Lulugo lugong bumangon si Ace kinabukasan dahil nag iingay na ang kanilang mga alaga kailangan nyang pakainin ang mga yun para matahimik na ang mga pashneang yun. Kung tutuusin ay mukha syang nasabugan ng kung ano dahil gulong gulo ang buhok nya na may tali pa at namumugto parin ang kanyang mata.
"Ano bang kasalanan ko sa mundo at nangyayari ito sa akin?" Kausap nya ngayon ang kanilang aso na nakikipagtitigan lang sa kanya. "Goryo. Sagutin mo naman ako!"
Kung kaya lang talaga nyang magbungkal ng lupa patungong core ng earth ginawa na nya at doon na sya maninirahan.
Pagbalik naman nya sa kwarto nya ay nakita nyang may text ang mama nya. Nashort raw ito at magpapadala ng pera kaya kailangan na nman nyang lumabas ng bahay.
"Napaka wrong timing mo ma!"
Nang umaga ring yun ay pumunta sya sa padala center para matapos na ang kanyang kalbaryo. Nang makalabas na sya ay nakita naman sya ni Honorio at wala syang nagawa dahil nakipag chika talaga sa kanya ang plamingo. Buti nalang sa loob ng opisina nito kundi baka nasunog na sya sa init.
"Anetch ang happenings sayo at mukha kang bittet ocampo at pagoda cold wave kiri? Nag crayola ka ba?"
Tamad nyang tiningnan si Honorio. At binigay sa kanya ang cellphone with headset.
"Pakinggan mo yan. Ayoko na ulit magsalita."
Sinunod naman ni Honorio Lakandiwa ang kanyang sinabi at humagalpak ng tawa ang balaj na vaklush.
" are you serious? As in literal na panty?" Di makapaniwalang sabi ni Honorio tuloy gusto nyang tusukin ang mga mata ito.
"Shut up. Wala akong tulog dahil jan sa letseng lalaki na yan."
"Waley na teh. Na abnoy na yang lalaki na yan! Haha! Anong gayuma ba ang pinainom mo sa kanya at sya nga pala nakita ko yung instagram ni Evan. Anetch ang meaning non teh?"
"Isa pa yan! Gusto kong tanggalan ng nguso ang lalaking yun!" Mas lalong humagalpak ng tawa si Honorio sa naging reaksyon nya.
"Juicecoloreeed!! Sana na jolina magdangal ko kayo ano? Malay natin papunta na pala yun sa leptolelang tapos baka mag tusha pa kayo. Edi voila! Anak ng encantadia!"
"Heh!! Hindi nakakatawa yun! Isampal ko itong paperweight sayo eh!"
Nasabi na ba nyang ayaw nya maging center of attention? Alam nyang sikat si Evan di lang dahil sa pagmumukha nitong gusto nyang tanggalin kundi dahil narin siguro may pag aari itong malaking restaurant na sikat sa bayan nila ngayon tuloy kapag lumalabas sya ng bahay nya ay ramdam na ramdam nya ang nakakamatay na tingin ng mga kababaihan sa kanya. Kung may matalim na kutsilyo lang ang mga mata nila baka kanina pa sya na salvage.
"Ano namang drama yan Evan?" Si Cleo ang nagsalita. Nasa office sila ng restauraneur. Ang kanyang restaurant. Syempre hindi lang sya ang may ari non, kasosyo nya ang ate nya si cleo at vergel.
"Eh si Tasha kasi... hindi man lang ni like yung picture namin sa instagram.." he pouted his lips.
"Para kang timang jan. Pano ila like non eh inis nga yung tao sayo. Tsaka ikaw ha? Magnanakaw ka na pala ngayon?"
"Sa kanya lang naman ako natutong magnakaw." Gusto na nya talagang sugurin ang babae dun para sabihin na ilike naman nya.
He felt pathetic really.. sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay nya maliban sa relatives, family ay eto lang ang nakapag pagawa sa kanya ng ganon.
"Pranella. Kelan ka pa natutong gumanyan? Tsaka totoo ba yung sinabi ni Ate Eve na kinuha mo ang underwear ni Ace?"
"Wrong. Nakuha. Aksidente kasi yun. Nakapasok kasi ako sa bahay nya dahil hindi naka lock. Imbes na ako ang magsorpresa sya ang sumorpresa sa akin."
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...