gumamela x unexpected x misery

368 8 0
                                    

Ilang araw lang ay nakauwi na si Ace sa bahay nila. Hindi na talaga sya pinagbayad ni Evan ng renta at hindi na sya nagpumilit pa baka magtampo na naman, mahirap na. At nalaman narin ng Ina nya kung aning nangyari sa kanya at sinabi lang sa kanya na mabuti at hindi raw sya natuluyan. Grabe lang? Minsan talaga walang puso ang nanay nya, pero di bale sanay naman na sya.

"Nay, ano po maghahanda po ba tayo sa birthday ni Thad?" Tanong nya sa ina nya habang nagpapakatamad.

"Si Thaddeus ang tanungin mo sya naman ang mag si celebrate hindi ako." Iba rin eh. Malakas ang tama ng ina nya ngayon ah

"Tss. Menopause kayo nay?" Tinawanan pa sya ng ina nya. Nag concentrate nalang sya sa kanyang katamaran nang tumawag si Rea sa kanya.

"Hello?"

"Acee! Magpalabunutan kayo ni Juno kung sino ang maid of honor ko ha?" Luh.

"No way! Si Juno nalang wag mo akong madamay damay jan."

"Pero Ace. Ayaw mo bang makapareha so Evan?"

"Tss. Ayokong irampa ang kagwapuhan ni Evan sa kasal mo baka mapaaway pa ako sa daming aagaw sa kanya."

"Oh em gee! Acee! Nagiging possessive ka na!"

"At ikaw. Lumandi ka na. Ano na magpapakasal na ba kayo dahil nagjugjugan na kayo at may laman na?" Lihim syang napangiti nang marinig nya ang malutong na mura ni Honorio sa kabilang linya.

"Nakakaeskandalo ka alam mo ba yun?"

"Yeah I know. Si Rose nalang ang gawin mong maid of honor or di naman kaya yung pinaka close mo sa trabaho." Ayaw nya. Ayaw. Masyado syang tamad para mag asikaso ng bride.

"Ewan ko sayo basta ipapadala ko ang invitation sa inyo ha? At pag di kayo pumunta nina Tita susugurin kita gamit ang tanke de gyera ni Oreo ko."

"Tss. Talandi mo!"

"Sige na. I need to go. Bye Acee!"

"Bye."

Napabuntong hininga sya at tinawag si Thaddeus. Na agad namang lumapit dala ang isang basket ng pagkain.

"Saan galing yan?"

"Narito si Kuya Evan ate. Diba kayo na? Malamang kung nasaan ka pupuntahan ka rin nyan." May malaki rin itong ngisi.

"Chismoso. Teka. Anong gusto mo sa birthday mo?"

"Yung simple lang ate, yung tayong tatlo tapos si Kuya Evan din ang gusto kong magluto. Nagsasawa na ako sa luto mo eh." Binato nya ng lapis ang kapatid nya. Aba. Nakahanap yata ng bagong kapatid sa katauhan ni Evan at itinakwil na sya ah!

"Tss. Fine." Nahiga nalang sya sa kama nya at nagpagulong gulong roon, she left her door open though.

"Beh why are you lazy today?" Rinig nyang sabi ni Evan. Hindi man lang sya nag abalang bumangon, instead ibinuka nya ang mga braso and pouted.

"Beh! Pa hug!" Sinapian yata sya ng engkanto. Hindi naman sya malambing ah!

"Nak, wag kalimutang gumamit ng condom ha?"

"Nay naman!" Naeeskandalong sinaway nya ang Inay nya. She heard Evan Chuckle.

"Naku Tita, pwede po bang wag nalang? Magpapakasal naman rin po kami one of this days." Gusto nyang ingudngod si Evan dahil sinakyan pa talaga niyo ang kabaliwan ng Inay nya.

"Nagpropose ka na ba Evan?"

"Humahanap pa po ako ng tyempo Tita." Kung makapag usap ang mga ito parang wala lang sya doon. She just let out a frustrated sigh.

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon