Chapter 010: Jealous

6.8K 76 3
                                    

Chapter 10:  Jealous  

        

         

“I did something stupid." Napa-facepalm akong bigla. I wish I could turn back time. Ano ba naman kasing kagagahan 'yon? 

Natatakot ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko. I think I'm falling. Oo, alam kong nandyan sya pero hindi ko alam kung hanggang kailan sya nandyan, kung hanggang kailan nya ako mamahalin. Kenneth, what you have done to me? 

Steph, never get too attached because attachments lead to expectations and expectations lead to disappointments. 

    

Pumasok ako sa office. Cold. I don’t wanna see him. I don’t wanna talk to him. All I want is to start all over again. Kalimutan lahat ng nangyari. I wish there's a 'clear history' option in life so I can choose memories to remember.

   

“Steph, what’s wrong?"

“Wala.” tugon ko. Nagpatuloy ako paglakad papuntang locker room para kunin ang mga gamit ko.

“I’ll wait for you downstairs..” sabi nya. After what happened last night, eto ako sobrang cold sa kanya. 

“Baka matagalan ako, umuna ka nalang.”  Ayoko na. Tigilan nalang natin to.    

Umalis sya at naiwan akong mag-isa sa locker room. Mabuti nalang hindi na sya nagpumilit. Sinadya kong tagalan ang pagbaba nang sa gayo'y mainip sya at umuna na pauwi. Well, sana hindi na nya ako hintayin. Mas mabuti na 'to.

Isa’t kalahating oras. Wala, ngumanga lang ako sa locker room at tumengga sa pantry para magpalipas ng oras. My mind is fully occupied, ang daming tumatakbo sa isip ko. Siguro naman sa isa't kalahating oras na yon, wala na sya. Sana.

Hindi nga ako nagkamali, wala akong nakitang anino ni Kenneth sa tapat ng building. Doon lang naman sya madalas naghihintay. Nakahinga ako ng maluwag, tila ba nabunutan ako ng tinik. Lalakad na lang ako mag-isa. This will be better, I guess. Yeah, I hope so..

May kung anong nag-udyok sa akin para mapatingin sa kabilang banda, sa dako kung saan medyo madilim, kung saan sila laging nakatambay, kung saan sila nagyoyosi ng mga barkada nya. Nakita ko sya, madilim man, alam kong sya yon. Oo, si Kenneth at may kasama sya. Babae, mahaba ang buhok, sexy, may hawak na yosi, nakatayo sa harapan nya. Hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod sya sa akin, si Kenneth naman nakaharap sa direksyon ko. Hindi ko alam pero galit at inis ang naramdaman ko.

Alam kong wala akong karapatang magalit, wala din akong karapatang mainis, wala akong karapatang magselos, bakit sino at ano ba ako sa kanya?  WALA! Wala naman. Wala namang KAMI. Mas lalo akong nanggalaiti nang makita kong hinawakan ng babae ang pisngi nya at akmang hahalik. Damn! She's a flirt. Ang landi. Ang harot.

Nagsikip ang dibdib ko, gusto ko syang sabunutan at pagsampal-sampalin ng walang tigil. Kaliwa't kanan. Ito namang si Kenneth, relax na relax, ngingiti ngiti pa sa maharot na babaeng iyon. Nakakapit pa sya sa beywang ng malanding haliparot. Anong gesture yan, Kenneth?? Tengna ka ah! 

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon