Chapter 012: Boracay

6.4K 72 2
                                    

Chapter 12:  Boracay 

      

          

This is it! Our flight from Manila to Caticlan. 

Sa totoo lang, tinulugan namin ang byahe. Nakahilig ako sa balikat nya habang nakaakbay naman sya sa akin.

Boracay, with its white-sand beach and crazy parties, here we comeee! Ultimate summer destination, be good to us! Kahit hindi summer, gumora kami just to unwind. This will be our first time to be here, here in one of the world's best beaches. Me and Ken in Bora is 'happiness'. 

Eksaktong 2:30PM when we landed. Hindi naman kami nahirapan dahil may tour guide. Kinontak siya ni Ken bago pa kami umalis ng Manila. Pati accommodation, okay na rin. Pinili nya ang isang private house, ilang minutong lakarin mula sa beach. It has two bedroom. Akala ko room lang ang kukunin nya, buong bahay pala. Ang taray! Sya na mayaman. Nakahinga ako ng maluwag, wala naman pala akong dapat ipag-alala. Mae-enjoy ko ang Boracay trip na ito.

Pagkatapos ipasok ang mga gamit sa loob, lumabas kami para maghanap ng makakainan. Restaurants are everywhere! We grabbed a quick lunch at Army Navy, fantastic burgers and burritos. Naka-dalawang burger si Ken. Ang takaw nya. 

From Station 1 to Station 3, there are hotels, boutiques and restaurants. Ilang oras ang inabot bago namin naikot lahat. Harujusko, kung puro ganito, masisira ang diet ko. Ang sasarap ng mga pagkaen. Grabe!  

Sa Shenna's restaurant kami nagdinner. They say, if you wanna eat something cheap but yummy, this is the best place to go. Mabilis lumipas ang oras naubos ang unang araw namin sa byahe- lunch-pag-ikot-dinner-lakad.  Hawak ni Ken ang kamay ko all day long. Bumibitaw lang sya kapag may bibilhin kami, tapos kukunin na naman nya. Ang kulit lang. Baka daw mawala ako, and he won’t let it happen. Hahaha. Ano ako, bata? Akay akay lagi?

“Sight seeing lang tayo ngayon ah.” sabi nya habang naglalakad kami pabalik.

“Ohnga eh. Bukas I wanna swim.” I excitedly said. 

Ngumiti sya at binuksan na ang pinto. Sa totoo lang, 8PM pa lang. Medyo pagod na kasi kami sa kalalakad. Pero bukas we’ll make it up. We’ll enjoy our second day here in Bora! Pagkaayos ng gamit, humiga na ako agad. 

I harshly took my phone because it rang. Gusto ko nang magpahinga, sino ba to?! Gabi na tawag pa ng tawag. Alam ba niyang halos wala pa akong tulog at pagod na pagod na ako? 

Nawala ang pagkakunot ng noo ko nang makita ko kung sino ang tumatawag. Its Ken who's on the other line. Kelangan talagang tumawag, pwede namang katukin nalang ako. Nasa kabilang kwarto lang naman sya. 

“Yes?" I secretly smiled upon hearing his sexy bedroom voice. 

“Goodnight, princess!” 

“Good Night! I'll see you tomorrow.” he said nothing, but I hear a small laugh on his end. Sus, kinilig ba sya? 

-- -- -- 

Kinabukasan, Ken called me again,  I asked him for five more minutes since Iam still looking for my swim suit. Ang gulo kasi ng pagkaka-ayos ko ng mga mga gamit ko. Yung five minutes, inabot na ng fifteen. 

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon