Chapter 2: Chitchat
And this is where it all started. He is my team mate. We are just four girls in our team. At first wala lang, team mate team-mate lang.
There was this time that we, (I and one of my girl officemate) had our lunch in McDonalds. Favorite ko kasi ang McFries and McFloat, so sabi ko we should go there. Nagca-crave talaga ako.
Nakuha sa charm kaya pumayag sya. We rode a cab papuntang Mcdonalds. It was just 5 minutes away from our company building so keribels lang ng isang oras na lunch break namin.
Sa stress na nararanasan namin dahil sa mga calls, sa mga sigaw ng mga nang-gagalaiting customers, we definitely deserve a break! We neeeed Mccfloooaat! Effective na stress reliever. Totoo, try mo.
"Hindi dapat bumagal-bagal, one hour lang tayo!" she snapped. Alam kasi nyang may pagka-mabagal akong kumilos. I know that, wag nang ipamuka pa, please.
"Ano ba yan, kadadating palang, pagbalik agad iniisip." Inirapan ko sya ng pabiro. Then I let out a small laugh. Bruhang 'to!
"Okay, laters!" sagot niya tsaka tumawa ng malakas. Pinagtinginan tuloy kami. Adik talaga minsan tong babaeng to eh. Kung makatawa napaka-witchy, parang wala ng bukas.
"Ingayyy." tinuro ng mata ko ang mga taong nakatingin na sa amin. Nakuha ng tawa nya ang atensyon ng mga tao. Luh. Nakakahiya! Hay nako, hindi ko po sya kasama, hindi ko po sya kilala. Swear.
"Hayaan mo sila!" muli syang tumawa nang mas malakas. Hala. Wala, may sayad talaga to!
"Loka. Tara, let's order na, I'm hungry." umuna ako at tumapat sa counter.
Sa loob kami pumuwesto. Maluwag naman sa labas kaso mainit, malaking ceiling fan lang ang meron don. Dito sa loob aircon, so here nalang.
As always, I ordered McFloat and large fries, my all time favorite. Sya naman may fries, burgerMac, sundae, um-order pa ng McSpaghetti. Wow, patay gutom lang te? Parang pangdalawang tao na yung order nya ah. Pero she's still slim kahit na matakaw sya.
"Ang takaw mo. Hindi ka naman tumataba. " I joked in my inggit-na-inggit na tone.
"Alam mo yan!"
May kung anong nag-udyok sa kanya para mapalingon sa labas. Nakita nya ang dalawang pamilyar na tao doon, our team mates.. Hindi ko sila napansin kanina pagpasok namin. They waved their hands and we nodded our head to acknowledge that we've seen them. I faked a smile, nakakahiya naman kung aangutan ko sila. At hindi rin naman kami ganun ka-close para bigyan ko sila ng genuine smile.
Tuloy ang chikahan, ang dami n'yang kwento. Palitan kami ng story. Alam nyo na, GIRLSTALK.
Time flies too fast. Ten minutes nalang at kailangan nang bumalik sa office. Darn those fcking calls. Bakit ba kasi tawag-tawag? Uso kaya ang pahinga, try nila. Mga lecheng callers.
"Let's go. Bring your fries." sabi nya habang sinusukbit ang bag nya.
"Three minutes, pleasee.. I'll finish this first. OB nalang tayo." (FYI, sa industriyang ito, OB means overbreak.)
"BI ka talaga.." pagtutol nya pero pumayag din naman. Kunwari pa, gusto rin naman.
"Thank youuu!" I smiled at her and she nodded her head. I love you, friend! Hugs and kisses.
Tumawa sya bago ituon ang paningin sa phone nya. Magtetext? Magpi-picture ba sya? Ahyeah, we should take a pic, pang update sa FB.
Hindi ko nakikita pero naririnig ko, AWESOME. DIVINE. SUGARCRASH. Nagca-candy crush pala ang loka!
BINABASA MO ANG
My First Romance
عاطفيةCALL CENTER LOVESTORY Falling inlove for the first time? Sabi nila the feeling is absolutely amazing. You can't even describe how much your world changes. Everything looks good to you, you're always happy, you're always in the mood. Butterflies gigg...