Chapter 14: Small World
Ilang araw na ang lumipas, pero wala pa rin. Gaano katagal ba bago mo ako kausapin? What’s the fvcking wrong with you? Nakaka-stress ka na. Nililibang ko ang sarili ko sa kung ano-anong bagay. Nandyang nagpaka-busy ako sa nail arts na hindi ko naman talaga hilig. Ayokong makita nilang affected ako, ayokong magmukang mahina. Ang hirap magpanggap na okay ka lang, na masaya ka, when you’re hurting inside. When it's killing you inside.
After 3 days, he emailed me. Laking ngiti ko dahil atlast, kakausapin na nya ako.Three days is quite long, grabe sya. Sana magkaayos na kami.
“Steph.. do you still have my ring? Kunin ko muna, namimiss ko na e."
Wow! Mabuti pa yung college ring, namimiss mo. Nasa akin ang college ring nya, he gave it to me bago sya umuwi ng province. He will be there for a week at medyo matagal kaming hindi magkikita kaya ibinigay nya muna yung ring for me to remember him all the time..
“Ah miss mo na… yung ring mo? Oo nadun sa locker kuhanin mo!!!” tama tatlong exclamation point, para intense! Galit ako eh!!! Alam naman niya ang lock code ko since we’re sharing the same locker simula nung naging kami.
Hinubad ko ang singsing nung mismong araw na nangyari yung sa movie date. Iniwan ko nalang sa locker. Tuwing nakikita ko kasi, naaalala ko sya at nalulungkot lang ako.
I'm still longing for him. I miss him, so damn much. So bad. Kapag nakikita ko sya, gusto kong tumakbo sa kanya, gusto ko syang yakapin nang mahigpit. I want to kiss him. I missed being hugged by that fvcking freakin asshole. I miss his kisses. I miss him. Sya lang, sya lang ang gusto ko.
Iam always dreaming of him. Sabi nga nila, kapag napanaginipan mo daw ang isang tao, ibig sabihin, you’re thinking of him before falling asleep. In my case, yes I admit it. I'm always thinking of him. Not just before falling asleep. I'm thinking of him all day, all night, I’m thinking of him everytime. Pero mukhang wala na, seems like he already gave up on me. Kung mahal nya ako hindi nya hahayaang mawala ako ng ganun ganun lang. He’ll do something to keep me, to make me stay.
Kaya nga ba ayoko ng relationship e. In the end magkakasakitan lang.
-- -- --
"Steph, how are you?"
"Eto.. okay lang." I replied. Saying and pretending that you're okay when you're not is a piece of bullsht.
"I mean, yang puso mo, kamusta na?" Janice asked me again at naiyak na ako.
“Eto masakit pa rin !” diretsang sagot ko. Totoo naman kasi eh.
"Hindi ka pa rin nya kinakausap hanggang ngayon?" Umaatake na naman tuloy ang pagiging emotional ko.
Tumango ako then I looked down. Hindi ko man sabihin, alam kong ramdam nya na nahihirapan at nasasaktan pa rin ako. Alam ni Janice na si Ken ang first boyfriend ko. Bukod kay Cris, she’s one of my trusted friend. Sa kanya rin ako tumatakbo at nagku-kwento ng mga problema, mapa-bahay man o lovelife. She's a living witness of our lovestory.
BINABASA MO ANG
My First Romance
RomanceCALL CENTER LOVESTORY Falling inlove for the first time? Sabi nila the feeling is absolutely amazing. You can't even describe how much your world changes. Everything looks good to you, you're always happy, you're always in the mood. Butterflies gigg...