Chapter 013: Movie Date

5.7K 70 6
                                    

Chapter 13:  Movie Date  

       

         

I’m walking alone. I’m not in the mood. I don’t wanna talk. I don’t wanna work. Nilalampasan ko lang kahit sinong makasalubong ko. 

Badtrip! 6PM ang shift ko, pero anong oras na, nandito pa rin ako sa pantry, naka-nganga, nakatulala. Malakas na tawa akong narinig mula sa likuran, P!@#$%^&  makatawa parang wala ng bukas ah. Yung totoo, bagong labas sa mental, te? At dahil sa pang-inis na tawang yun, nagbalik ang diwa kong kanina pa nawawala.

“Sht, 5:55!” I cursed. Limang minuto nalang mala-late na ako. Ano ba to! Hindi pa ako nakakapag set-up. Wala sa wisyo akong naglakad at naghanap ng work station. Kung hindi lang ako nakita ni TL, hindi na sana ako papasok. Malas!

“Stephh!” mahinang sigaw ni Cris mula sa di kalayuan. Early bird, 1 hour before the shift kung pumasok. Sus, masyadong dedicated sa trabaho. Oh, edi sya na. Bigyan ng awaaaarrd! 

"Ang hirap palang magpanggap na masaya ka, kapag hindi naman talaga." bulong ko sa sarili ko. 

Hindi ko sya sinagot, lumapit ako sa kanya because the station next to her is vacant. Dito nalang ako. Namimiss ko na tong babaeng to, I'll catch up with her. 

Nakita ko si Ken sa kabilang bay, nakatingin. Sige tumingin ka lang. Ewan ko sayo!  

Umupo ako sa tabi ni Cris... Eksaktong 6pm, we logged in. Okay, here Iam again, Stephanie welcome back to hell. 

   

“Argh!" bulalas ko matapos ang dalawang minuto, its avail. Napahampas pa ako sa station ko na siya namang ikinagulat ni Cris. 

“Steph, what’s wrong?”  

Hindi pa kami nagsisismula, badtrip na  ako. Hindi naman ako ganito noon, kahit gaano pa kasama ang araw ko at ang mga tawag na nakukuha ko, keribels lang. Pero iba ngayon. Sakit sa bangs, sht. Is there any way out? Gusto kong mag-disappear, mag teleport ba, pabalik sa bahay o kung saan man. Somewhere na malayo. Yung ako lang mag-isa.

For the last four months, lagi kaming magkatabi, tapos ngayon biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Dito ako pumwesto malayo sa kanya. Plus cold treatment for Ken. Ay mali, NO TREATMENT for Ken. As in nothing at all. Hindi ko sya pinansin pagpasok ko. Deadma lang, bwiset sya eh. 

Sasagutin ko na sana ang tanong ni Cris, bume-bwelo na ako. Ang hirap kayang magkimkim ng sama ng loob. Gusto kong mag vent out. Gusto ko ng kadamay, kelangan ko ng advice, kelangan ko ng kaibigan, kaso biglang nagring ang phone nya. She have no choice, kelangan nyang unahin yun over me. 

Nagbalik tingin ako sa monitor, Iam freaking stressed! Sinuyapan ko si TL. Nandun sya, he's busy doing some reports on his work station. Walang paa-paalam, nag log out ako tsaka tumayo. Bahala na. I badly need to go out!!

“TL, punta akong clinic. ” paalam ko. Hindi ko na hinintay ang approval nya, diretso lakad na ako. Sorry Boss. Alam kong sinundan nya ako ng tingin. Namimigat na kasi ang mata ko, anytime alam kong babagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Pag ito tumulo, mahirap na tong pigilin. I know myself. 

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon