"Kumusta ang pagbisita nyo kina Juno nak?" Tanong ng Mama ni ace sa kanila ni evan pagkauwi nila ng bahay.
"Oo nga ate, wala kang dalang pasalubong?" Napailing nalang sya sa kanyang shupatid. Kahit kelan talaga pasalubong ang nasa utak nito.
"Mayron may mga bato akong dinala dun. " ngumiwi naman ang kanyang kapatid na si Thad. Short for Thaddeus.
"Aanhin ko naman yang bato ate?" Reklamo nito.
"Aba magagamit yang pamukpok sa matigas mong ulo.!" Inawat na sila ng nanay nila baka kasi mauwi pa sa pisikalan.
"Tita, ganito po ba talaga yang mga anak nyo?"
"Hay naku Evan. Sarap ngang pag umpigin ng dalawang yan." Natawa sya sa sinabi ng ginang.
"Sama tayo sa bahay namin Ace.... please?" Lambing ni Evan kay Ace habang may ginagawa ito sa harap ng desktop nito.
"At bakit naman ako sasama sayo dun? Hindi naman tayo ganun ka close." Tumikwas tuloy ang kanyang makapal ngunit mukhang nai pluck na na kilay sa narinig sa babae.
"Hindi close? Eh naka french kiss na nga tayo at nakita mo na nga akong halos hubo't hubad at ikaw rin nakita na kita na naka towel lang. Saan ang hindi close dun!?" Muntik nang umitim ang kanyang paningin nang natamaan sya sa noo nya ng binato nitong tsinelas. Hindi nya alam na asintado pala ito.
"Shatap! Hindi lang tayo ang nandito kaya itikom mo yang bibig mo!" Napahiga tuloy sya dahil parang umikot ang kanyang paningin.
"Eh sige na naman kasi... please na.. please please!" Napakatalim ng tingin nito sa kanya at feeling nya masasaksak sya ng wala sa oras.
"Bakit nga eh?! Alam mo naman siguro na takot ako sa ate at parents mo!" Napangisi sya kaya tumayo sya at kinulong sa palad nya ang mukha ni Ace.
"Coz I want that two timer realize that someone already owns me... and that someone is you." Napansin nya ang pagkibot kibot ng ilong nito. Para tuloy itong rabbit na hindi nya alam.
"Fine. Pero diba nandoon si Mica?" Tanong nito kapagkuwan para tuloy syang nalulunod sa mga mata nito kahit na kulang nalang ay tusukin sya nito kanina.
"Yeah.. why?"
"Asahan ming pag tinarayan nya ako hinding hindi na ako aatras. Hindi pa nya kilala kung sinong aswang ang binabangga nya." Natawa tuloy sya. May ugali nga pala itong amasona pag pinoprovoke.
"Pa kiss naman beh.." hindi nya inaasahan na binigyan sya nito ng smack sa leps. Napigil tuloy nya ang kanyang hininga.
"Whats with you? Ba't hindi ka humihinga? May amoy ba ang hininga ko? Nagtoothbrush naman ako ah!" Reklamo nito at imbes na sumagot sya ay hinalikan nya ito ulit.
"Aysus!! Ma! May porn po pala rito oh!" Naghiwalay agad silang dalawa ni Ace dahil nakita sila ni Thad.
"Naku! Thaddeus pabayaan mo na yang ate mo jan! Para naman magkaroon ng gamit yang antigo nyang matris jan." Rinig na rinig pa nila ang kanchaw ng mama ni Ace
"Magbibihis lang ako Evan. Dahil baka may maibitay akong tao ngayon. At ikaw thaddeus! Maghihirap ka ng isang buwan dahil hindi kita bibigyan ng allowance!"
"Whaaaaat?!!! Ateeeee!" Reklamo naman ng nakababatang kapatid nito.
-----------------------------------------------------------------
Pagkarating nila sa bahay ng mga Salamanca ay naabutan nilang naghahanda ng tanghalian ang mama ni evan.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Cerita PendekNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...