Chapter 30: The Truth
KENNETH
Isinantabi ko ang kaligayahan ko, pinakawalan, iniwan at sinaktan ko sya. Sya na nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, sya na tumanggap sa kung ano at sino ang tunay na ako. Hindi ko ginamit ang utak ko. Naging tanga, naging gago, naging mahina ako.
Kalahating taon na ang lumipas pero ramdam ko pa rin ang sakit at ang labis na pangungulila. Marami akong gustong itama. Marami akong kailangang iayos. Marami akong dapat ipaliwanag. Marami akong pinagsisisihan.
Flashback
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil napakabigat at napakasakit ng ulo ko. F-uck this hung over. Naparami ang inom ko kagabi. Tarantado kasi 'tong si Rein, sinabi nang pass muna ako masyadong mapilit. We celebrated his birthday at lunuran sa alak ang labanan. I don't even remember kung ilang case ba ang tinira namin. Pero sigurado akong sandamakmak 'yon dahil lahat kami ay lupaypay at mistulang basahang nakakalat sa bahay nya. Maraming inimbitang chicks ang gago. Mukhang may maitim na plano pagkatapos ng inuman.
Laking gulat ko nang tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. I found myself naked laying on bed and right beside me was Cess, fully undressed.
"F-uck!" I cursed as I sat up. Agad kong hinagilap ang cellphone ko to check if there's any message from Steph. Couple of SMS from her.
"Ugh!" sambit ko nang maramdaman ko ang muling pagkirot ng sentido ko. Parang binibiyak sa sakit. Pucha!
At doon ko lang naalala ang napagkasunduan naming moviedate. Hindi nya alam ang tungkol sa inuman session naming ito. Anak ng! It's already 11AM and we agreed to meet by 12NN.
Mabilis akong tumayo at luminga-linga para hanapin ang mga damit ko. Hindi pa ako natatapos magbihis nang marinig ko ang pagsasalita ng babaeng kasama ko.
"Ken.." she said in pain. "Where are you going?"
I glanced at her. "I-Im.." hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. We spent last night together and we woke up both naked. Tang-ina! "I'm sorry Cess, but I need to go."
Agad syang bumangon at nagtapis ng kumot para tunguhin ako. Pero bago pa sya tuluyang makalapit, napagewang at bahagyang napayuko sya. "Ouch!" she whimpered as she cupped her lower body.
I was alarmed. "Cess!" I exclaimed and I assisted her back to bed.
"I'm sore." At ang mga katagang iyon ang paulit ulit na umalingawngaw sa pandinig ko. Her eyes showed pain and I felt guilty. Crap!
"I'm sorry!" Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Awa para kay Cess, galit at inis sa sarili ko at pag-aalala sa kung anong pwedeng mangyari pagkatapos nito. Ano ang mukhang ihaharap ko kay Steph? Paano ako magpapaliwanag, paano ako mag-eeksplika?
BINABASA MO ANG
My First Romance
RomanceCALL CENTER LOVESTORY Falling inlove for the first time? Sabi nila the feeling is absolutely amazing. You can't even describe how much your world changes. Everything looks good to you, you're always happy, you're always in the mood. Butterflies gigg...