Ace x Juno x Rea

456 12 0
                                    

"Ace. Beh."

"Teka ba't ka ba nakiki bebeh? Hindi naman kita boypren!" Aba nasasanay na ang lalaking ito.

"Sige. Asawa nalang."

"Huy ambisyosong frag." Kinikilig sya sa totoo lang pero pakipot muna para effect. Sinundot naman sya nito sa tagiliran dahilan kung bakit napaigtad si Ace. "Ay!malanding Kambing!!"

"Virgin ka pa pala Ace bebeh!muntik ko nang makalimutan!" Pinamulahan tuloy si Ace ng mukha.

"Heh!!jan ka na nga!"

Pinaalala lang ng lalaking ito ang madalimuot kong buhay pag ibig.

"Pwede rin naman na ibigay mo na yan sa akin..." marahas tuloy syang napalingon sa walangyang lalaki.

"Oooy!!! Hopia.."

"Baliw! Exzcuse meh baka naman hindi ako ma satisfy sa okra na yan ha?" Akala mo ikaw lang ha?

"Did you just say 'okra'? Ito okra? Good heavens! Paano magiging okra ang upo? Gusto mo makita? Tara try na natin bebeh." Napasinghap naman si ace sa narinig mula sa bibig ng lalaking ito.

"Bastos!! Jan ka na nga! Umuwi kang mag isa mo!" Hindi nya maimagine ang upo na sinasabi nito.

Yan kasi inunahan mo ng kabalbalan eh. Yan tuloy nagulo ang imagination mo.

Singit nang malditang boses sa isip nya.



Tawang tawa naman si evan sa mukha ni Ace na unti unting nawawalan ng dugo. Natakot yata sa kanyang sinabi. Masakit naman kasi sa ego na sabihin ang buddy mo ng okra which in fact isa itong upo. Sa laki nya ba namang tao.

"Uy. Evan Salamanca what is the meaning of your bonggacious laughter?" Si honorio na nakasilip sa hamba ng pintuan nila ni Rea.

"I just love teasing her."

"Aba sulitin mo na ang dalawang araw na natitira habang nandito tayels. Para makilala mo yun ng lubusan." Nginitian nya si Scarlet tinaasan nya naman ito ng kilay.

"May chikinini ka sa puno ng dibdib mo Honorio." Agad namang tiningnan nj Scar ang tinutukoy ni Evan.

"Wala naman ah!! Akala ko pa naman ginapang na ako ni Madam Rea kagabi!" Feeling frustrated lang Honorio?

"Ambisyosong uod. Una na akong bumaba." Iniwan na nya si madam scar dahil mukhang na hopia ito.

Nakita nyang nag uusap si Ace at si Joshua at mukha namang tuwang tuwa iyong babae sa kausap.

"Hala!! Ikaw nga yung kuya ni Aya!!! Kuya Joshua!" Rinig na rinig nya ang pagtawag ni Ace rito ng kuya hindi nya alam pero nakahinga sya ng maluwang sa sinabi nito.

"I'll send her your regards. Feeling ko tuloy matanda na ako masyado. Where in fact tatlong taon lang naman ang tanda ko sa inyo." Napakamot nalang sa ulo si joshua at umalis para sunduin si Juno.

"Beh. Magkakilala pala kayo ni Joshua?" Napaigtad naman si ace sa gulat.

"Nanggugulat ka namn jan! Oo kilala ko yun dahil kapatid yun ng katrabaho ko." Niyakap niya si Ace.

"Ba't ka nangyayakap." Nagreklamo ito pero hindi naman pumalag.

"Nagselos ako. Ng konte."

"Aysus. Alam mo namang kuya yun at ikaw." Humarap ito sa kanya.

"Anong ako?" Ngumisi si ace ng nakakaloko.

"Bitiwan mo ko freh. Chansing na yan eh"

"Gusto mo chansingin mo rin ako beh."

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon