Hindi mapakali si Ace habang kumakain, panay kasi ang titig sa kanya ni Evan na para bang balak sya nitong Isilid sa sako at ipagulong sa matarik na bangin. Nakaka asiwa tuloy. Napansin nya rin na panay silip nito sa daliri nya. Puputulin ba nito ang kamay niya dahil sa pag alis nya ng walang paalam? Wag naman sana!
"Masyado kang tense beh, masama yan baka hindi ka matunawan."
"Heh! Kung hindi ka ganyan makatingin sa akin edi sana relaxed ako ngayon!"
"Masyado kang seryoso beh." Napa ismid sya, hindi nya mabasa kung ano ang nasa isip ng lalaki.
"Tss. Kaasar ka ha?" He just chuckled at usinubo ang isang malaking hiwa ng karne. She therefore conclude na may lamang patay gutom ang tiyan ni Evan, kanina pa kasi sila kumakain sa buffet area at limang plato na yata ng beef broccoli ang naubos nito. Inaamin nyang malakas rin syang kumain pero ngayon ay isang exception. Ikaw ba naman ang tinitingnan habang kumakain, tingin nyo makakapag concentrate kayo? May padila dila pa siya sa kanyang labi na para bang nang aakit. Malamang magwawala lahat ng cells na nasa katawan niyo.
"Say, bakit mo nga ba ako iniwan do'n ng walang pasintabi man lang?" Nalunok nya ng buo ang kinakain nyang kamatis dahil sa tanong nito. Bakit ba pabugso bugso ang lalaking itu??
"Nakalimutan kita eh sensya ah?" Hindi naman talaga nya nakalimutan si Evan eh, iba lang talaga ang takbo ng kanyang utak. Napapalatak naman si Evan sa sinabi nya.
"Are you effin' kiddin' me? I won't buy that answer if yours Ace."
"Edi wag mo. Sino bang may sabi sayo na sundan mo ako rito ha?" Suamama yata ang timpla niya. She was actually hoping to have a three to five days quiet vacation to think things at hindi nya kasalanan kung susulpot ito bigla sa harap nya na mainit pa ang dugo nya! idagdag pa ang yucky period feels! Sinong matinong babae ang hindi maha high blood kung ganito ang pambungad sa'yo?
At isa pa pala itong ugali nya, hindi lang sya nagkikimkim ng sama ng loob isa rin syang irate na babae kapag dinadalaw ng pulang bangka! At dahil si Evan mismo ang lumapit sa kanya ito ang makakatikim ng kanyang pulang sungay!
"At saan ka naman pupunta?" Takang tanong nito nang tumayo sya. Ngunit hindi nya ito pinansin. Dire diretso lang sya palabas ng kainan na yun at dumiretso sa kanyang cabin.
Letsey! Magsama kayong mga lalaki!
"Anastacia! Sandali naman! Nakakapagtampo ka kala mo ba? Hindi mo man lang ako itinext, I am your fiance Ace! Sa tingin mo ano ang mararamdaman ko?" Fiance? Fiance my ass!
"Hindi mo ako fiance Evan! Roller coaster ang ginamit natin sa proposal proposal na yun kaya wag mo akong magamit gamitan ng word na yan! Bumalik ka na nga lang kay Mica!" Napansin nyang natigilan naman si Evan at may dumaang sakit sa mga mata nito pero binalewala nya yun at umalis na, pupunta sya sa mountain trail para maglabas ng init ng ulo.
Parang sirang plaka na nagrereplay ang sinabi ni Ace kay Evan, he was taken aback, he didn't expect it to worsen, her mood swings and all, pero ang pinakamasakit sa kanya ay ang ipagtabuyan siya nito kay Mica na matagal nang wala sa puso nya. Bakit ba kasi naisipan pa niyang itanong kay Ace yun eh! Kaya tuloy naitaboy sya. At hindi rin pala siniryoso ni Ace ang proposal na yun! Deyum!
Napaupo nalang sya sa porch ng cabin ni Ace. Kailangan nyang mag isip kung paano aamuin ang babaeng yun. Minsan talaga napaka insensitive nya, she is still hurting and yet he still asked her that question. Malamang at sa malamang magiging irrational yun!
Napapikit nalang sya at pumasok sa cabin. He needs to think, ano ba ang dapat nyang gawin?
Pagkapasok nya sa loob ay medyo nagulat sya sa nakita, the roller coaster ring that he gave her, is there, sealed with a cling wrap. He smiled at dinukot ang kahita mula sa kanyang bulsa. Papalamigin nalang muna nya siguro ang ulo ni Ace. Susundan nya maya maya para makapag propose sya na may totoo nang singsing.
BINABASA MO ANG
Capturing her elusive heart (Completed)
Short StoryNo boyfriend since birth yan si Ace, kinukulit na sya ng lahat yata ng myembro ng kanyang pamilya. May mahal sya pero di sya mahal. char lungs. maraming taon na rin nyang itinatangi ang kanyag perslab at ni isang beses ay hindi nya sinabi rito. Hi...