Chapter 20: Spongebob
Someone’s knocking. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Sana naman magsalita sya kung sino man sya, di ba? Libreng magsalita, hindi nakamamatay. Swear. Hindi yung katok ng katok. Letse! Ayokong buksan. Utang na loob!
“Steph!” boses ni Ken. Napabuntong hininga ako. Mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan yon. Agad naman syang pumasok sa loob.
“Nandyan pa sila sa labas. Ano, wanna go out?”
“Gago!” bunghalit ko. Tamang tanong naman eh. Makikita nila akong nanggaling sa kwarto nya. Magkasama kaming natulog. Lasing kami. Anong iisipin nila? Anong ginawa namin? Nag jack ‘n poy? Nagtitigan? Sira ulo talaga to eh. Ewan ko ba bakit minahal ko to eh! Minsan ang slow slow.
Nakita kong tumaas ang kilay nya at biglang nameywang. Sino bang hindi magagalit kapag sinabihan ng gago? Oo, soo-sorry na. Nabigla lang ako.
“So-sorry." I apologized. "Nooo, I cant go out. Paalisin mo na sila, tapos lalabas na ako.. Uwi na ako.”
Lumakad sya at umupo sa gilid ng kama. “Mamaya pa sila aalis. Nagluluto pa, kakain daw muna..” he explained.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. “Huwaaat?” Mamaya pa? So kulong–kwarto ako? Naguguton na ako eh.
“Kaw kasi eh. Bakit mo ko dinala dito? Gutom na ako..” Magkasalubong ang dalawang kilay ko sa inis.
“Sige, sige. Ganito nalang, dadalan kita ng pagkain dito, ha? Bu-bwelo lang ako."
Nginitian ko sya. Eh ano pa nga ba? Do I have a choice? Ok whatevaaah, bilisan mo lang.
“Nga pala, pahiram akong damit. Kahapon ko pa suot to eh. Nanlalagkit na ako.. “ nahihiya pa ako nung sinabi ko yan. I really need to change. Hindi ko na gusto ang amoy ko. I smell like a living liqour. Shemay!
Tumayo sya at naglakad patungo sa walk-in closet niya.. Ako naman, umupo na lang sa kama. Naiinis na naghintay. Ilang sandali pa, bumalik sya hawak ang isang tshirt na may kalakikan ang size.
“You can use this, sorry alam kong this is too large for you, tiyagain mo nalang.”
Tumayo ako sa pagkakaupo at inabot ko yung shirt. Hell! Ang laki nga, itinapat ko sakin, humarap ako sa wholebody-sized mirror nya. Hanggang tuhod ko yung shirt! Aba at may malaking mirror pala sya dito, ngayon ko lang napansin. The shirt was actually a spongebob shirt. Napangiti ako, meron sya nito? Seriously, spongebob squarepants shirt? It was a yellow shirt.. na may mukha ni spongebob. Hahaha! Ang cute.
“Sige, pwede na to.” me smirking at him. Hingin ko nalang to, remembrance. Papayag kaya sya?
“Nice choice, Mr Spongebob!” natatawa talaga ko. Ano kayang hitsura nya kapag suot nya to? Napakirong ako.. Hahaha, kung ano-ano na namang naiisip ko.
BINABASA MO ANG
My First Romance
RomantikCALL CENTER LOVESTORY Falling inlove for the first time? Sabi nila the feeling is absolutely amazing. You can't even describe how much your world changes. Everything looks good to you, you're always happy, you're always in the mood. Butterflies gigg...