Chapter 029: Bitter Better

3.7K 56 20
                                    

Chapter 29:  Bitter Better  

           

~Truly spelling matters: Bitter and Better. MEMA, may masabi lang. Hihi. Short chapter lang to, enjoy!        

             

STEPHANIE 

Mabilis ang paglipas ng mga oras, ng mga araw at ng mga buwan. Hindi ko namalayang halos kalahating taon na mula ng nangyari 'yon.

I and Bill stayed as friends as what's in our F-deal. Bawal lumevel up, remember? FRIENDS, all in caps, that's what we are. Subukan lang nya, lagot sya sa akin. I'll kill him and I'll send his dead seducing hot body to planet Mars! Dun sya. 

Sa sobrang closeness namin, sine-set up ko sya sa mga blind dates. I want him to be happy kase. I want him to find someone he deserves. Believe it or not, he's also asking for my opinion tungkol sa mga babae nya. Okay daw ba, pwede na daw ba? Ganyan, ganito. Ako daw ang kumilatis. Grabe, yung totoo, nanay nya ako? 

Everything fell back on its place, I got myself back. Yung Stephanie na masayahin, pala-ngiti at bubbly. Hindi ko alam kung kailan eksakto at paano nagsimula, pero isang bagay ang alam ko.. I'm perfectly doing fine.. Okay na ako. Masaya na ako ulit.

Nahirapan akong mag-move on noon dahil feeling ko walang closure. He left me hanging. We broke up through text messaging, pagkatapos nun hindi na namin napag-usapan. Yea, there were times na nagkasama kami with our common friends, pero wala.. we have'nt had chance to talk about 'us'. 

Sinubukan ko namang makipag-usap pero sya ang umiiwas. Sya ang umaayaw. Hinayaan ko nalang. Edi wag! Kung ayaw nya, FINE!  I'll close it by myself. Atleast I have tried.

Ganun pala yun, kapag tanggap mo na hindi na ikaw ang source ng happiness niya, mas madali na ang mag-move on. Nasabi ko sa sarili ko na may girlfriend na e, kasama na niya yun. I'm not that special to him anymore and I started not to care. 

At kahit nakikita ko man ang masayang pictures nila sa facebook, wala na akong nararamdamang selos, galit, o sakit. Instead, I feel happy for him. For them. Masaya ako na ang masaya na ang lalaking minsan naging bahagi na buhay ko. Ang lalaking kahit sinaktan ako, minahal ko ng totoo. 

Sa kabila ng mga nangyari, wala akong pinagsisisihan. I should not regret those things that once made me happy. May natutunan naman ako at yun ang mahalaga. Truly, best life lessons are learned from experience. 

Nagising nalang ako isang araw na hindi na ako affected, na wala na lahat ng sakit. Akala ko noon, hindi na ako makaka-move on. Akala ko, hindi na ako magiging masaya. Pero naging mas masaya ako ngayon, I'm honesty speaking. Getting rid of those old feelings helps to make room for new ones. Check, absolutely right. 

Naalala ko noon, umabot pa sa puntong ayaw ko nang kumain. Lagi akong napupuyat kaiisip. Lagi akong umiiyak. Naging hobby ko na nga ang pag-eemote at ang pagto-throwback kahit hindi naman Thursday. Muntanga lang. Sa tuwing naalala ko kung gaano ko siya kamahal.. Naalala ko din lahat ng sakit. Ilang baldeng luha ba ang iniluha ko? Hindi ko na maalala, basta madami. Lunod nga ako noon.

Napatunayan ko na totoo pala yung sinasabi nilang, "Lilipas din yan." Nagagamot ng panahon ang sugat, time heals all wounds. 

Kung noon I'm bitter ngayon I'm better. Binago ko ang sarili ko. I gain more friends. Pero inaamin ko, hindi naging madali. Its a long process. 

Nakakatawa na yung mga iniiyakan ko noon, tinatawanan ko na lang ngayon.

Kapag mas marami na pala ang bad memories kaysa sa good, its better to let go. At yun nga ang ginawa ko. At ngayong naka-moved on na ako, I realized that I did the best decision.  Life goes on. Hindi titigil ang ikot ng mundo sa pagkawala nya. 

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon