Bachelor x Bachelorette x Chrome

402 6 0
                                    

"Juno sa palagay mo masakit talaga ang first time?" Kulang nalang ay saksakin siya ni Juno ng tinidor sa mata niya.

"Gaga! Ako talaga ang tinanong mo?! Nabaliw ka na ba? Kita mong intact pa sa lahat ng intact to diba?" Natawa tuloy siya sa violent reaction ng kaibigan.

"Bakit ba kasi yan ang nasa isip mo ngayon ha? Bakit nakita mo na ba?" Natigilan siya sandali dahil nagreplay naman sa utak niya yung nangyari sa mountain resort. Napayuko tuloy siya.

"Huy! Ano na! Hindi na rin ba virgin ang mata mo tulad namin?!" Marahan siyang tumango at nagtititili naman ang mga pashnea niyang kaibigan.

"Malaki ba?!"

"Mahaba ba?!" Magkapanabay pa na tanong ng dalawa.

"Heh! Mga baliw! Pasalamat kayo at tayo lang ang nandito! Sa tingin niyo ba malalaman ko yun ngayong tulog yung kanya?"

"Oh my Gods!! Sinilipan mo siya?!" Pinasakan niya ang bunganga ni Juno ng meatball mula sa pasta.

"Hinde! Hindi ako tulad mo bes na gagawin ang lahat makita lang yung ano."

"Nagmalinis ka naman iha, imposibleng hindi mo isipin yung ano niya matapos mong nakita, wag ako bes, pinagdaanan ko na iyan." Nakangisi na turan ni Rea. She just rolled her eyes, there is no use arguing with these lunatic friends of her. Hindi siya mananalo.

"Alam niyo kayong dalawa para talaga kayong kambal eh, puro kasi ibon ng mga jowa o asawa niyo ang laman ng utak niyo."

"And you are not an exemption!" Nakakalokong sabi ni Rea kaya nasipa nya ang binti ng upuan nito, muntik tuloy matumba.

"Bayolente ka talaga ano Anastasya? Eclavoo.. you all right?" To the rescue naman agad si Honorio sa jowa ne'to.

"Tss." Inis parin kasi si Rea kay Honorio, ang dahilan? Sila lang ang nakakaalam.

"Uuyy.. eclavoo naman.. " nagkatinginan sila ni Juno, mukhang pareho sila ng iniisip na dalawa.

"Ace, may alam ka pa bang aphrodisiac bukod sa soup no.5, chocolates, cobra meat at saging?" Napakunot naman ang noo ni Ace sa tanong ni Juno.

"Aphrodisiac? Ano naman ang gagawin mo sa aphrodisiac? Wag mong sabihing gagamitin mo yan sa asawa mo ha?" Inosenteng tanong ni Ace.

"Malamang, tsaka Ace naman kasi kailangan kong maputol yung self control niya na yo'n! Gusto ko nang magkaanak! Ayoko namang isa lang ang anak ko diba? Kakalungkot kaya maging only child!" Sabagay, only child rin naman kasi itong si Juno.

"Ahmm. Baka naman kasi may hinihintay pa siyang gawin mo?" Ang tinutukoy niya ay ang feelings ni Juno para kay Joshua, nasabi kasi sa kaniya minsan ni Aya na hinihintay lang ni Joshua na mahinog sa bunga si Juno para mapitas.

"Ano naman? Ayokong maghubad sa harap niya bes na parang nag strip tease, hindi pa ako baliw para gawin yun."

"I google mo nalang siguro kaya." Suhestiyon nya na mukhang sinunod naman agad ni Juno.

"Oh my gases!! May avocado kayo sa bakuran niyo diba?!"

"Ano naman ang gagawin mo sa avocado namin?" Takang tanong niya sa kaibigan.

"Pahingi ako mamaya bago tayo pumunta sa bridal shower mo ha? Aakyatin ko yun at uubusin ko ang bunga." Napakamot si Ace sa kilay. Para saan daw ang avocado?

"Hoy, pakisagot ng tanong ko kung anong gagawin mo sa maraming avocado?"

"Its an aphrodisiac Ace, tinatawag ito na testicle tree!"

"Testicle...tree? Bakit naman?" Tanong ni Ace kay Juno na nagbabasa ng article.

"Tingnan mo nga 'yong porma bes, parang werlog lang na nakasabit sa kahoy diba?"

Capturing her elusive heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon