Chapter 024: Chance

5.5K 65 9
                                        

Chapter 24:  Chance 

      

       

"Akin na!" masiglang boses ang sumalubong sa akin paglabas ko ng office. Agad nyang inabot ang dala kong bag. Why you so gentleman?

Hindi ko mapigilan, tatatawa ako. Kasi naman.. HAHAHA! 

Nilingon nya ako at kitang kita kong puno ng pagtataka ang mata nya. Mukha na ba akong baliw? Hindi naman, hindi naman masyado. 

"Why?" he asked me. Medyo nakakunot pa ang noo nya na lalo kong ikinatuwa. He held my hand, "Hey!" Dahil sa bahagyang pagpisil niya, naramdaman ko ang isang malaking 'BAKIT' na nagsusumigaw sa tono nya. 

Naman kasi eh. Kay gwapong lalaki nag-shoulder bag. 

"Wala! Ang cute mo kasi, bagay sayo yang shoulder bag ko." I snapped. "Infairness, nagcompliment ang kulay sa polo shirt mo." I cant take this, I need to spill it out. I laughed on top of my lungs. Aynako, baka matuluyan sya. Wag naman sana. Dadagdag pa sya sa populasyon ng mga gwapong uhm, aish! Hell nooo! He's so hot pa naman.

Lagi kaming ganito, hinihintay nya ako ng tatlong oras, everyday. Walang mintis. EFFORT kung effort ang labanan! 

Sa totoo lang, ayokong naghihintay sya, imbes na itulog na nya yung tatlong oras, nandito sya't naghihintay. Minsan pinipilit ko syang umidlip nalang sa sleeping quarters habang naghihintay. Hassle na kasi on his end. Eh sya, masyadong mapilit. Edi pagbigyan, ginusto nya yan e!

-- -- -- 

"Am I fat?" I questioned him. Lately napapansin kong sumisikip ang mga pants ko. Feeling-suman na ako. Sheeet, this can't be. Ohnga pala, nandito kami ngayon sa Big Better Burgers. He asked me out for an early breakfast. Actually its just 3am, kagagaling lang namin sa office. Palagi kaming laman ng kung ano-anong resto, esp. yung bukas ng 24/7.

Tumawa sya tsaka tumitig sa akin. "Mahal kita." tiningnan ko sya. Luh, ano yun? Ang layo naman ng sagot nya sa tanong ko. Does it mean, YES? Hindi lang ba nya masabing mataba na talaga ako. Ano nga kasi? Matutunaw na ako sa titig mo. 

I broke our eye contact, naiilang na ako. Pero ramdam kong nakatingin pa rin sya. Makatitig naman to. Over na yan, 'koya'!!

"Ano bang sagot yan? Ang sabi ko mataba na ba ako? 100 miles ang layo ng sagot mo!" I scoffed. Kaynes eh! Dejoke, hindi naman talaga ako nainis, gusto ko lang malaman ang sagot nya. I just wanna know how he will react. Sasabihin ba nya ang totoo or magsisinungaling sya kasi ako to e, ako mismo ang nagtatanong. Ako, alam ko sa sarili kong tumataba talaga ako. Sige lang, isip ka, ayusin mo yang isasagot mo, kung hindi.. nako! Iiwan kita dito.. HAHA! *kidding*

"Ang sabi ko, mahal kita." sa ikalawang pagkakataon, yan na naman ang isinagot nya.. He emphasized the latter part. Ugh, irrelevant answer!

I frowned. "Ang labo!" ang gulong kausap.

Nagulat ako nang bigla nyang kunin ang kamay ko. "Mahal kita."  napalunok akong bigla sa sinabi nya. He stared at me, "Mahal na mahal. Mataba ka man o hindi, okay? Stop thinking too much." paliwanag nya. 

  

Silence.

Silence.

Silence.

    

Ang tahimik. Nakakailang. Nakakabingi.

"Look at him..." turo ko sa isang hot yummy guy na nakita kong naglalakad sa labas. Wala akong  masabi e. Bahala na, MEMA! Me masabi lang. 

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon