Revelation x Decision x Torrid

437 8 0
                                    

Hinihintay ni ace ang sagot ni Evan. As much as possible iiwasan nya ang anumang gulo.

"Ace.Ikaw na ang mahal ko... ikaw na ang nandito." Turo pa ng lalaki sa puso nito. Nais nyang kiligin pero napabuntong hininga nalang sya.

"Pero Evan.. alam mo naman siguro na bumalik na si mica diba? Inakusahan na nya akong mang aagaw. Ayoko ng gulo.. at isa pa.. ramdam kong may hesitation sa part ng kapatid mo na ako ang napili mo ayaw nya sa akin." Naguluhan naman si Evan sa sinabi ni Ace.

"What? Ginawa yun ni Mica? And what do you mean my sister? Hindi nya hawak ang mga desisyo n ko sa buhay Ace.. kung sinumang mahalin ko... "

Andrama! Leshe. Bumabalik ang nga alaala ng pang iiwan ni tatay sa amin.

"Pero Evan, hindi ko talaga alam kung ano... kung sapat na ba yung panliligaw na ganon? Ilang linggo mo palang akong nililigawan tapos agad agad? Aba sinuswerte ka naman yata!" Pag iiba nya sa atmosphere sa pagitan nila.

"Look Ace.. maniwala ka sa akin... wag mong pakinggan si Mica... she left me because of someone else Ace. " napakurap sya sa sinabi ni Evan.

"Paano mo naman nasabi yan? May sinabi ba sya sayo?"

"No... I just found out... nanghingi ako ng pabor kay Cleo. At nalaman nya na yun nga daw. Hindi nya ako sinipot noon dahil kay Julius."

"Sino naman yang Julius na yan?"

"Sya ying kasabayan ko kay Mica noon. She two timed us.. " napa oh sya dahil sa nalaman.

"Ang galing naman ni ateng. Di mo nahalata." Hindi alam ni Evan kung iniinsulto ba sya ng babaeng kaharap o naaawa sa kanya. Parang wala lang kasi rito ang mga nalaman kumakain ito ng kamoteng kahoy at tila ba mataval na nitong alam yun.

"Sabihin mo nga sa akin Ace alam mo ba ang ginawa ni Mica sa akin?" Dun na sya nilingon ng babae.

"Ako? Ngayon ko nga lang nakilala yang si Mica ano. Oo inaamin ko stalker ako sa profile mo pero malay ko kung sino yang mga naging gerlpren mo jan" napanganga si Evan sa narinig na rebelasyon ni Ace at iniwan lang sya uli ng babae para sitahin ang dalawang butiki na nagla labing labing.

"Hoy Lakandiwa at Banaag. Wag nga kayong malandi. Hala hiwalay. Kuu. Isumbong ko kayo eh." Nakita nyang agad rin namang naghiwalay ang dalawa nilang kaibigan.

"Epal kang mujer ka sa kalandian naming dalawa!" Reklamo pa ni Honorio.

"Rea magtatabi tayo ngayon." Sabi nito kay Rea na syang ikinatuwa naman ng huli.

May nag iba kay Ace at ramdam yun ni Evan ngunit hindi nya matukoy kung ano dahil mahirap basahin si Ace... masaya sa unang mga minuto at bigla nalang nagiging malayo pagkaraan ng ilang oras. At naguluhan rin sya sa sinabi ni ace na may disgusto ang ate nya rito. Yun ang aalamin nya pagbalik. As much as possible ayaw nyang mapurnada ang lovelife nya lalo na at mahirap makahanap ng babaeng mahal ka at mahal mo rin.





Nang maka uwi na silang lahat ay pansin nila ang cold war sa pagitan ng mag asawang Juno at Joshua kay silang apat hindi nalang nag react mahirap na.

"Ace beh." At least hindi na pumapalag ang babae pag tinatawag nyang beh. Ang corny lang ng beh pero wa sya pake.

"Uuuyyyy.. may pa beh pa si Mayor oh." Singit ni Honorio na kay lapad ng ngiti na animo naka jackpot sa lotto.

"Ano yon Evan?" Takang tanong ni Ace.

"Tabi talaga kayo ni Rea?" Napa tingin naman si rea sa kaibigan.

"Mamaya pang gabi. Dun muna ako sa kwarto. Nanghina ako sa ginawa kanina kaya borlogs muna ako." At iniwan na sila ng mga babae at nauna nang pumanhik sa kwarto.

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon