Chapter 009: Sick

6.7K 72 4
                                    

Chapter 9:  Sick  

        

          

It’s almost 7AM. Hindi pa ako nakakatulog, ang dami ko ng antok. Umuna ako sa kwarto at pumuwesto sa right side ng kama, I reserved the other half for him. Naglagay ako ng unan sa gitna as our division. OA ba? Sarreh, nag-iingat lang.

“The Fudgee! Where am I?” bulalas ko pagkamulat na pagkamulat ko. I looked around and everything's unfamiliar. This is not my room. Nasaaaan ako?? Nakadagdag pa sa isipin ko ng mapagtanto-tanto kong may brasong nakayakap sa akin.. At nakayakap din ako sa kanya. 

“OhmyGaddd! What happened?” napabalikwas akong bigla. Tiningnan ko ang sarili ko. Good, we are both dressed. 

“Babe, maaga pa. You’re noisy." hinila nya ako pabalik-higa. "Stay here.” parang batang bulong nya. Mas hinigpitan pa nya ang yakap at isiniksik ang mukha sa leeg ko. And who are you to call me babe? Thick face!

“I need to go!” I voiced out as I tried to sat up, pero hindi nya ako binitiwan.

“Rest day.” Oo nga pla, restday! I forgot pero I should not be here. 

Ang higpit ng yakap nya, nakakapaso sa pakiramdam. Teka, mainit siya. Mataas ang lagnat niya.

“Ken! You're hot.” 

“You too." he answered, smirking. 

Umupo ako mula sa pagkakahiga at nilapat ang likod ng kamay ko sa noo nya. "Damn!" I cursed. 

“You're sick!”

“Wala to!”

Bumangon sya, “Tara, baka hinahanap ka na sa inyo.. I'll bring you home.” 

"I won't leave.”

“Stephh..” nanghihina sya, ramdam ko yon sa tono ng boses nya.

“I’ll just text my mom. Sasamahan kita.."

Ngumiti sya, “You don't have to.” 

Umiwas ako ng tingin, “But I want to..”  Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang yon. Basta ang alam ko, ayoko syang iwanan ng ganito. Ngayon pang may sakit sya? Nooo! 

“Lay down, kukuha akong ice pack.” I ordered and he followed.

“Magpadeliver nalang tayo, hindi ako marunong magluto. A-ah teka, nasaan ba ang medicine kit mo?” sunod-sunod na tanong ko.

We had our lunch around 3 in the afternoon. Tanghali na kami nagising since umaga na kaming nakatulog.

Its already 8PM, pero bakit parang walang effect yung icepack at gamot? Paracetamol naman 'yon, sa lagnat naman yon, di ba? Dinoble check ko pa kaya sa google bago ko ipainom sa kanya, hindi kasi ako sigurado.  

My First RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon