Memories x Tears x Heart

363 7 0
                                    

Flashback

"Nay! Nandito na po ako!"kakauwi ko lang galing university. Dumiretso na ako at hindi na naglakwatsa dahil walang katulong si Inay sa pagbantay ng kapatid ko, may sakit kasi.

"Anastacia, hindi parin bumababa ang lagnat ng kapatid mo. Baka pupwede na isugod na natin sya sa ospital."

"Magbibihis lang po muna ako Nay para dire diretso na tayo. Wala naman po akong pasok bukas." Kung nagtatanong kayo kung nasaan ang tatay ko, matagal na kaming hindi nagkikita, iniwan nya kami ng walang pasabi kaya kami nalang tatlo ang magkasama. May decision narin ang korte na pinal. Walang divorce sa pinas, annulment lang ang meron, at dahil walang sapat na pera ay hindi man lang nai process. Hindi naman ako nagtatanim ng galit lalo na at ama ko parin naman yun laya lang hindi ko maiwasan ang mag isip na ano pa ba ang kulang sa pamilya namin at nakuha pang maghanap ng iba ni Itay.

Matapos kong magbihis ay dinala ko ang bag na naglalaman ng mga aralin ko at ilang piraso ng damit. Doon nalang ako sa ospital mag aaral para hindi hassle.

"Nay, tara na." Naiready na kasi ng nanay ang mga gamit na dadalhin kaya madali lang kaming nakaalis. At nang nakarating na kami sa ospital agad na tinusukan ang kapatid ko ng IV at inilipat sa general ward 2, ititest pa ito mamaya para malaman ang sakit.

Matapos malipat sa kwarto mula sa emergency room ay umuwi narin ang inay. Wala kasing magbabantay sa bahay at aasikasuhin pa nya ang mga papeles para may discount.

"Ate?"

"Kumusta ang pakiramdam mo Thad?"

"Sleepy." Napangiti ako, at least responsive sya.

"Then go to sleep. Ate will be right here." I smiled when my brother nodded and closed his eyes again.




Sa ikatlong araw naming pamamalagi sa ospital ay natukoy na na may pulmonya pala ang kapatid ko buti nalang ay hindi pa lumala, pwede narin kaming lumabas dahil mabilis ang response ng kapatid ko sa mga gamot. Bumisita rin ang mga tiyahin ko sa side ni Mama at tinulungan kami na makabayad sa excess sa ospital pero hindi yun libre ha? Utang yun. At dahil bukas ay kailangan ko nang pumasok para bumawi sa klase maiiwan ko na naman si inay at Thaddeus. Di bale hindi na ako papayag na bumagsak. Pinangako ko yan noong first time kong makatanggap ng warning.









"Kumusta na ang kapatid mo?" Si Juno. Nasa school na kami at nag aantay na pumasok ang prof namin sa minor subject. And I was hoping na umabsent ito. Wala rin naman kasi akong maintindihan sa lessons niya. Chika lang ng chika.

"Last subject na natin to, gala tayo sa mall."

"Ikaw nalang o kayong dalawa ni Rea. Wala akong pera, baka nakakalimutan nyong kagagaling lang namin sa ospital."

"Libre ko. Kaya hindi ko tatanggapin ang excuse na yan! Para naman makapag unwind ka. Lalim ng mata mo oh!" Napasimangot ako sa sinabi ni Juno. Ipangalandakan bang pangit ako ngayon?

"Tss. Osang oras lang tayo ha? Walang kasama si inay dun."

"Basta Ace, icheck mo lagi ang oras mo baka hindi ka na makauwi ng maaga. Alam mo naman si Juno." Si Rea. Sa aming tatlo sya na yata ang pinaka mature kahit pa ako ang pinakamatanda, buwan lang naman ang pagitan namin.

"Yan talaga ang gagawin ko." Si Juno kasi ang tipong kapag alam ang nararamdaman mo. Ini-ispoil ka nya na panandalian mong makakalimutan na may malala ka palang problema.

Habang kumakain kami magkakaibigan sa isang fastfood chain ay may namataan akong tao. Si itay, nakatalikod sya sa akin, napag-isipan kong lapitan sya para magsabi na may sakit ang kapatid ko.

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon