Chapter 019: FB / Pakwan

4.8K 68 4
                                        

Chapter 19:  FB / Pakwan 

       

   

Mabilis ko syang naitinulak palayo. Agad syang tumayo mula sa pagkakapatong sakin. 

“Oo, teka, sandali, nadyan na.” Lumapit sya at binuksan ang pinto. Si Rein ang narinig ko. Kaunting awang lang ang ginawa nya, alam kong ayaw nyang may makakita sa akin. The heck! 

Nakataklob lang ako ng kumot. Sh*t. Kapag may nakakita sa akin dito, sht talaga. Ilang sandali pa nang lumabas sila at narinig kong sumarado ang pinto, narinig ko pati ang pag-lock noon. Nakahinga ako ng maluwag. Mabilis akong tumayo. Napabungtong hininga ako habang inaayos ang buhok ko. Nagulo na kasi ito ng sobra dahil sa nangyari kangina-ngina lang. Ikaw ba naman ang patungan at iibabaw ng ilang beses. Ewan ko lang kung hindi magulo buhok mo!! 

Gustong gusto ko nang lumabas pero hindi pwede. Makikita nila ako, na galing ako sa kwarto ni Ken. Na magkasama kaming natulog? Ano to, balikan portion? Noooo. Dito muna ako, hihintayin ko nalang silang umalis. Nakaupo ako sa kama. Kung ano-ano na namang naiisip ko. Kung ano-ano na namang naaalala ko.. 

    

FLASHBACK

Iam currently packing my things. Few hours from now, we’ll fly back to Manila. Sa totoo lang, nabitin ako sa two days getaway namin. Ang bilis lumipas ng dalawang araw.

Ring. Ring

My phone rings and I got an idea who’s on the other line.

“Ken?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagpaalam sya kaninang lalabas para magyosi.

“Where are you?” 

“Sa kwarto.” maikling sagot ko.

“Puntahan kita.” 

Bakit kaya? Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos ng gamit ko. Mayamaya pa'y may kumatok na sa pinto. Sya na yan, sigurado.

“Come in.” Iam right, siya nga. Looking fresh, he’s all ready. Excited umuwi? Ako nga, ayoko pa.

Napatingin ako sa kanya. “Oh?”   

Lumapit sya sa akin. Nakaupo ako sa kama at nag-aayos pa rin ng gamit. Tumayo sya sa harap ko kaya binalingan ko sya ng tingin.

“10 minutes matatapos na.” I smiled at him. 

Kinuha nya ang kamay ko dahilan para mapatayo ako sa mismong tapat nya. Gamit ang isa pa nyang kamay, hinapit nya ang beywang ko palapit sa kanya. Kinikilig ako. Syete! We’re too close. Nakatitig sya. Nakaramdam ako ng hiya pero nakatingin lang ako sa kanya. Inilapit nya ang labi nya sakin at bumulong..

“I don’t wanna go back yet.” Binitawan nya ang kamay ko at idinako ang kamay nya sa buhok ko. “Please..”

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon