Chapter 011: Plan

6.1K 72 2
                                        

Chapter 11:  Plan  

       

          

Lutang at wala sa sarili kong inaayos ang mga gamit ko papuntang office. 

Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung anong dapat kong gawin. Nahihirapan na akong lumayo kay Ken. Nasasanay na ako na lagi syang nandyan. Masayang nakakatakot. Masaya ang bawat araw na kasama ko sya, nakakatakot dahil baka dumating ang araw na magsawa at mawala na lang syang bigla. Ayokong ma-attach. Ayokong maiwan. Ayokong masaktan. Makita ko lang syang may kasamang iba, halos magwala na ang puso ko, nanggagalaiti at nag-iinit na ako sa selos, paano pa kaya kapag nawala pa sya ng tuluyan? 

Ang init today, tagaktak na kaagad ang pawis ko bago palang ako papasok ng office. Wa-effect ang aircon ng Fx na sinakyan ko. Maryosep naman oh! 

“Chillz, choco cookies please.. ”  order ko sa ministop. Ia-abot ko na ang bayad ko ng may biglang may sumingit at nag-abot ng bayad para sa akin. 

“Dalawahin mo na yung chillz, pre..” isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran. Kahit hindi ko tingnan, alam ko kung sino yon. Pinisil niya ng bahagya ang beywang ko dahilan para makiliti at mapatili ako.

“Ken, ano ba, wag ka ngang magulo!” Kinikilig ako e, bwiset! 

Bumulong sya ng mahina “I miss you!” Naramdaman ko ang hininga nya sa tainga ko. Nakaka-kiliting ewan, hindi ko mapigilang hindi matawa. Enebe!

Natigilan lang kami dahil bumalik na si kuyang crew dala ang order namin. Maglandian daw ba sa loob ng ministop?  

At dahil maaga pa naman, naglakad-lakad muna kami hanggang sa marating namin ang tambayan. Doon kung saan sila nagyoyosi, doon kung saan nakita ko sila ni Cess. Naalala ko na naman. Ayokong masira ang araw ko, kaya isinantabi ko nalang ang ideyang dito sa mismong spot na ito, dito ko sila nakita. Psh! 

“Ang ineeeet..” panimula ko. Hindi kasi kami nag-uusap. Tumango sya pero hindi man lang nagsalita. Mayamaya pa, naramdaman kong pinunasan nya ang pawis ko. Naamoy ko ang bango ng panyo niya, kaparehong amoy kapag lumalapit at niyayakap nya ako. Nagulat at nanlaki ang mata ko. Ikaw na sweet, Kenneth. You already!

“Pawis na pawis ka..” he said, tucking my hair behind my ears.

“Tara, pasok na tayo?” aya nya sa akin.

Tumango at tumayo ako mula sa bench na kinauupuan ko. Mabuti pa ngang pumasok na kami, sobrang init. Parang sinusunog ako ng buhay. 

Sabay kaming naglakad hawak ang chillz na binili namin kanina. Hawak nya ang kamay ko.

“Papasok na tayo, kelangang magka-kaholding hands?” bulong ko.

“Bakit?” he looked at me.

“Pinagtitinginan nila tayo..”  sabi ko. Marami nang nakatingin sa amin. PDA naman kasi tong si Ken!

“Hayaan mo sila. Naiinggit lang sakin yang mga yan, sa akin ka e!" sabay higop sa chillz na hawak nya.

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon