Chapter 16: Missing him
Ayokong makita nina mommy dahil hindi nila alam. Sa loob ng dalawang buwan na naging kami ni Ken, hindi ko sya ipinakilala kina mom.
Sa totoo lang, after that movie date, yayayain ko na dapat sya sa bahay to meet them. Mahal ko e, he deserves to meet my family.
Honestly speaking, hindi ako nagpapakilala ng boyfriend, ever since. Palagi nga nila akong hinahanapan. Hindi sila naniniwala kapag sinasabi kong wala. Ang gusto ko kasi, kapag magpapakilala ako ng boyfriend, sigurado na ako sa kanya. Na sya na.
Naging hobby ko na yata ang pag-eemote. Lalo na kapag ako lang mag-isa. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pero hindi nawawala ang pag-asa ko na.. pwede pa rin. Pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na one day, lalapit sya tapos maaayos namin lahat. I’m always acting calm and unaffected. Pero sa loob-loob ko, parang hindi ko na kaya. Parang sasabog na ako.
Sa pagdaan ng mga araw. Napansin kong unti-unti na talaga siyang nawawala. Sa tingin ko, wala lang sa kanya. Madalas pa rin kaming nagkikita sa office. But unlike before, we are like strangers. Back on being strangers.
Nakikita kong mukang masaya na sya. With his new friends.
“Bakit? Sht. Why the hell are you happy without me?!” gusto kong isigaw at isumbat sa kanya.
Fck. Masaya naman ako noon. Dadating sya. Eepal, tapos ano? Sasaktan ako. Iiwan? The hell!
Madalas akong nakakaramdam ng galit at naghahanap ng masisisi. Pero pagbalik-baliktarin man ang mundo, kahit saang anggulo ko man tingnan, sa akin pa rin bumabagsak ang sisi, I dumped him. Ako ang napagod. Ako ang sumuko. Ako ang nang-iwan, pero bakit ako ang nasasaktan? What a life! Kung ano -ano ang naiisip ko. Bakit niya ako ni-let go? Bakeeet??
Napunta ako sa stage ng pagiging alcoholic. Alam mo naman kapag lasing, nagkakalakas ng loob at nawawalan ng hiya. I sent him a message telling him how much I miss him… that it's still him that I wanted to be with.
Kinabukasan, doon na nagsimula. Self pity. I acted so pathetic. Ano’ng nangyari sa pride ko? Do I love this guy that much to the point na lulunukin ko na pati ang pride ko?
When I checked my phone, there’s no message from him. No good morning. No how are you. Ni-hi o hello man lang, WALA..
And yes, the message that said ‘I miss you’ was still there on my sent items. If he still loves me, he should show that he still cares. Magrereply sya. Pero sht, wala. WALA! That was the time I realized na wala na talaga. Hindi na niya ako mahal.
Naisip ko ring baka hindi naman talaga niya ako minahal. Kasi ako, kung mahal ko ang isang tao, hindi ko hahayaang mawala sya. Gagawa at gagawa ako ng paraan to make him stay. Hindi ko sya ile-let go ng ganun ganun lang. Regardless if it's his or my fault, I’ll do something to make him stay.
Minahal mo ba talaga ako, Ken? Oh God. Iam talking to myself again. Nasisiraan na ako. Biglang bumuhos lahat ng sama ng loob. Unti-unti na naman akong nalunod — parang hindi na ako makakaahon. Iam hopeless. Iam devastated. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want to have him back. Gusto ko syang balikan, pero imposible na, kahit gusto ko, kung ayaw na nya... wala akong magagawa.
BINABASA MO ANG
My First Romance
RomanceCALL CENTER LOVESTORY Falling inlove for the first time? Sabi nila the feeling is absolutely amazing. You can't even describe how much your world changes. Everything looks good to you, you're always happy, you're always in the mood. Butterflies gigg...
