Part B - Chapter 69.2

165 14 10
                                    

Chapter 69

"Ako na," dali daling inabot ni Marcus ang pinto ng kotse at pinagbuksan ako.

"Salamat." Sabi ko at umupo, umikot siya sa kabila saka umupo at nagsimulang paandarin ang sasakyan. Alas nwebe ng umaga at papunta kami sa restaurant.

Simula nang pumayag akong ligawan niya ako, ganito na siya. Kung noon hindi siya gaano ka-gentleman, ngayon, sobra-sobra kung mag effort. Tatlong linggo na simula nang ligawan niya ako. Magmula sa pagluluto sa condo, sa pag hatid sundo sa akin kung may pupuntahan ako, sa pagdala ng bag ko. Siya lahat ang gumagawa niyon.

Tama nga si Jhanine, na responsableng tao si Marcus, dahil sa mga pinapakita niya, siguro lahat ng babae ay gugustuhin ang katulad ni Marcus.

I choose to be happy, that's why I let him court me. At kahit papaano, napapaligaya niya ako. Tama si Jhanine, I should give others a chance. Hindi pwede na after ng nangyari sa akin, ay hindi na ako magboboyfriend o papasok sa relationship. Yes, I'm afraid, really. But like Jhanine said, I should take the risk. Mararanasan ko rin ulit ang saya na katulad ng naranasan ko noon, pero sana hindi ko na maranasan ang sakit na naramdaman kung saka-sakali mang papasok ulit ako sa relationship.

"Kamusta kayo diyan?" Tumawag sa skype si Mama. Ang tagal din naming hindi nakapag video chat dahil pare-parehas kaming busy. I already told them that Marcus is courting me. Tuwang tuwa sila kasi aside from they're friends with Marcus' parents, sa wakas daw ay magkaka boyfriend uli ako. Natakot sila dahil baka daw maging matandang dalaga ako dahil twenty three na ako at hindi pa ako nagboboyfriend ulit.

"Okay naman po, Ma. So far, malakas 'yong kita ng restaurant." Nakaupo ako sa sulok na bahagi ng restaurant.

"That's good to hear, anak! Sana makauwi rin kami para makita namin 'yan. Si Marcus?" Here she is again, kapag tumatawag sila, parating hinahanap si Marcus.

"Nasa kusina, Mama. Busy iyon, eh. Si papa, nasaan po?"

"Nasa work. Hindi ako pumasok ngayon." Medyo nag iba ang tono ng boses ni Mama. Parang malungkot?

"Why, Ma? Are you sick?" I querried.

"No, don't worry about me. Okay kami dito, anak." She assured me with a smile, so I smiled back and nodded.

Lumapit sa akin si Marcus at nakisama sa video chat namin.

"Hello tita! Kamusta po?" Umurong ako para makatabi siya sa akin sa upuan.

Mama's face lit up. "Oh, Marcus! Okay naman. Mommy mo nga pala, pumunta dito kanina. Naghatid ng ulam. Anniversary daw nila ni Marco."

Napahawak si Marcus si ulo niya, tila may inaalala. "Ay oo nga pala! Anniversary nila ni Daddy ngayon. Nakalimutan ko. Mamaya tatawag ako sa kanila," he said. "Wala po kayong pasok ngayon, tita?"

"Hindi ako pumasok ngayon sa trabaho. Oo, igreet mo sila. Siya nga pala, kailan uwi niyo dito?

Marcus and I exchange looks. "Sorry ma, busy kasi dito kaya hindi muna ngayon,"

"Opo tita, pero baka next month, makauwi kami diyan. Birthday din kasi ni MJ, nangako ako dun na uuwi ako sa birthday niya." He's referring to his nineteen year old brother. Close sila ng kapatid niyang 'yon, parang bromance silang tingnan pero cute lalo na kapag nagyayakapan. "Ah sige tita, punta po muna ako sa kitchen. Icheck ko 'yong mga cooks." Paalam niya saka nagmadaling pumunta sa kusina. Nakita ko sa screen ng laptop na sinundan ni Mama ng tingin si Marcus.

"Ang responsable niya, anak 'no? Liban sa gwapo, magaling magluto, responsable..."

"Ma, alam ko kung saan papunta 'tong usapan. Ayoko pong madaliin ang lahat. Yes, he's courting me. We're not yet official but what importance is, we're happy." I said.

Serenade (Completed/Rewriting)Where stories live. Discover now