Sinadya talaga ni Evan na doon lumusot sa may mga puno ng saging papunta sa mga quarters, galing sya sa big tent. Ang big tent ay ang lugar kung saan sabay sabay na kumakain ang mga empleyado. Kaya kitang kita nya ang lumabas na si Ace sa quarters. Gulo gulo ang buhok pero nonetheless maganda pa rin sa paningin nya ano kayang hitsura ng babae kapag nakapag ayos? Baka rarami ang kanyang kaagaw.
He was staring at her memorizing her built. Pati ang medyo paika ikang lakad nito ay napansin nya at nang napatingin ito sa kanya muntik pa syang matawa sa itsura ni Ace. Sinadya kasi nyang magmukhang siniseduce ang babae. Nilagkitan nya rin ang tingin rito at nagpose pa sya ng parang sa model na nang aakit. At dahil siguro sa mga pinag gagagawa nya ay ayun na at dali daling pumasok si Ace at sya naman bumalik sa big tent.
"Ang saya nyo boss ah." Si Noel ang isa sa kanyang empleyado.
"Ganyan pag inspired Noel." Natukso tuloy sya ng kanyang mga kasama timing naman na may nag notify sa tweeter pagtingin nya ay si Ace yun, mukhang hsya ang pinariringgan ng babae. Now that she said I love you too nuncang pakawalan pa nya ito. No way! Konting push nalang talaga alam nyang bibigay na rin ang babae sa kanya!
Nang nagising na ang mga may nag inumang tao kagabi ay nanghingi ng sabaw o di naman kaya ay kape buti nalang talaga at alam nyang ganito ang mangyayari kay yun nagluto sya ng isang drum ng mushroom soup dahil may nakita syang mga edible mushroom sa may gubat kanina.
"Ansarap talaga ng luto mo chef Tyronne! Pakakasalanan kita!" Si Sophie yung binabaeng kasama ni Ace.
"Sabunutan kita riyan eh." Nagulat pa sya nang sumulpot si Ace sa likod ni Sophie.
"Ay! Shet kang bilatch ka! Wag mo nga akong gulatin! Hmp! Alam ko namang jowa mo yang si Chef ano, baka lang naman lumusot." Masama ang tingin nito kay Sophie. Ano kaya ang nasa isip nito?
"Tss. Tsupi. At ikaw lalaki! Mag uusap tayo mamaya!" Napakurap nalang sya at napatango. Waw selos ba yung naamoy nya? Ayee.. kikiligin na ba sya nito?
"Boss mukhang may nagselos kanina ah." Si Noel uli.
"Hay Noelita sana nga selos yun."
"Ano ba yan boss! Kaya nga Noel nalang ang pangit ng Noelita!" Yep. Babae si Noel. Ayaw lang talaga kasi nito sa pangalan, sa bagay.
Matapos ng agahan ay kasiyahan na babalik na kasi bukas sa Davao kaya susulitin na kung ang iba ay bumalik sa quarters dahil hindi pa nahihimasmasan ang iba naman ay naglaro sa dagat ng kung anu-ano at sya? Well gagawa raw sila ni Ace ng pamilya.
"Hoy Evan! Ano na naman yang ngisi mong yan?" Mukhang nabasa nito ang naglalaro sa kanyang utak.
"Wala. Ano ba kasi ang pag uusapan natin at dito pa talaga tayo sa gubat?" Hindi nya gustong mag isip ng kahalayan pero masisisi mo ba sya? Sila lang dalawa at may dalawang babae na nag advice sa kanya na umaksyon na umano raw sya.
"May pabor sana akong hihingin." Ay. Sabi na nga ba at hindi nagselos.
"Ano naman yun beh? Basta ba kaya ko go ako. Ano ba yan gagawa na tayo ng junakis?" Nahampas tuloy sya ng babae ng wala sa oras."aray!"
"Tumigil ka nga jan! Umupo muna tayo." Turo nito sa nakatumbang kahoy. "Sino ba kasing pontio pilato ang lumason jaan sa utak mo at kay halay na ba ng dila mo?"
"Suggestion yun ng mga kaibigan mo." He truthfully answered.
"Langya talaga ang mga babaeng yun. Hays! Wag kang magpapaniwala dun ha? Lalo na pag SPG na usapin dahil porn lang ang basehan ng mga yun. Si Rea lang naman ang nakakita na ng werlog at hotdog kaya please lang." Natawa sya kay Ace.ukhang nakukunsumi na ito sa dalawang kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...