome sa kaniya.
"Ano ba naman yang pinag uusapan niyo!" Mamula mulang sabi nito.
"Bakit? Teka nga Chrome, sa dami ng naging boyfriend mo wala kang kahit isang pinapasok?" Tanong ni Rea with her innocent face. At sinamaan ito ng tingin ni Chrome.
"Juno, tahimik ka yata?" Pansin niya kasi na napakatahimik ngayon ng kaibigan, parang wala sa sarili.
"Huy! Juno!" Saka lang ito natauhan nang pinitik ni Rea ang noo nito. "Lumilipad ka na naman sa planet yekok."
"Sorry, nag iisip lang ng bagong aphrodisiac, nauubusan na kasi ako pero wala pang nangyayari sa amin." Nagkatinginan naman sila ni Rea, bilib na talaga sila sa prinsipyo ni Joshua. "And to think na una akong ikinasal tapos muunahan pa ako ni Ace, kumusta naman raw yun?" All along ito pala ang iniisip ng bruha, kung paano gagastahin ang hymen niya.
"Ay, sandale may tanong ako sa iyo Juno." Si Chrome ang nagsalita habang kinukusot ang ilong niya.
"Fire."
"Nasabi nila sa akin na ipinagkasundo sa iyo yang asawa mo, hindi mo siya mahal kung ganoon." Napakunot naman ang noo ni Juno. "Then why give him your virginity then?" Gusto niyang bigayn ng masigabong palakpak si Chrome, magaling talaga ang isang yan sa pag gulo ng damdamin.
"Where is this going Chrome?" Nakikinig lang sila ni Rea sa dalawang kaibigan.
"Nowhere, just asking, kasi hindi ikaw ang tipo ng babae na basta basya nalang isusuko ang bataan kung wala ka naman nararamdaman. So now tell us, why do you badly want to waste your friggin' virginity to that husband of yours? Tell us Juno, do you love him?" Ito ang gusto nika kay Chrome, direct to the point magsalita.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...