"Evan! Gavin! Trace!Diaskeng mga lalakeng ito! Muntik na akong madulas sa laruan!" Kakagaling niya lang sa pedia para ipa check up ang bunso nilang si Yvanna na walang kahit anumang namana sa kanya kundi ang kasarian lang, kahit katiting na ilong man lang niya ay wala masyado yatang matapang ang dugo ni Evan at napag iwanan siya.
"Nandito na si Mama!" Si Gavin ang sumigaw, madungis pa sa lahat ng madungis ang kanyang panganay, mukhang tinuturuan ang mga ito ni Evan na magluto o di naman kaya ay mag bake, mabuti na rin yun para naman may matutunan ding gawaing bahay ang mga lalaking ito maliban sa pagiging tamad na namana sa kanya.
"Ma ma!" She smiled when she saw her son Trace bathing in flour. Ang cute naman kasi ng anak niya na yan. He got dimples! From his Dad.
"Ma, Papa teach us to cook cake." Natawa naman siya sa sinabi ni Gavin na mata lang at labi ang namana sa kanya. The rest? Kay Evan na.
"Really baby? Buti nalang talaga magaling ang Papa niyo sa mga ganyan ano?" She kissed their cheeks pero mukhang may malaking mama na nagseselos.
"Nasaan yung kiss ko?" Reklamo ng asawa niya.
"Aysus! Ito namang si Evan nagtampo agad. Come to Mama, Papa!" With Yvanna in her arms she tiptoed and give her husband a peck on the lips.
"Ah! Sweetest lips ever!" Hindi na mapuknat ang ngiti sa mga labi niya.
"Mama why Papa eats your face always?" Napangiwi siya sa term na ginamit ni Gavin. 'eats' talaga?
"Because papa loves mama, baby Gavin." Salo naman ni Evan sa kanya. At inaamin niya na kinikilig siya sa matatamis na salita ng bolerong asawa niya!
"Gavin and Trace and Vanna love mama Too!" Bibong sagot naman agad ni Gavin sa kanila.
"What about Papa? You love Papa too?"
"Yup! Gavin and Trace and Vanna love Papa too!" Gusto niyang kurutin si Evan dahil gusto lang talaga nito na pagsalitain si Gavin medyo may pagka tahimik kasi ang panganay nila.
"Mama em hungry.." Nilagay niya muna sa crib si Yvanna dahil nangangalay na siya at nanghihingi na ng pagkain na matino si Trace.
"Okay baby T! Halika baby bath muna tayo kasi para ka nang mumu sa kaputian after that mag eat ka na. Diba Papa?"
"Of course! Anything for my babies! Kuya Gavin, go with Mama muna and take a bath, amoy maasim ka na then we can eat na." Agad namang sumunod si Gavin sa kaniya papuntang CR. And she heard Vanna laugh out loud, mukhang inaaliw na naman ni Evan ang bunso nila.
"Mama when are we going to see Tita Juno and Tita Yea?" Ah.. si Rea. Hindi pa kasi masyadongabigkas ni Gavin ang R kaya minurder niya muna ang pangalan ni Rea.
"Hmm.. tomorrow 'by, are you excited to see your friends?"
"Yas!" Kinurot niya ang pisngi nito na napaka cute. Manang mana ang kaputian sa ama. Matapos niyang paliguan at bihisan ang dalawang bata ay pumunta na sila sa kusina. Yvanna is only one and a half binilisan kasi ni Evan kaya konti lang ang age gap ng mga anak nila. Nagmamadali eh.
"Okay naman ba daw si Vanna Babe?" Tumango naman siya bilang pag sang ayon. Vanna is a healthy one, courtesy of Evan's cooking. Nakakapagluto pa naman din siya pero iba talga kapag si Evan na, mabilis na masarap pa! Ang magluto ha?
"Ano ulam Babe?"
"Yung paborito nila na chopsuey." Aww! Okay lang kahit gabi-gabi yan ang ulam. Total gulay naman, at dahil halimaw yata ang tiyan ng kanilang panganay kapag gulay na ang pinag uusapan, simo't sarap ang niluluto ni Evan lagi! Even Trace is a veggie monster too! "Wala ka bang nakakalimutan Babe?" Alam na niya ang ibig sabihin ni Evan. Akala kasi nito nakalimutan niya na Birthday nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...