past x present x future

474 10 0
                                    

Naghuhugas ng pinggan si Ace nang may napansin sya, di yata’t naiwan ni Evan ang sapatos at wallet nito.

Ano naman kayang sinuot nya paalis rito? At saan sya kumuha ng pamasahe?

Naligo na sya at nagbihis ng simpleng tshirt at pantalon  at tsinelas.. and speaking of tsinelas nawawala ang kanyang pulang tsinelas! Ngayon nasagot na nya ang kanyang sariling tanong.

"Kalaking tao nun. Pano nya pinagkasya ang paa nya dun?" Napakamot nalang sya sa kanyang ulo at kinuha ang sandalyas na minsan nya lang gamitin.

"Hay Ace . Isipin mo nalang utang na loob mo iyon sa kanya sa pagluluto nya ng masarap para sa yo ha?"  Kausap nya sa sarili.

Matapos nyang kausapin ang sarili ay umalis na sya ng bahay dala ang mga gamit ni Evan.










Dumating na si Evan sa Restauraneur at nakita nyang pinapakalma ni Vergel ang kanyang pinsan.

"Good heavens! Nakarating kana rin after 48,000 years!" Salubong ni Vergel sa kanya.

"Where is she?"

"Nasa loob. Hinihintay ka. Lumabas na kami dahil high blood si Cleo sa bilatch na yun."

"Cleo?"

"Wag na wag mo akong makausap pagtungkol sa plastikada na yun Evan. Si Ace ang manok ko. Hindi ang plastikada na yan." Napatawa sya sa sinabi ng pinsan nyang lagi nalang may pms.

"Don’t worry. Si ace na ang nandito." Turo nya sa ibabaw ng puso nya sabay ngiti.

"Owh mhay Gheee!! Tunay na mentos ka na Evan!"

"Uh? Kelan ba yan hindi naging mentos? Ikaw lang naman ang paminta rito!"

Pumasok na si Evan bago pa sya madamay sa jombagan ng dalawa.
Pagkapasok nya  ay nakita nga nya si Mica na tinitingnan ang mga picture sa kanilang freedom board.

"Morning ms. Agoncillo. What brings you here?" Unti unti itong lumingon sa kanya.

Tss. Hindi mo na ko madadala sa pagpapacute mo Mica. Lels .not in this lifetime.

"Evan!" Tumakbo ito at niyakap sya.

Evan’s reaction》》  ==_____==

Tinanggal nya ang mga braso nito na nakayakap sa kanya.

"So you’re back huh? So what business do you have with me? Magpapa cater ka ba?" Pormal nyang turan sa dating kasintahan.

"No.. okay hindi ako magpapaliguy-ligoy pa. I came back for you." Tumawa sya ng pagak.

"Wow. Just. Wow. Ilang taon na ba yun? 2? 3 years? You left without even a trace Mica. Tingin mo sa nag daang taon ikaw parin?"

"Yes! Kakapalan ko na ang mukha ko. I never stopped loving you Evan!"

"Oh? Talaga? What do you know about love? Iniwan mo ako noon sa mismong araw ng kasal natin noon. At ginamit mo pa talaga ang salitang yan? Sana inisip mo man lang noon na hindi lahat ng iniwan na ay nababalikan pa."









Kakarating palang ni Ace sa restaurant na pag aari ni Evan. Hindi naman nya kasi alam kung saan ito nakatira kaya mas minabuti pang dun nalang nya ibigay ang mga naiwan nito.
Itinuro naman agad ng mga empleyado doon kung saan ang opisina.

"Papasok na ba ako? Masyado yatang tahimik." Kumatok sya.

’c’min’ hudyat yun na pwede syang pumasok. Hindi pa nga sya nakakapag angat ng tingin ay...

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon